Pretty Gangster (Chapter 19)

110 3 0
                                    

Dj Point of View

"Nakita mo si ren?"

Tanong sakin ni mak. Kakarating nya lang. Hindi pa naman sya late, isa pa wala pa din ang teacher namin dahil busy ang karamihan sa paghahanda sa magaganap na school intramural.

"Ah. Huling nakita ko sya kanina. Sa cr."

Halata ang pag kunot ng noo ni mak sa sinabi ko.

"Cr??"

Takang tanong nya.

"Oo, sa male comfort room."

Napa kunot ilong sya matching with nganga looks.

"Sa male comfort room?"

Pang uulit nya. Pero di ko na sinagot. Napailing nalang ako dahil inuulit lang naman nya ang sinasabi ko.

"Bakit? Anong ginagawa nya dun?"

"Ewan."

Kibit balikat kong sagot.

"Parang hindi sya yung nakita ko. Kase may kolorete sa mukha. Tapos ang sexy ng suot. Gulat na gulat nga nang makita ako e, tapos nagmamadaling umalis. Sumilip ako sa loob may lalake. Pero di ko kilala. Nag tatakip kase ng mukha e."

Mahabang paliwanag ko. Dahil yun naman talaga ang nakita ko.

"Ha!? Pero may napansin kabang kakaiba kay ren?"

"Hm. Yun lang naman. Parang gulat at kaba nang makita nya ako, nagmamadali kasing umalis e."

"Ano kayang ginagawa nya dun?"

Malaking katanungan ang namuo sa isip ni mak, at yun ang di ko masasagot.

"Tsaka yung lipstick brow. Halatang burado."

Dagdag ko pa na dahilan para manlaki ang mga mata nya.

Saglit kaming natahimik. At hanggang ngayon ay halatang nag iisip parin itong si mak. Pero naputol ang pag iisip namin ng bumungad na si ren sa entrance door.

"Hey. Do you know me?"

Pa ingles ingles pang tanong ni ren at bahagya pang umikot sa harap namin para ipapansin ang bago nyang looks.

"Para kayong nakakita ng multo ah."

She said while standing infront of us.

"Ay. Hindi pala multo, dahil dyosa nga pala ako. Hahaha!!"

Nasa kanya ang attention ng mga kaklase namin dahil wala parin kaming guro.

"Lets talk."

Mahinahong wika ni mak.

"About what?"

Nagtatakang tanong ni ren dahil napansin nyang seryoso ang kaibigan nya.

"This is private. So be serious."

Pansin ko ang kaba ni ren nang umupo ito sa tabi ni mak. Nag usap sila ng pabulong lang pero dinig ko.

"Anong ginagawa mo sa sarili mo?!"

"Hah? Anong pinagsasabi mo!?"

"May nakapagsabi sakin na may ginagawa ka raw na hindi maganda."

Bigla akong nag ayos ng upo at nagkunwaring walang naririnig. Dahil nabaling ang tingin sakin ni ren. Anak ng.. Itong si mak wala naman akong sinabing ganun ah. Pakiramdam ko'y nasa kapahamakan na naman ako.

"Ha? Pero-"

"Oo alam kong madalas kang gumawa ng hindi maganda. Pero iba to e. Ibang usapan na yun."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pretty Gangster [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon