7th Stop

161 18 16
                                    

RAKEL's POV

Thank God, gumaan na pakiramdam ko ngayon. Hinika ba naman kasi ako kaiiyak. Hirap naman kasi pigilan yung bugso ng damdamin mo kung umaapaw sa galit. Yung gusto mo na lang minsanan dukutin sa mata mo lahat ng luha mo para maubos na.

Natuturuan man daw ang puso, pero talagang Kuya lang ang tingin ko kay Kuya Cyrus, kahit gaano pa siya ka-gentleman, kaasikaso, kalambing, kachoka at kabagang, nananatili yung paggalang at pagmamahal ko sa kanya bilang isang kapatid lang. No more, No less.

Kinuha ko yung inhaler sa drawer at naguumpisa na naman ang sumisipol kong paghinga.

Tama nga siya, kahit anong mangyari, mahal ko pa rin naman yun Kuya ko, natakpan lang siguro ng sobra, bongga, 1000x na tampo at pagkamiss yung nararamdaman ko sa kanya.

Kailan ko nga ba siya pinasaya? Nagawa ko ba yun?

Halos ngayon lang ata nagsink-in sa katauhan ko na sobra pala akong naging CHILDISH at SELFISH. Hoy, paano naman kasi, buong buhay namin ni Kuya Ram, siya ang laging nagpaparamdam na hindi ako nag-iisa.

Hanggang sa panahon na hindi ko namamalayan, masyado na pala ako nakadepende sa kanya. At nang dumating si Ate Asha sa buhay niya, naitsepwera na ako. Parang lumang damit na hindi na pinapansin at ginagamit. Nakatago na lang sa ilalim.

Kaya nung time na may chance akong lumayo sa Pilipinas na dapat isasama ko siya at hindi niya ako pinagbigyan, Naku, ang tampo ko sakanya, abot, ay hindi pala, lagpas pa hanggang langit.

Nilalamukos ko na nga yung mukha ko sa kahihintay sa kanya noon, kaso WALA!

Pero sa nakita at naramdaman ko sa pagpunta niya sa akin, hindi naman talaga niya ako kinalimutan. Sinarado ko lang at kinandado yung isip at puso ko para sa kanya.

"AY TIPAKLONG!" Nagulat naman ako, dumating na pala si Jasper. Tinabig niya kasi yung kamay ko kaya napasigaw ako.

"Ngatngat ka na naman ng ngatngat diyan sa kuko mo. Oh baka gusto mo pati kuko ko sa paa kainin mo na!"

Inisnab ko siya.

"Eh sa wala ako magawa, pakielamero ka talaga." Hindi ko pa rin kasi maalis sa ugali ko yung pagkain sa kuko pag may iniisip ako at kinakabahan.

Umupo ako ng maayos. Andito ako sa couch ng condo ko at tinawagan ko si Jasper na pumunta dito. Kailangan ko kasi ng kausap. Mabuti na lang at tapos na ang date nila ni Jed.

"Tss. Napakaunreasonable mo naman pimple para gawin mo kay Kuya yun!" Singhal niya sa akin pagkatapos ko ikuwento sa kanya lahat ng hinanakit ko sa kapatid ko at hanggang doon sa nangyari kanina. Binatukan pa ako ng kumag na ito.

"Masisisi mo ba ako? Una, may ibang pamilya si mama at mas pinili niya kaysa sa akin. Pangalawa, namatay si papa na hindi man lang niya nagawang magpakita sa amin ng isang taon, tapos mababalitaan kong deads na?" Sumasakit ang ulo sa pag inaalala ko pa 'yun. I rubbed my forehead and continue.

Papahiga na siya sa couch pero pinalo ko siya sa binti at sinakal. Bait ko 'nu? "MAKINIG KA! Pangatlo, IKAW! Umalis ka." Medyo mahina kong sabi sa kanya na ikinaayos ng upo niya at napatitig sa akin ng seryoso. Hindi ko na lang 'yun pinansin kahit bumilis ang tibok ng puso ko.

"Pang-apat" bigla kong bawi.

"Yung hinayupak na Gelo na yun, mangingibang-bansa daw para mag-aral, mangingibang babae pala! Sarap ilublob sa kumukulong mukha yung lalaking 'yun!" Hindi ko pa pala nakukwento na siya yung nakita ko kanina. Suminga muna ako at kanina pa tumutulo yung sipon ko.

" Miss, baka kumukulong tubig? Hindi mukha?" What? Ano ba sabi ko? Nyayks! Kinagat niya yung labi niya at pinagsasampal ang mukha para mapigil yung pagtawa.

Next Stop: Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon