BUTI na lang mabilis akong nakatakas sa Tankiel na 'yon. Ang yabang kasi, akala mo kung sino!
"This row is my property!" Ginaya ko yung tono ng pagkasabi niya kanina. Sus! Ang yabang.
Gwapo nga, pero mukha namang bobito. Mayaman lang saka anak ng founder kaya nakapasok dito. Tinawag niya pa 'kong "engliserang pobre" at least matalino! Siya nga diyan, akala mo kung sinong siga. Tankiel Jule Maxwell daw ang whole name niya. Tss! Tunong mayaman talaga.
Parang biglang nanlumo ang buong katawan ko nang maalala ko yung last name niya. Ughh! Paano na yung scholarship ko dito? Paano kung kausapin niya yung tita mayor niya tapos paalisin niya ako dito sa school? Ano ba yan, first day mo pa lang dito, Sam! Gumawa ka na agad ng eksena!
Mag-sorry kaya ako? Ayy, hindi! Hindi pwede 'yon! Kasalanan naman niya 'eh.
Pero paano na yung scholarship? Para sa pangarap nga di'ba? Uhmm! Ano ba, Sam! Mag isip ka! Ginulo-gulo ko pa yung buhok ko. Mukha na pala akong baliw dito. Bahala na si Batman!
Tumuloy ako sa Cafeteria, sus! Canteen lang 'to pinaganda pa nila yung tawag! Mga mayayaman nga naman! Bibili sana ako ng makakain, pero nalula ako sa presyo ng mga pagkain, ensaymada pa lang ₱85.00 na, 'eh, limang piso lang sa amin 'yan! Singkwenta nga lang ang dala kong baon. Mabuti na lang may pagkain ako dito, Angel's burger, ₱25.00 lang, buy one take one pa! Nabili ko doon sa dinaanan ko papasok.
Umupo ako sa pinaka malapit na table sa akin. Ang libre lang sa cafeteria na 'to ay yung tubig. Hindi pa malamig, pero keri lang sanay naman ako diyan. Mukhang ako ang kauna-unahang magiging suki ng tubig na yan! Hihihi!
"Hi, Samantha right? I'm Julia Mae, or you can just call me Mai-mai. Yun ang tawag sa akin ng mga ka-close ko. Can I have a seat with you?"
May lumapit sa akin na isang babae. Maganda siya, mukhang mayaman. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Ako lang naman ang nag-iisang hindi na mukhang mayaman, hindi pa maganda dito.
"S-sure!" Sabi ko doon sa babae.
"Classmate mo 'ko. Hindi mo lang siguro ako napansin kasi nasa likod ako. Nakita ko yung sagutan niyo kanina ni Kiel, OMG! That was so cool!" Tuloy-tuloy na sabi niya. May naka-appreciate din pala ng ginawa ko, akala ko kasi lahat sila puro pan-labas na itsura lang ang nakikita sa mga lalaking 'yon.
"Bakit cool?" I simply asked habang kumakagat sa burger ko.
"Mayabang naman kasi talaga 'yon. Saka-- OMG! Ayan na sila!" Sabi niya at saka nakisabay sa pag-tili ng mga babae nang pumasok ang apat na lalaki. Kasama na doon yung si Kiel na nakasagutan ko kanina.
"Akala ko pa naman iba ka sa kanila. Nakikitili ka din pala dun sa kupal na Tankiel na 'yun." Bulong ko sa sarili ko. Hindi ko naman alam na narinig niya pala.
"No way! Hindi naman lahat ng babae si Kiel ang tinitilian! Katulad ko." Sagot niya sa akin na parang kinikilig pa at saka tumingin sa direksyon nung apat na lalaki.
"Sino ba kasi yang mga 'yan?" Iritadong tanong ko sa new friend kong si Mai-mai.
"Nakikita mo ba yung lalaking cute na naka-head set? Yun si Kyle Lawrence Cameron, siya yung pinaka tahimik sa kanilang apat at saka pinaka--"
"Crush mo?" Pinutol ko ang pagsasalita niya. Halata naman kasi sa expression ng mga mata niya.
"A-ah, h-hindi noh!"
"Wag ka nang mag deny, wala ka sa showbiz!" Pang-aasar ko sa kanya. Pero iniwasan niya lang ako ng tingin.
"Uhm, moving on, yung naka-shades, si Vyrone Astrall, pinaka babaero sa kanilang lahat! At yung isa naman na kanina pa tawa ng tawa dahil pinagti-tripan lahat ng dumadaan, si Raven Mariano. Wala naman kaming masyadong alam tungkol sa kanya kasi noong last year ng junior high lang siya napasama kila Tankiel, basta siya ang pinaka maloko sa kanila. Joker, parang ganun."
BINABASA MO ANG
That Girl Is My Property [[YaNdre Fanfic - COMPLETED]]
Teen FictionSamantha Claire Alcantara is a transferee senior student in a luxury school, Maxwell Academy. She's not rich, the only reason she got into this school is the scholarship given to her by the government because she was awarded as "The Smartest Milleni...