Pretty Gangster (Chapter 17)

97 3 1
                                    

Naunang nakarating sila ranz, naka kotse kasi sila. Diba?

Pagkadating ko sa may gate ay nandun na din ang pinakamamahal kong kaibigan na tila masayang makita ako. At halata namang pinag uusapan nila ako? May be.

"Hey! Ano ganap natin ngayon?"

I asked and pasimpleng irap kay dj.
At halos ikaputok naman ng bagang ko ng gantihan nyako. Abayy!!

"Oh! Itigil nyo yan ha. Wag ngayon."

Natatawang suway samin ni mak. Napansin nya siguro ang mga kilos namin.

"Ano? Laro?"

Tanong ni ranz samen. Game ako dyan. Dahil gustong gusto ko talagang lampasuhin si dj, kaso di ko magawa in person. Kaya idadaan ko nalang sa dota.

"2v2?"

Panghahamon ko.

"Game. Kampi kame ni mak."

"Whutt? No! I mean. Hindi pwede, kasama ko si mak dahil magbespren kame. Dyan ka sa bespren mo."

Pantutol ko kay ranz. At halata naman kay dj na wala syang pakealam sa sinabi ko.

"Yes brow. Mas mainam pang tayo ang magkasama kesa naman yang babaeng yan ang makasama ko, akala mo napakalakas maglaro. Baka maging pabigat pa sakin."

"Wow ha! Hiyang hiya ako sayo. Ang kapal-"

Naputol ang sasabihin ko ng hilahin nako palakad ni mak.

"Tara na. Hihirit kapa kasi e."

Inakbayan nyako at bahagyang ginulo ang aking buhok. Naglalakad kame papunta sa pinakamalapit na shop.

"Kuya, apat na pc na magkakatabi."

"Hoy! Engot ka din eh no? Anong magkakatabi? Baka mamboso ka? Dun kayo sa likod."

Tutol ko kay dj. Ang tanga e. Hindi naman na sya umangal at nagtungo na sila ni ranz sa may kabila.

"Lobby game ha. Create nako. Join nalang kayo."

Nagsimula na kame, hero ni mak si legion comander, hero ko si pudge kay ranz naman medusa, kay dj, invoker?! Wow. Ang lulupit ng mga hero nila. Agad kameng nagsimula.

Well, pro hook kaya ako. Hahaha!

"Ano?! Invoker pa ang nais? Noob!! HAHAHAHA! Injoker!"

Pang aasar ko kay dj at sinasabayan pa ng napakalakas kong tawa para ramdam nya kung gaano ko sya maliitin. Pero nanatili syang tahimik.

"Hoy! Joker asan ka?"

Tanong ko kay dj ng nasa parte ako ng river. Kase nawawala sya sa lane namin.

"Im right behind you."

With tone on his voice. Nag ghost walk pala, then cold snap. Well im dead.

"Pinagbigyan lang kita ulol! Hahaha!! Para magkaroon ka naman ng kill, kawawa ka e."

Deep inside naasar ako dahil naka isa sya.

Almost 1 hour ng matapos yung game namin. Well panalo kami, 45-38 yung score. 3 deaths lang ako and the rest kay mak lahat.

"Nag enjoy ako dun ah."

Napatingin ako sa nagsalita. Nasa tindahan kasi kami ngayon at kasalukuyang nagmemeryenda. Hawak ko sa kaliwang kamay ang plastic ng softdrinks ko. Napaisip ako, na sa yaman ng dalawang to marunong din pala silang magmeryenda sa labas.

"Grabe mak, sobrang nag enjoy talaga ako."

Pang uulit nya. At halata namang nakatingin sya sakin ng sabihin nya yon.

Pretty Gangster [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon