TGIMP - CHAPTER 6

187 57 30
                                    

HINDI ko alam kung bakit kami pinatawag ni mayor sa office. Is it dahil sa nangyari kanina, o baka tanggalin niya na ang scholarship ko? Tsk! Naman kasi 'eh! But one thing is for sure, kinakabahan ako ng sobra!

Katabi ko dito si Kiel, nakatitig lang sa amin si mayor na akala mo kinikilatis kaming dalawa. Nakakahiya, after the awarding ngayon na lang ulit kami nagkita buti na lang inayusan ako ni Mai-mai, nagmukha akong presentable. There's silence between us, walang nagsasalita. Uhm?

Halatang hindi mapakali si Tankiel sa kinauupuan niya. Kanina pa kasi siya kuyakoy ng kuyakoy at galaw din ng galaw ang mga daliri niya.

"Wala man lang ba akong kiss mula sa pamangkin ko?" Sabi ni mayor Amy na hindi pa din nagbabago ang expression. Tumayo naman agad si Kiel para halikan siya sa pisngi.

"T-tita, bakit po ba kayo napadalaw?" Balisang tanong ni Tankiel. Halatang kinakabahan siya, akalain mo 'yon? May kinakatakutan din pala 'tong kups na 'to.

"Bakit parang hindi ka ata masaya na andito ako, my dear Kiel?"

"Ugh-- N-no tita, nakakatuwa nga po." Halata sa expression niya yung takot niya.

"So, yung kanina--"

"I'm sorry po!" Sabi ko, pinangunahan ko na si mayor, nakakahiya kasi. "It's not what you think, hindi ko po inaaway ang pamangkin niyo!"

"Actually, it's not what I really think." Simpleng sabi ni mayor. Ah, okay! "Kung nagawa mo man 'yon, alam kong may ginawang mali ang pamangkin ko. And I was about to say, I'm glad na magkakilala na kayo. At hijo, sigurado ka bang ayaw mo sa politics?" Tanong niya kay Tankiel.

"Tita, paulit-ulit na tanong na lang po ba tayo? Ilang beses ko na sinabi, business is better." Sagot ni Kiel. Huminga ng malalim si mayor.

"Katulad ka nga ng mom mo. Anyways, Ms. Samantha, you've change a lot since I last saw you. Well, I have reason kaya ko hinanap ang pinaka matalinong bata sa city, ikaw 'yon." Mayor pointed me as she speaks. "Siguradong alam mo kung gaano katigas ang ulo nitong si Kiel, at dag-dag sakit pa siya sa sakit ng ulo ko. He needs help."

"Pero tita,"

"No one will speak as I speak! Understood?" Nanlaki ang mga mata ko nang sabihin ni mayor Amy 'yon kay Tankiel. Hindi siya sumigaw pero nakakatakot yung tono niya at yung expression ng mukha niya. Tumahimik naman agad si Kiel.

She smiled at me. "I've heard that you're doing great, ang I'm so happy about it. Now, I only have one request, and I hope you didn't mind?"

"Yes, sure! Anything po."

"Be Tankiel's tutor." W-what? Ano daw? "I think it will be a failure if he'll manage the school one day ng wala man lang siyang natututunan after he gratuated. Am I right?"

"Y-ye-yes po." Nanginginig kong sabi. Yung simpleng pag-aaway nga namin sa loob ng classroom hindi ko na makayanan tapos magiging tutor pa niya ako? Ugh! Ano ba 'tong pinasok ko?

••❣•❤•❣••

HINDI ba pwedeng maging katulong na lang nila, o kaya janitress sa buong school? Kayang-kaya ko kahit anong trabaho, pero bakit tutor pa?

I mean, okay lang maging tutor, it's easy as ABC. Ang nakakainis lang, damulag na yung tuturuan ko! Hindi ba niya kaya mag-self study? Mas inuuna niya kasi ang mag-landi kesa mag-aral.
Hindi naman sa nagrereklama ako, hindi ko lang talaga keri yung ugali niya. Mas gugustohin ko pa makipag-usap sa daga kesa sa kanya.

Pero dahil si mayor naman ang nang hingi ng favor, then okay fine. Hindi na ako mag co-complain. Bruhh!

Papunta ako ngayon sa bahay nila Kiel. Today daw ang start ng tutorial namin, hindi naman hussle kasi hatid-sundo naman ako ng driver nila. Gagawin talaga ni mayor ang lahat mapa-tino lang ang pamangkin niya. Ang ikinakatakot ko lang ay yung kayabangan ng lalakin 'yon, baka liparin ako pauwi sa sobrang hangin!

That Girl Is My Property [[YaNdre Fanfic - COMPLETED]]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon