"TANKIEL naman, sige na, kabisaduhin mo na 'to!"
"What if I don't like?"
"Isusumbong kita sa tita mo! She won't gave you the rights to manage the school!"
"Eh, ang dami-dami naman kasi niyan!"
"Kasalanan mo yan, hindi ka nakikinig sa teacher! Tsk!"
"Teka," Umayos siya sa pagkakaupo niya. "Ipasa mo na lang sa akin yung mga answers."
"Matalino ako, hindi ako magician para ihatid sayo yung answers ko ng hindi tumatayo dahil nasa front seat ka at nasa back seat ako!"
"What if, nasa front seat ikaw at ako, tapos magkatabi tayo? Edi makikita ko na yung answers mo!"
"What!? Nababaliw ka na ba? Mango-ngopya ka sa akin, tapos ano? Damay ako kapag nahuli ka!"
"So, what will we gonna do? Ayokong bumagsak dahil kapag bumagsak ako siguradong papaulitin ako ni tita sa second year senior high ko!"
"Not we, you! Ewan ko sayo, mag-aral ka kasi! Hindi ko na problema 'yan!"
"It's your problem too, dahil kapag hindi ako naka pasa siguradong hindi ka din papa-graduatin ni tita. So, you can teach mo more!" Ugh! Nakakairita na talaga siya! Huminga ako ng malalim.
Ito kami ngayon, nagpipilitan na mag aral siya para sa exam bukas. Napaka stubborn ni Tankiel, idagdag mo pa yung salitang "childish" sa description niya. Wala tuloy akong magawa kun'di mag stay at pagtiisang siyang turuan.
••❣•❤•❣••
"TAPOS ito, hanggang dito basahin mo. Kahit yung main idea lang para may mai-sulat ka sa essay" Medyo nahihirapan ako kasi hindi rin nagsusulat ng notes si Kiel.
"Pwede bang idescribe ko na lang kung paano ko imanage ang utak ko sa mga babaeng humahabol sa akin at kung paano ko papanalihin ang kagwapohan ko sa essay, Psychology lang naman 'yan?" Inhale-exhale! Patience, Sam! Patience!
"Mabuti pa mag-sulat ka ng example ng essay na naiisip mo tapos ico-correct ko na lang." Inabot ko sa kanya yung ballpen at notebook.
"Ayoko, sayang yung energy ng kamay ko!" Napailing ako habang naka ismid sa sinabi niya. Sumasakit na yung ulo ko sa katigasan ng ulo niya! Anong oras na, kailangan pa namin gumising ng maaga dahil bawal ma-late!
"You know, gawan mo na lang ako ng kodigo para hindi ka damay kapag nahuli ako. Tapos--" Napa hinto siya nang bigla kong hampasin ng malakas ang study table.
"Hindi nga ganun 'yon, Kiel!" I shouted. Nakakainis na kasi, parang walang pumapasok sa ulo niya! "Kung puro walang kwenta lang ang isasagot mo sa akin, let's stop this tutor-tutoran drama!" Tumayo ako, uuwi na lang ako! Nakakairita na 'tong kupal na 'to!
"Uyy! Sam, teka lang, stop!" Tinawag niya 'ko pero hindi ko nilingon. Bubuksan ko na sana yung pinto nila, pero...
"Samantha, I said stop!" He grab my arms then shut the door na bubuksan ko dapat. Isinandal niya ako sa likod ng pinto at ikinulong sa mga braso niya.
Ang puso ko, hinawakan ko ang kaliwang dib-dib ko. Ang bilis ng tibok, parang akong aatakihin! Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko, ako naman halos maubos na ang laway dahil sa kakalunok. Akala ko sa labi ko na ang next movement niya, sa tenga pala. Phew! Wag muna please! Ayoko ibigay ang first kiss ko sa awkward moment na ganito.
"You can't leave, you are now my property!" He whisper. Tapos tinitigan ulit ako sa mukha.
Oh, no! Papalapit na siya sa lips ko! Oh, my! Ang virgin lips ko!
"I promise my self not to give my first kiss to anyone else unless it's my wedding!" I said pero patuloy pa rin siya.
Ipinikit ko ang mga mata ko. But then nag salita siya, yung tipong halos dumikit na yung labi niya sa labi ko habang nagsasalita siya. Konting galaw ko lang, mahahalikan niya ako.
"Dumilat ka," And so, I did. He was looking at my eyes straightly. "I don't know how you became smart, but I know madali kang ma-distract. Konting pintig ng puso mo, nadadala ka na ng emotion mo." Pinakawalan niya ako at bumalik na siya sa kinauupuan niya kanina.
"Kanina lang galit na galit ka, tapos bigla na lang bumilis ang tibok ng puso mo nang lapitan kita and it seems like nawala ang galit mo. It's one example of psychology, right? Minsan akala natin puso ang nagsasalita, but the real thing is utak natin ang pasimuno sa lahat ng kilos natin." Umupo siya na parag bossy. Nakataas ang paa at nasa ulo niya ang mga kamay niya. "That's my essay, Ms. Alcantara. Is that enough?" Ngumiti siya ng nakakaloko.
Hindi pa rin ako makagalaw sa pwesto ko. Wow, yan na lang ang nasabi ng isip ko sa ginawa niya. Nakakahiya baka isipin niya nag-expect ako ng, alam mo na. Ugh! Kairita!
Bumalik na rin ako sa study table. Phew! Pinag-pawisan ako bigla!
••❣•❤•❣••
TANKIEL JULE ❤
I was droving Sam pauwi sa dorm niya. Habang nasa byahe, hindi ko maiwasang titigan siya. Tulog na kasi siya, malalim na ang gabi. Hindi ko na inabala pa ang driver na in charge sa pag hatid-sundo sa kanya dahil kasalanan ko din naman. Nagpasaway pa ako. Nakatulog na tuloy!
"Shit!" Napa break ako agad at napa busina ng malakas nang may mag over take na single. Muntik na tuloy kami, gago yung driver na 'yun!
Lumingon ako ulit kay Sam, nakalaylay na yung ulo niya. Inayos ko na siya sa pagkaka-upo, kawawa naman siya. Pagod na pagod sa kakulitan ko. Tsk!
Bakit ba kasi hindi ko maiwasang maging hyper kapag kasama ko siya? Nakikita ko sa mga mata niya si Sammy. Yeah, I know, she's different. She's even better. Pero hindi ko maiwasang mangulit kapag andiyan siya. The thing na ginagawa ko when Sammy's around.
She's more serious than Sammy, kaya minsan hindi niya masakyan yung mga trip ko. Ewan ko ba, kapag andiyan siya sa parang bumabalik yung saya na matagal ko nang hindi naramdaman.
"Bye!" Paalam sa akin ni Sam pagkababa niya.
Hindi muna ako umuwi. It's late, pero may pupuntahan lang ako. Bumili pa ako ng bulaklak sa kanya. And here I am, buti na lang bukas pa. Inilapag ko yung flower.
"Hi, Sammy. Bestfriend! Kamusta ka na? I know you're mad dahil, it's been four years ngayon lang ako naka punta. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng lakas ng loob." Bati ko sa kanya na akala mo anytime pwede siyang sumagot. Huminga ako ng malalim, aiming na hindi ako mapaluha.
"Sorry, hindi kita binibisita kasi ayoko isiping wala ka na. I was thinking na baka big joke lang 'to or isa lang 'to sa mga pranks mo. But no, it's been four years and still I can't move-on." Isa-isang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. I knew it, hindi ko 'to kayang pigilan.
"I hated my self, hindi ko man lang nasabi sayo na mahal kita. And, surprise! I love you!" Pinahid ko ang mga luha ko sa pisngi. "I'm sorry kung ngayon ko lang nasabi. Naubusan na ako ng oras kakahintay sa right time na 'yan. Who would have tought na ngayon ko lang masasabi sayo 'to. Dapat sa isang romantic place, but look, nasa cemetery tayo at nakahiga ka diyan! Tumayo ka na nga diyan! Let's stop this shit! Nahihirapan ako mag tiwala sa iba, I thought they will just leave, like you!." Sigaw ko habang patuloy pa ding umiiyak. Para ako baliw dito na kumakausap ng patay.
"Please tell me it's over. Sammy, ngayon naamin ko na sayo na mahal kita after so many years, help me realized I should move on kasi yung puso ko hanggang ngayon hinihintay ka. Ang hirap mag mahal ng isang, isang patay." Hindi ko maiwasan mapaluha pa lalo nang banggitin ko ang word na 'yon.
"Sammy, I met this girl and I see you in her. Apat na taon naging bato ang puso ko dahil sa pagka-wala mo and now she's bringing back the old me. I hope hindi ka magalit but I think I'm falling for her. Gusto kong maka siguro sa nararamdaman ko dahil I wanted her as Samantha Claire not Samantha Jimy that I know. Please help me, please don't let me do the same mistake I did before nang hayaan kong mawala ka. Help me move on." Pinunasan ako ang huling patak ng mga luha ko. Tumayo na ako at nag-ayos ng sarili ko.
"Bye, Sammy. Ikamusta mo na lang ako kila mom and dad." I left without looking back. Baka hindi ko nanaman mapigilan umiyak. Kotang-kota na 'ko sa drama.
BINABASA MO ANG
That Girl Is My Property [[YaNdre Fanfic - COMPLETED]]
Teen FictionSamantha Claire Alcantara is a transferee senior student in a luxury school, Maxwell Academy. She's not rich, the only reason she got into this school is the scholarship given to her by the government because she was awarded as "The Smartest Milleni...