Pretty Gangster (Chapter 18)

77 3 1
                                    

"Oo nga hindi talaga fair yan. Ilaban kaba namang muse kahit alam nilang wala kang laban? Haha!!"

"Yes. Sow better back out pitty ambicious gangster."

"Wala kang lugar dun. Nakakahiya lang."

"Wag mong isipin na inaaway ka namin ha. Concern lang kame."

Sunod sunod ang apat na nagsalita mula sa likod ko. Sinundan talaga ako para asarin. Tutal pikon na din naman ako kaya papatulan ko na talaga sila.

"Yes this is not fair. Kase tignan nyo naman. I.D picture ko pa yan nung 1st year. Hindi man lang ako kinunan ng magandang picture. Samantalang yung sayo julia, pwedeng kayurin yung make up mo sa sobrang kapal."

Kinuha ko ang picture na nakadikit at nagmadali ng umalis. May araw din sakin yung malalanding yun. Nagtungo ako sa parlor ng school na to para magpaayos at makapag picture ng matinotino.

"Yes ate?"

Tanong ng baklang inabutan ko sa loob. Imbis na sumagot ay ipinakita ko sakanya ang picture na hawak ko.

"Ah. Miss red team? Ano? Papaayos ka? Yan na yung nilagay nilang photo mo kase wala ka nung saturday nang magphoto shoot sila. Hindi kaba na inform?"

Umiling ako. Dahil wala naman talaga akong alam dito.

"Okey. Come on. Sit here and I'll make you extremely beautiful among them."

Napangiti ako sa sinabi nya at nagsimula na syang mag punas ng kung ano ano sa mukha ko.

Halos 15 minutes sya sa mukha ko. Ganun ba talaga katagal magpaganda or ganun ba talaga katagal para pagandahin ako?

Pagkatapos nya sa mukha ko ay dumako na sya sa aking buhok. Simpleng pagkulot lamang yon, pero pakiramdam ko'y dyosa ang nasa harap ko ng lumapit ako sa harap ng salamin.

"Bongga!"

Sabi ng bakla kasabay ng kanyang pag palakpak.

"Salamat."

Tanging nasabi ko bago lumabas sa room na yon. Nakontento akong pagmasdan ang sarili ko gamit ang aking cellphone habang naglalakad. Pansin ko din ang paghanga sa mata ng mga kalalakihan na madaanan ko gayon din ang pagkabigla sa itsura ng mga babae.

"Marunong din pala maglandi."

Malinaw na nadinig kong sabi ng isa sa mga nadaanan ko. Kaya pinihit ko ang katawan ko pabalik sakanya, at halata namang nagtindig sya ng tayo ng magkaharap kami.

"Hindi porket mukha akong anghel ngayon ay hindi ko na kayang bumura ng pagmumuka? Umayos ka ha."

Sinundot ko pa ang noo nya bago ko sya iwanan. Papunta ako sa gym ngayon dahil pagkakaalam ko ay dun magpapa kuha ng letrato. Tapos na ang schedule ng photo shooting para sa mga muse kaya malamang mga cheer squad ang nandodoon. At kung dipa ako nagkakamali ay pati mga basketball player. Gahd! For sure maraming tao.

Di pa man ako nakakarating sa gym ay biglang may humila sakin papasok sa c.r ng mga lalake at talagang tinakpan pa ang bibig ko. Pagkuwa'y si raymund lang pala.

"Ano ba!? Mabubura lipstick ko!"

Marahas kong inalis ang kamay nyang nakatakip sa bibig ko, at ganun din sya kabilis para kulungin ako sa mga bisig nya.

"Gandang di inakala?"

Wika nya habang titig na titig sa kabuuan ng mukha ko.

"Don't look at me like that! Please let me go."

Mahinahon kong sambit habang hinihintay kung ibababa ba nya ang kanyang mga kamay para bigyan ako ng daan.

"Ren, what i have done? I know its too late to tell you about this. But i still love you."

Pretty Gangster [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon