TGIMP - CHAPTER 12

150 50 28
                                    

TANKIEL JULE ❤

"PARE, paano mo nga kasi ipagpipilitan sa kanya na hindi natin kailangan ng bayad niya?" Tanong sa akin ni Kyle. "Baka totoong magpunta sa tita mo 'yon at sabihing magtatrabaho siya ng libre sa school hanggang mabayaran niya yung ₱200,000."


Si Samantha lang ang tanging tao na hindi mo na nga pinagbabayad, gusto pa din magbayad. Karamihan sa mga tao ngayon nag hahanap ng libre, siya lang ang hindi!

Sabi niya pa, pupunta siya kay tita Amy. Tss! Nakakairita talaga 'yon!

"Kaya nga, anung gagawin natin?" Balik na tanong ko sa kanya.

"Kailangan niyang makakita ng easy money!" Sabi naman ni Vyrone.

"Paano? Alam naman natin na ayaw ni Sam ng easy money!" Nag air-quote pa ako sa last two words ko.

"Hindi niya talaga hahanapin ang easy money, ibibigay natin sa kanya!" Confident na sa sabi niya.

"Sige nga, pano?"

Umarteng parang nag-iisip si Vyrone. Mga 60 seconds pa ata 'yon.

"Edi mag deposit tayo sa account niya tapos, ayun na! May pambayad na siya." Nag cross arms pa siya na akala mo proud na proud sa plano niya. Tsk! Tapos ako naman muntik ko na siya masuntok, bwisit 'eh!

"Bro, una sa lahat wala siya bank account, pangalawa saan tayo kukuha ng ₱200,000, at pangatlo iisipin ko pa dahil tunog pa lang palpak na yung plano mo!" Iritang sagot ko sa kanya.

"Eh' kung may mag-iwan ng isang bag na pera sa labas ng bahay nila?" Ito pa isa si Kyle! Paano nga kaya?

Easy money? 'Eh, kung patayain kaya namin siya sa lotto tapos kunyari nanalo siya?

Argh! Isinusumpa kita utak ko! Napaka walang kwenta din ng iniisip mo! Kakasabwatin mo pa yung PCSO?

Hindi ko na sinabi sa kanila yung naisip ko dahil baka pagtawanan lang din nila ako. Hahaha! Dapat ako lang tatawa sa kanila.

"Yung mga iniisip niyo, puro walang kwenta!" Biglang sabi ni Raven sa amin. Yabang naman!

"Sige, nga! Anong naiisip mo?"

"Yung mga labi niya, perfect pang lipstick endorsement. Yung ilong niya pare, hindi na kailangan ng nose lift," Nag-umpisang na siyang magsalita na akala mo nag de-daydream. "Yung mga mata niya, kapag tinitigan si Kiel, para na siyang natutunan. Yung katawan niya, hindi katanggaran pero sexy. Tapos yung--"

"Tapos yung? Sige ituloy mo! Nakikita mo 'to?" Itinaas ko yung kamao ko sa harap niya. "Dadampi talaga sa mukha mo 'to! What are you thinking? Ibebenta mo siya sa mga foreigner?"

Bwisit 'to! Gagawin pang bayaran si Sam ko, I-I mean si Sam! Hehehe!

"Sira! Anung tingin mo sakin, bugaw?" Gulat na sabi ni Raven saka sila nagtawanan.

"Ano ba kasing point mo? Pareho pala kami ni Kiel ng napi-picture out sa sinasabi mo!" Sabi ni Vyrone sabay tawa ng malakas.

"Grabe naman kayo mag-isip sa akin! Dine-describe ko lang kung gaano kaganda si Samantha, ibang klase! Simpleng-simple, pang beauty pageant."

That Girl Is My Property [[YaNdre Fanfic - COMPLETED]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon