SAMANTHA CLAIRE ❤
"I would like to congratulate everyone for the successful examination we had." Our adviser speaks.
Tapos na ang examination at na compute na din ang average namin for the whole grading period. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito, hindi para sa akin, kung 'di para kay Tankiel. May naisagot kaya yun?
"It's facinating that no one has failed this grading period, and," Yun naman pala, para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Malamang nasa 75 or 76 lang ang average niya. "..congratulations to the top 3 ranks in our class. Of course Ms. Alcantara in rank one, Ms. Padilla in rank two, and, Mr. Lacson in rank three! Special mention to Mr. Maxwell who got the rank 10. You're improving, keep it up! Okay, class dismiss."
Parang tumigil ang oras ko nang banggitin yung rank 10, ang lakas maka shocks 'nun! Si Tankiel? Si Tankiel talaga?
"Besh, Sam! Huy!" Bumalik ako sa katinuan nang sikuhin ako ni Mai-mai. "Tulala ka!" Tapos ngumuso-nguso siya sa harap ko. Tumingala ako at nakita ko si Kiel na nasa harap ko na pala.
"C-congrats!" I said.
"Bawing-bawi na ako sa pangungulit ko sayo 'ah! Bati na tayo?" He said at inabot ang kamay niya proposing for a shake hands. Tinanggap ko naman ito.
Hindi kasi nag kukulitan these past few days at parang proffesional tutor niya lang ako at siya naman student ko. So, ngayong tapos na ang exam, mangungulit na ulit siya?
"Kiel, dumating na pala yung package!" Tawag ni Vyrone sa kanya.
Napatayo ako at napa nga-nga nang makita ko yung malaking malaking malaking bouquet, as in malaki taga. Sobrang colorful ng mga flowers ang ganda! Narinig ko namang nagtilian yung mga classmates namin at yung ibang students na nakasilip. Sus, baka part lang 'to ng pagpapanggap namin? Pero kahit para saan pa man, ngayon lang ako makakatanggap ng bouquet kasi isang piraso nga wala 'eh!
"This is for you," Inabot niya sa akin yung bouquet. Halos matakpan na ako nun kaya nilapag ko muna. "Don't get me wrong, para yan sa pagpapasakit ko sa ulo mo at sa hindi pagsuko na makakapasa ako. Sorry, assorted flowers, kasi hindi ko alam ang favorite flower mo." Medyo corny pero, sige na nga. Kikiligin na din ako ng konting-konti.
"O-okay lang. Ang ganda nga 'eh, colorful."
Yung na lang ang nasabi ko. Kasi, I can't explain how happy I am this moment. Parang there's more than knowing na ako pa rin ang rank 1 in the class. Uhm? Siguro dahil sa flowers?
"Com'on! Let's go!" Hinawakan niya yung kamay ko at hinila pero bago pa man kami maka layo, pinigilan ko na siya.
"Saan tayo pupunta? Hindi pa nga ako nakakapag-ayos ng gamit ko 'oh!"
"Mag ce-celebrate. Happy rank 1 for you, and rank 10 for me. Let's go--" Bago niya pa ako mahatak ulit binawi ko na agad sa kanya ang kamay ko.
"Pwede bang," Tumingin ako sa gawi ni Mai-mai. "Pwede ba natin isama si Mai?"
He just smiled and said, "Of course!" Hinawakan ulit ni Kiel ang kamay ko. Landi much? Ayaw bitawan yung kamay ko, masyadong magaling mag pretend na kami 'eh.
Ngumiti si Julia, nag promise kasi ako sa kanya na as payment sa mga nagawa niyang maganda sa akin, ipaglalapit ko sila ni Kyle. I fixed my stuffs, ganun din naman si Mai-mai. Binitbit ko na din yung pagkalaki-laking bouquet na binigay niya.
"Hey, where's Raven? Parang biglang nawala." Tanong ni Vyrone nang malapit na kami sa exit ng school.
"Oo nga, he said he'll just go to the rest room pagka-tapos tayo idismiss ni ma'am." Dag-dag pa ni Kyle.
BINABASA MO ANG
That Girl Is My Property [[YaNdre Fanfic - COMPLETED]]
Novela JuvenilSamantha Claire Alcantara is a transferee senior student in a luxury school, Maxwell Academy. She's not rich, the only reason she got into this school is the scholarship given to her by the government because she was awarded as "The Smartest Milleni...