TGIMP - CHAPTER 4

220 57 60
                                    

GRABE! Ang ganda ng kwarto ni Mai-mai! Ang laki at puro color pink pa. Babaeng-babae ang dating. At yung kama niya, parang pang princess na nababasa ko sa mga fairy tales, sobrang laki at sobrang lambot!

Sobrang nakaka-relax dito. Yung araw na 'to kasi puro kamalasan ang nangyari sa akin. Kung kailan naman nagpipigil ako hindi makipag-away saka naman ako binibiro ng tadhana. Yung fan girls ni Kiel kasi, si Nathaly at yung mga alipores niya maghapon akong pinagtripan! Hindi nakakapagod mag aral para sa akin, mas nakakapagod yung mga pinag-gagawa nila sa akin.

"Ah, Sam, maybe you should change your clothes muna. Ito oh, kasya sayo 'to. Alam mo na, kasi, hehehe."

Oo na, yung last prank kasi nila sa akin, binuhusan nila ako ng isang trash can ng basura! Kaya ito, ang baho baho baho ko! Nakakahiya sa ganda ng kwarto ni Mai-mai. Hindi ko na lang sasabihin kay mama 'to, siguradong papauwiin niya agad ako. Hayy, buhay!

Mabilis naman akong nakapag palit. Buti na lang same body frame lang kami ni Mai-mai at nag kasya sa akin 'tong damit niya. Kung hindi, talaga uuwi akong mabaho sa dorm.

Ayoko na makipag-away. Pero ayoko namang magpa-bully sa kanila. Ayokong mamihasa sila na pumapayag akong ginaganon nila ako. Yung kupal na 'yon talaga ang may pakana ng lahat ng 'yon! Akala naman niya mapapa surrender niya ako ng ganun-ganon na lang.

Paglabas ko ng comfort room sa loob ng kwarto ni Mai-mai, naka handa na yung make-up set niya. Sobrang dami, kasama na doon yung mga para sa buhok. Nakatulala lang ako habang naglalakad palapit sa kanya. Ang mga may pera talaga ang daming nagagawang nakaka-amazed.

"Mai-mai, kailangan ba talaga ganyan kadami ang make-up na gagamitin sa akin?" Tanong ko sa kanya paglapit ko.

"Hindi naman, pero kasi kailangan kasi natin hanapin ang pinaka magandang shade para sa skin tone mo at saka kung ano ang babagay sa damit na isusuot mo."

"Ah, ganon pala ang pagme-make-up. Alam mo nung nasa junior high ako, diyan ako muntik bumagsak. Sa cosmetology, kung ano-ano kasi ang nilagay ko sa mukha ng model ko." Tumawa siya sa sinabi ko. Hindi kaya 'yon joke! Totoo yun.

"Basta, tonight, you'll be Cinderella and I will be your fairy-god-mother. Papagandahin kita para hindi ka na pagtripan ng grupo ng mayabang na si Tankiel."

"Wait, Mai-mai! Sigurado ka bang magiging maganda ang out-come nito?" Tanong ko sa kanya. Nag-aalangan kasi ako, baka pag tawanan lang ako ng mga tao sa magiging itsura ko.

"Ano ka ba, trust me! Saka sa Monday, susunduin kita sa dorm mo, aayusan kita para pag-pasok mo ng school, Boooom! Parang may bagong student ulit!" Masayang sabi ni Mai-mai sa akin. "Pa-plan-chahin ko din yung buhok mo para mag-mukhang straight. Sa tingin ko kasi bagay sa'yo ang straight! Virgin ka pa 'noh?"

Huh? Ano daw? Nagulat ako sa tanong ni Mai-mai. Anong ibig niyang sabihin doon?

"V-virgin?" Nagcover pa ako ng dib-dib ko gamit ang dalawang braso ko. "S-syempre! NBSB kaya ako!" Tumawa ng malakas si Mai-mai. Halah, siya! Nababaliw na!

"What I mean is your hair! Virgin hair means hindi pa nagagalaw yung buhok mo, 'yun bang hindi pa napapa-rebond, relax, at kung anu-ano pang hair treatment."

Ugh, okay! Hindi naman siguro makaka-apekto ang hair ironing sa performance ng brain cells ko di'ba?

TANKIEL JULE ❤

"WHAT'S the update?" Tanong ko kay Nathaly.

Andito pa rin kami sa school. Si Nathaly lang at ako ang andito sa room na 'to. Sina Kyle, Vyrone, at Raven nasa kabilang room. We have some important business to do.

That Girl Is My Property [[YaNdre Fanfic - COMPLETED]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon