TANKIEL JULE ❤
"THAT, girl! That fucking girl is getting into my nerves!" Sigaw ko out of my anger.
Andito kami ngayon sa roof top ng bahay namin, favorite tambayan namin 'to. Napaka relaxing, but not now. Nang gigil ako sa pangit na 'yon.
"Baka naman may gusto lang sayo 'yon kaya nagpapa-pansin." Sabi ni Vyrone habang nagsu-surf sa internet. Naghahanap ng bagong syota. "Ang mga babae kasi, may iba't ibang style ng pagpapakita na gusto nila ang isang lalaki."
"Ma at pa!" Simpleng sagot ko.
"Anong mapa?"
"Malay ko sa sinasabi mo at pake ko?" Inis na sabi ko. "Ang gusto ko, pahirapan ang babaeng 'yon. Nakita mo 'yung ginawa niya sa akin kanina? Ngayon lang may babaeng gumawa sa akin 'non!"
"Akala ko ba wala kang oras sa mga babaeng pangit?" Tanong sa akin ni Raven habang pinag-ti-tripan na talian yung buhok niya.
"Wala nga, pero kasi--"
"Pabayaan mo na lang siya." Kyle cutted me off while playing video game.
"No!" Mariing sabi ko. "Ano, basta-basta na lang ako magpapatalo sa isang babae? Remember, she will step on my property every single day. Tapos classmate pa natin siya, araw-araw ko siyang makikita, araw-araw akong mabu-bwisit sa mukha niya."
"Use your fangirls, bro. Sino nga yung leader nila? Yung, Nathaly ba 'yon?" Suggest ni Vyrone, na inalmahan agad ni Raven.
"It won't work! I swear! Ibang klase yung tapang ng babaeng yon. Kawawa naman si Nathaly."
"Shut up, Raven! May point si Vyrone." Bright idea talaga 'yon.
Sigurado na sa sobrang pagka-obsess sa akin ni Nathaly, susundin niya lahat ng iutos ko. That engliserang pobre, akala mo kung sinong matalino. Now I got my plan for you, ugly lady. Lagot ka sa'kin.
"Kung papabayaan niyo na lang kasi siya, wala nang away." Here he go again. Nagsalita nanaman si mr. good boy, Kyle.
SAMANTHA CLAIRE ❤
"AS I study the Republic Act No. 9155 or the Governance of Basic Education Act of 2001, it only summerized that everyone of us have rights to have good education!"
"Thank you ms. Alcantara. As I observe you since your first day, I could say that our mayor has chosen the right person to give full scholarship in this school." Puri sa akin ni mrs. Mendoza, instructor namin sa subject na Human Rights.
Sus! Sanay na 'ko sa mga ganyang compliment. Ayun, nag bell na! Ang bilis ng oras, lunch break na agad. Ang bilis din ng araw kasi friday na agad. One week na 'ko dito nag-aaral.
Dito na ako umupo sa likod, katabi ko si Mai-mai. Sabi kasi ni mama nung tumawag ako kagabi umiwas daw ako sa gulo. Syempre dahil si mama na ang nagsabi, susundin ko.
Nasa unahan pa din yung apat na kupal, dapat lang talaga sila doon para mapansin sila agad ng mga instructors. Hindi kasi sila nakikinig. Tatayo na sila dapat nang tawagin sila ni mrs. Mendoza.
"Mr. Maxwell, I hope you didn't mind. Pero nasa kalagitnaan na tayo ng school year pero mukhang wala ka pa rin natututunan."
"Yeah, right!" Simpleng sagot niya. Aba! Tignan mo 'to. Mayabang na bastos pa.
"I just want to clear my self, walang excemption sa class record ko. I don't care if you're a Maxwell, ayaw kong mang hula ng grades."
Umalis na si Mrs. Mendoza after niyang sabihin 'yon. Ako, si Mai-mai at yung apat na kurikong na lang ang natitira sa classroom. Bago lumabas ng pinto tumingin pa sa akin ng nakakaloko si kups, yung nakakainis. Hindi niya 'ko pinansin since yung inccident sa parking lot, buti naman. Inirapan ko na lang siya, naalala ko kasi si mama.
Papalabas na kami ng room, nang may biglang mga babaeng naka roller skates na nagbabatuhan ng water balloon sa harap namin. Syempre todo iwas naman kami. Ano bang trip ng mga babaeng 'to?
"Saluhin mo!" Sigaw nung isang babae, at boom! Sa mukha ko tumama yung water balloon. Ugh! Basang-basa na'ko.
"Omg! Nathaly, binasa mo siya!" Sabi nung babaeng medyo chubby. Tinulungan ako ni Mai-mai mag punas ng basa sa mukha ko at uniform ko.
"Sorry," Mapang-asar na sabi nung Nathaly na tinatawag nila.
"Ano bang problema niyo?" Inis na sabi ko.
"Yung mukha mo!" Nagtawanan silang lahat sa nakakairitang tono. "We've heard kasi na inis sayo ang Prince Kiel namin. Ito ang surprise namin sayo. Zaira, Caren?"
Tinawang niya yung dalawa sa alipores niya. Lumapit si Caren at Zaira. At, langya naman! Binato pa nila ulit ako ng dalawa pang water balloon dahilan para mapa-upo ako.
"Aba, talagang--" Tatayo na sana ako nang mabilis silana magsipag alisan sila. Yung mga bwisit na 'yon!
"Hey, guys! Wait for me!" Sigaw pa nung isang babae. Kasama ata nila Nathaly pero hindi naman siya naka roller skates, pero may dala siyang maraming bag. Mukhang hirap na hirap na siya.
Sinamahan ako ni Mai-mai sa comfort room para makapag ayos. Hanep din sa comfort room 'tong school na 'to. Pang five star hotel talaga.
"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Mai-mai. "Yun yung grupo ni Nathaly, fan girls ni Kiel. Malamang inutusan niya yung mga 'yon para pag tripan ka."
"Ano bang problema nila sa akin? Bakit parang galit na galit sila sa pangit?"
"Ganun talaga 'yon si Kiel, porket gwapo akala mo kung sino. Pero teka--"
Biglang napatigil si Mai-mai sa pagsasalita at tumitig sa akin na para bang any moment pwede niya na akong kainin. Napatigil din tuloy ako sa pagpupunas ng mukha ko.
"Uyy, bakit ganyan ka maka tingin?"
"Alam mo, Sam, hindi ka pangit." Amazed na amazed na sabi niya.
"Huh? 'Nu ba yang pinagsasasabi mo-- Uyy, ano ba! Ang labo ng paningin ko!"
Iniharap niya ako sa kanya at sinimulang tanggalin ang salamin ko. Kahit malabo ang paningin ko, rinig ko na may kinakalikot siya sa bag niya. Itinali niya yung buhok ko, sanay na kasi akong naka lugay simula pa nung bata ako. Nilagyan niya ako ng face powder tapos may nilagay din siya sa lips ko na lasang strawberry, malagkit nga lang.
"Mai-mai, bakit ka nag do-drawing sa mukha ko?" Sabi ko sa kanya nang maramdaman kong parang may sinusulat siya sa parte ng kilay ko.
"I knew it! Konting ayos lang ang kailangan sayo. Wait, wag kang gagalaw, I'll take a picture of you."
Mabilis ko namang isinuot yung glasses ko at tinignan yung picture ko. Woah! Ako ba talaga 'to? Tumingin pa ulit ako sa salamin ng comfort room, ang kaibahan lang nung nasa picture ay yung glasses ko. Ako nga talaga 'to!
"I told you! You should wear contact lenses na lang. Oh, meron nga pala sa bahay, you should come over our house after class. Bawal ang tumanggi. I'll give you a make-over that will change you from head to toe!"
Hindi ko na pinansin yung iba pang sinabi ni Mai-mai. Basta tinitigan ko na lang yung picture ko sa phone niya. Ako ba talaga 'to? Hindi ko alam na pwede pala akong maging ganito.
Hindi ko inugaling mag-ayos, puro lang kasi ako aral. Nag focus ako sa dream ko na makapag tapos at mai-ahon sila mama sa hirap. Kailangan ko maging matalino para kahit 'yon na lang may ipagmamalaki ako na yaman ko. Nawala sa isip ko na kailangan din pala ng presentable look, kahit papaano.
BINABASA MO ANG
That Girl Is My Property [[YaNdre Fanfic - COMPLETED]]
Подростковая литератураSamantha Claire Alcantara is a transferee senior student in a luxury school, Maxwell Academy. She's not rich, the only reason she got into this school is the scholarship given to her by the government because she was awarded as "The Smartest Milleni...