TGIMP - CHAPTER 11

151 46 29
                                    

TANKIEL JULE ❤

BUKOD sa nararamdaman ko kung gaano kahirap at kasakit ang mabingit sa kamatayan ang sarili mong mga magulang, naiinis ako na nakikita siyang umiiyak. Parang may isang parte ng puso ko ang gustong kunin na lang ang sakit na nararamdaman niya. Nakakainis kasi alam ko namang hindi pwede.

"Ano na kayang nangyari sa papa niya? I hope okay lang siya." Sabi ni Julia habang kausap si Kyle. Sumilip ako sa small window ng pintuan, naghihintay kami dito sa labas ng E.R.

"Kiel, kamusta na siya?" Tanong sa akin ni Vyrone.

"Hindi pa siya lumalabas simula nung pumasok siya, hindi ko pa din alam kung anong nangyari." Sagot ko sa kanya.

Walang hinto sa pag iyak si Sam magmula kanina. Yung Sam na nakikita ko ngayon, ibang-iba sa Sam na matapang at palaban na kilala ko. I wish maging okay na ang papa niya so, she'd be okay too.

"Bro, Kiel, umupo ka nga dito. Kanina ka pa nakatayo sa pinto na yan!" Pinaupo ako ni Vyrone sa tabi niya. Pang tatluhan lang 'to kaya sina Julia at Kyle nasa katabing bench na lang.

"Sigurado ka bang simpleng concern lang yang nararamdaman mo para kay Sam? Look, we're all concern pero ikaw lang ang bukod tanging hindi mapakali." Tanong sa akin ni Kyle.

"Of course, I know how it feels!"

"Really, dude? So kailangan pag concern halos magkapalit na kayo ng mukha sa sobrang pagkayakap?"

"Shut up, Raven! Tandaan mo, may kasalanan ka pa sa akin!"

"Guilty!" Sabi naman ni Julia and they chuckle.

"Hey, ano bang gusto niyong palabasin? Na there's more than friends between us and--"

"Exactly!" Vyrone cutted me off. "Wag mong mamasamain, pero siguro naman naka move on ka na kay Sammy? It's been four years bro, hindi masamang sumubok magmahal ulit. Baka kapag itinago mo ulit yang nararamdaman mo, mahuli nanaman ang lahat para sayo." Tinapik niya pa yung likod ko.

Shit! Ito nanaman kasi yung pride ko. Tama si Vyr, saka ko pa ba aaminin sa sarili ko na gusto ko siya kapag huli na? Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. Ang alam ko lang masaya ako kapag kasama ko siya.

Wala pa ako maisip na isasagot sa kanya nang lumabas ang isang babae mula sa E.R.

"Excuse me po, kayo po ba yung mother ni Sam?" Umuoo naman siya nang hindi nag sasalita. "Kamusta na po yung papa niya? Ano po bang nangyari?" Kitang-kita sa mga mata ng mama niya na bagong iyak lang siya.

"Sinekreto namin sa papa niya na lumayo siya pagmag-aral, ayaw na ayaw ng papa niya ng magkakahiwa-hiwalay kami. Tapos nung kailan, hanap siya ng hanap kay Samantha. Hindi ko naman siya macontact dahil may tinuturuan daw siya. Ayun, nagwala! Hanggang kanina, inatake nanaman siya." Bumuhos nanaman ang mga luha ng mama niya. "Malaking problema nanaman 'to. Kailangan namin makahanap ng ₱200,000 para mapa-operahan ang papa niya sa puso. Siguradong hindi sasapat ang pagsa-side line niya bilang tutor. Mga kaibigan ba kayo ni Sam?"

"Yes po." I answered.

"Mabuti naman at andiyan kayo para sa kanya. Maiwan ko muna kayo at titignan ko pa kung may magagawa akong paraan."

Umalis na yung mama niya, hindi niya siguro alam na walang bayad ang pag tu-tutor sa akin ni Sam. Pero saan naman nila kukunin yung ganung pera ng ganun kabilis? Parang nakonsensya tuloy ako sa mga ginawa ko kay Sam. Hindi ko naman kasi alam na may ganito kabigat siyang problema. Kung alam ko lang, syempre hindi ko naman Umupo na ulit ako sa kinauupuan ko kanina at sumandal.

"What did she say?" Vyrone asked.

Sinabi ko sa kanila ang sinabi ng mama niya, of course nakarelate sila sa nararamdaman ko. Sabay-sabay silang nagmukhang problemado. Tumayo si Kyle sa harap ko.

That Girl Is My Property [[YaNdre Fanfic - COMPLETED]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon