Sinunod ko ang utos ni Shinji na bantayan ang kinikilos ni Mizzie.
He gave me her schedule. Kaya tuwing break ko ay sinusundan ko siya. Sana ay hindi niya ako mahalata.
Nagring naman ang aking cellphone at nakitang tumatawag si Raven.
Ano na naman kayang kailangan nito sa akin?
"Hello?"
"Wynwyn, may ginagawa ka ba? Magpapatulong sana ako sayo." Tanong niya sa akin.
"Oo. Bakit?"
"As in busy ka? Sige sige pasensya na." Nalungkot niyang sabi.
"Joke lang. Sige tulungan kita. Nasaan ka ba?"
Nagsimula na akong maglakad papunta sa sasakyan ko. Tsaka ko nalang babantayan ni Mizzie. Marami pa namang oras.
"Nasa headquarters ako. I'll give you 15 minutes to be here okay bye?"
"T-teka" di pa ako nakakapagsalita ay binaba na nya.
Agad akong kumaripas ng takbo papunta sa aking sasakyan. Ayokong malate dahil may rule na kapag late ka kahit isang segundo ay manlilibre ka.
Nakarating ako sa headquarters ng mga 10 minutes. Buti nalang at hindi traffic.
"Sayang. You're not late. Tsk." paghihinayang ni Raven.
"Ano bang maitutulong ko sayo?"
"Meron kasi kaming bagong hinahawakan na kaso. Busy kasi si Shinji na maghanap ng ebidensya kaya ikaw nalang tumulong sa akin. I know you have some skills." Sabay kindat niya sa akin.
"Naku sa debate lang ako may ibubuga, hindi sa paghahanap ng clue. Ano ba yang kaso na hinahawakan niyo?"
"Someone was died because of an unexplained illness."
Bigla naman niyang iniabot sa akin ang isang folder na naglalaman ng mga impormasyon about sa kaso.
Name: Loreign De Ocampo
Age: 19
Cause of death: Unidentified
"Bakit hindi pa alam kung ano ang ikinamatay niya?" Tanong ko kay Raven
"Her brother said na noong sabado ng gabi last week ay umalis daw ng bahay si Loreign. Hindi niya sinabi kung saan siya pupunta. Kinabukasan daw ay bigla nalang siyang nagkasakit sa di malamang kadahilanan. She was comatose at kinalaunan ay namatay din ito."
"Nakakalungkot naman ng nangyare sa kanya. Ano ang gusto mong itulong ko sayo ngayon?"
"We're going to Loreign's house. Mag iimbestiga." Diretso niyang sabi sa akin.
"Okay. Wait. What!?"
Napataas ang boses ko.
"Naniniwala kasi si Shinji na isa itong murder. Based sa mga symptoms na inilarawan ng kapatid ni Loreign, Shinji concluded na it's a thallium poisoning. Shinji went to the Forensic Team para makumpirma ang kanyang hinala. Let's wait for his call bago tayo pumunta sa bahay ng biktima."
"Saan ba ginagamit yung thallium?" I asked.
"It's a banned poison that was once used to kill rodents." Sagot niya sa akin.
Napatakip naman ako ng bibig dahil sa nalaman. It's so shocking.
"Magready ka na, maya maya aalis na tayo." Sabi niya sa akin.
