TGIMP - CHAPTER 15

157 52 11
                                    

TANKIEL JULE ❤

KANINA pa ako hindi mapakali dito. Nasa emergency room na si Samantha, wala akong magawa kung 'di ang maghintay. Dalawang tao lang ang gusto kong makausap sa ngayon, si Sam o ang doktor na gumagamot sa kanya ngayon.

"Kiel, tinawagan ko na yung mother niya kanina, malamang papunta na siya ngayon." Sabi sa akin ni Julia.

Pero hindi ko siya pinansin, ni hindi man lang siya tinignan. Nakayuko ako ngayon, gusto kong sisihin ang tadhana, bakit ganto? What I've done ealier, yun ang bagay na hindi ko nagawa para kay Sammy. Pero badtrip, bakit parang umulit lang? Yung sakit, kaparehong-kapareho ng sakit na naramdaman ko before.

Hindi ko na hahayaan pang may isang taong mahalaga sa akin ang mawala ulit. Alam kong hindi ganon kasama ang tadhana para sa akin, so I promise! Kung ano man ang dahilan ng nangyari kay Samantha, mailigtas lang siya gagawin ko lahat ng makakapag pasaya sa kanya.

Ilang sandali pa, lumabas ang doktor mula sa E.R. Lumapit agad ako sa kanya.

"Doc, kamusta po siya?" Sumunod din agad sa likod ko ang mga kasama ko.

"She's fine, just let her take her rest."

"Bakit po ba siya nahimatay?" Alalang tanong naman ni Julia.

"Actually, normal lang para sa mga katulad niya ang nangyari, but still kailangan mag-ingat. She has this condition na patuloy lumalaki ang butas sa puso niya. Kaya bawal sa kanya ang sobrang lungkot, sobrang pagod, sobrang exitement at kung ano pa." Paliwanag niya sa amin.

"Doc, what should we do?" I asked.

"Mag-ingat, that's the best thing to do. Kasi based on the physical health ni Ms. Alcantara, malakas siya. Kaya hindi sanay ang katawan niya sa ganitong heart attack. Maybe there's something na nagtrigger para atakihin siya? So, may I excuse my self for a while."

Umupo ulit ako sa bench at sumandal. Napanatag ang loob ko kahit papano. Ang iniisip ko naman ngayon ay ang tungkol sa sakit niya. Bakit hindi niya sinabi ang tungkol don? Edi sana mas naging maingat ako sa mga pinapagawa ko sa kanya dati.

"Asaan si Samantha? Kamusta na siya?" Tanong ng isang babae mula sa di kalayuan.

Ang mama ni Sam, sina Nathaly ang napagtanungan niya kaya sa akin siya itinuro. Tumabi siya sa akin kaya umayos ako ng pagkakaupo. Hindi naman nagpa-panic ang mama niya pero bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

"Sinabihan ko na siya, dapat niyang ingatan ang puso niya. Dahil para sa aming mahihirap, iisa lang ang buhay." Napatingin ako sa sinabi niya. "Hindi katulad kapag mayaman ka, may pangpa-gamot ka. Ano ba ang nangyari?"

Ikinuwento ko sa kanya ang buong nangyari. Mukhang alam ng mama niya na mangyayari 'to, dahil hindi na siya nagulat. Patuloy lang sa pag-iyak.

"Kailan pa po ba nagsimula yung sakit niyang 'to?" Tanong ko.

"Simula nung ipinanganak ko siya. Namana niya sa papa niya. May ikukwento ako sayo pero mangako kang hindi mo ipagkakalat." Seryosong sabi nito. Umoo naman ako without asking why.

"Noong nasa junior high siya may classmate siyang sobrang close sa kanya. Si Ace, parang katulad mo din siya. Matangkad, gwapo, mayaman." Napatawa siya ng mahina at tapos sumiryoso ulit. I wonder who's that ace?

"Kahit kailan hindi naglihim sa akin si Sam. Maliit o malaking sekreto sasabihin niya talaga sa akin. Yung Ace na 'yon? Yun ang first love niya. Pero hindi pwede dahil sa parents ni Ace, mga matapobre. Dinala nila si Ace sa Canada para doon magpatuloy sa pag-aaral. Iyak ng iyak si Samantha noon, inatake siya at muntik na mawala sa amin. Yun ang una at huling beses na nagmahal siya. Ang sabi niya mag-aaral na lang siya ng mabuti para makamit ang pangarap niyang maging isang teacher."

Ayoko mag selos dahil past na 'yon pero, kumirot yung puso ko ng kaunti. Aside from the fact sa first love ni Samantha, hindi ko makuha ang point ng mama niya.

"B-bakit niyo po ba sinasabi sa akin 'yan?"

"Nitong mga nakaraan linggo, alam kong may dahilan ang pagiging malungkutin niya. Nanay niya ako, nararamdaman ko kung may problema siya o wala. Hijo," Hinawakan niya ang kamay ko. "Alam kong hindi lang 'yon simpleng problema. Hindi man niya sabihin, pero mahal ka niya."

I know, pero gusto ko marinig mismo sa bibig ni Sam. Hindi ko pa din makuha ang--

"H-huh? T-tumayo po kayo diyan!" Nagulat na lang ako nang biglang lumuhod sa harap ko ang mama ni Sam habang patuloy pa din sa pag-iyak.

"Tumayo na po kayo!" Pinilit ko siyang patayuin pero ayaw niya, pinagtitinginan na din kami ng mga tao.

Umupo na lang ako sa harap niya. Dito sa lapag kung saan siya nakaluhod. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Ano po bang gusto niyong gawin ko?" Alalang tanong ko.

"Maraming salamat sa ginawa mo para sa sa papa niya. Alam kong mahal mo rin siya, pero mas mahal ko ang anak ko. Ayokong ipagdamot siya, at ayoko din sanang pumagitna sa inyo, pero hindi niya pa kaya! Nakikiusap ako sayo, ayoko maulit pa ang ganitong pangyayari, Tankiel. Ikaw na lang ang lumayo! Ayokong mawala sa akin ang anak ko, pakiusap!"

Unti-unting lumuwag ang pagkakahawag ko sa mga kamay niya. Patuloy lang siya sa pag-iyak. Naiintindihan ko ang gustong mangyari ng mama niya. Ayoko rin naman siyang mawala 'eh, pero paano naman ako?

Lumingon ako sa direksyon nila Vyrone, lahat sila nakatingin. Narinig din nila ang ipinakiusap ng mama ni Sam, at tulad ko mukhang nasaktan din sila sa sinabi ng mama niya. Oo, maayos siyang nakiusap, pero parang higit pa sa sampal ang palayuin ako sa taong mahal ko.

••❣•❤•❣••

HINDI na rin kami nagtagal sa hospital. Pagkatapos namin mag-usap ng mama ni Samantha, umuwi na kami. Mag ha-hating gabi na din kasi.

Pagka-uwi ko ng bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Hanggang ngayon hindi pa din mawala sa isip ko ang mga sina ng mama niya. Napasandal na lang ako sa isang pader.

Bakit ganun? Bakit lahat na lang ng mga babaeng minamahal ko inilalayo sa akin ng tadhana? Bakit palagi na lang hindi pwede? Isa-isang tumulo ang mga luha sa mga luha sa mata ko.

Sinuntok ko ang pader, sinuntok ko ito hanggat gusto ko. Wala akong pake sa sakit dahil mas masakit pa yung nararamdaman ko sa loob. Parang pinipiga, na halos wala akong ibang maramdaman kung hindi ito.

Naglakad ako pa punta sa kama ko at pabagsak humiga habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Kinuha ko yung picture nila mom at dad sa picture frame na nasa side table.

"Mom, dad, anong dapat kong gawin? This pain almost killed me again! I need your hug, mom." Kinausap ko sila na parang any momrnt pwede silang sumagot.

Years ago tuwing may problema ako sila ang tinatakbuhan ko, iniiyakan at hinihingan ng payo. But not this time, sa pangalawang pagkakataon kailangan ko ulit harapin ang sakit na nararamdaman ko. Mag-isa.

"Samantha," I speak her name, over and over again sa utak ko. Ikaw na ang huling babae mamahalin ko ng sobra.

That Girl Is My Property [[YaNdre Fanfic - COMPLETED]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon