TGIMP - CHAPTER 13

141 50 18
                                    

TANKIEL JULE ❤

ALMOST perfect na talaga ang gabing 'to. Andito ako sa likod ng crowd, nakatitig sa kanya habang naglalakad siya sa stage. Mukhang kabado but she still manages to smile. She's wearing a black evening gown tapos yung buhok niya naka bun lang. Napaka simple ng ganda niya.

"Kiel, cheers?" Lumapit sa akin si Raven na may dalang dalawang wine glass. Inabot niya sa akin yung isa.

"Cheers!" Sagot ko, nag toss kami.

"Successful yung plano natin. Konting oras na lang, coronation na."

"Thanks to you! Bawing-bawi ka na sa kasalanan mo. By the way, okay na ba yung date namin ni Sam? Saka asaan sina Kyle at Vyrone?" Tanong ko sa kaniya dahil himala at hindi kami kompleto ngayon.

"Naka set-up na ang lahat. Kami pa ba?" Sabay kaming napatawa. "Si Kyle, kasama si Julia, si Vyrone naman nag hahanap ng forever sa mga chikas niya!"

"Eh' ikaw? Bakit hindi mo hanapin si Nathaly?"

"Tss! Ayusin ko muna yung atraso ko sayo! Ang dapat mong isipin ngayon ay kung paano mo sasabihin sa kanya na mahal mo na siya! Kasi ala ka nang dapat ala-lahanin sa pageant na 'to dahil para sa kanya naman talaga 'to."

I just smirked. Oo nga naman, hindi ko na papalagpasin ang pagkakataon na ganito. Kailangan kong sabihin sa kanya na mahal ko siya, magalit man siya o hindi. It's now or never, once again.

❣•❤•❣••

"AND last but not the least, Ms. Samantha Claire Alcantara. Please step forward."

Nasa question and answer portion na at pagkatapos nito ia'announce na kung sino ang panalo. Of course si Samantha ko! Nakaupo kaming apat sa front seat reserved only for us. Wala namang bago 'don di'ba?

"The question is," Binuksan na nung host yung paper na nabunot niya sa question bowl. "If you will win tonight, choose three people to whom will you dedicate your title and why?" Huminga muna siya ng malalim bago sumagot.

"That is a facinating question, thank you!" Wow, bago 'yun ah! Ang akala ko gagayahin lang niya yung "thank you for that wonderful question" na ginamit ng iba.

"Of course to my beloved parents who's always been there for me through ups and downs. Second, to my ever beautiful best friend, Julia Mae, who never stop believing that "I can" in every situation. Lastly, to you," Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang tignan niya ako straight to the eye. "...to that person who always makes me feel special even sometimes I'm confused. Is that care for me, or for someone else you see in my presence. That's all, once again, good evening!"

"Oh, that was touching!" Comment ng host sa sagot niya. "Well, congratulations to our top five! The judges are now computing the scores and any moment we will--"

Hindi ko na narinig ang sinasabi nung host. Nakatulala pa rin ako sa stage kahit wala na siya. A-ako ba yung tinutukoy niya? Siniko ako ni Vyrone na nasa katabi ko.

"Yung bibig mo, papasukin na ng lamok!"

"Huh?" Bigla akong napa balik sa wisyo ko nang marinig ang sinabi niya.

Sabay-sabay silang nagtawanan, mga loko! Iniisip din siguro nila ang parehong bagay na iniisip ko sa sagot ni Sam.

Inumpisahan nang banggitin ang 4th at 3rd runner up. Bakit ganon? Kahit alam kong siya naman talaga ang mananalo, panay pa rin ang pag kabog ng dibdib ko, tsk!

"Down to our 2nd runner, awarded by Mr. Raven Mariano. Congratulations," Tumunod na yung drum roll. "Ms. Lorraine Gomez!" Binigay ni Raven yung award.

That Girl Is My Property [[YaNdre Fanfic - COMPLETED]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon