14th Stop

125 13 4
                                    

NATASHA's POV

AN; Hi I'm back! mwhehe. Pasensya na kung medyo sabaw itong update ko sa 14-15thstop. haha! Anyway. Vote and Comment pa rin sana kayow! Tenchu!! Love love!

Pinakamasarap sa pakiramdam bilang isang tao ang makasama ang buong pamilya niya. Nakagisnan ni Red at Ezra ang mapayapang pamumuhay kasama ang mga magulang nito. Isang masaya at matatag na pamilya. Ngunit ang lahat ng bagay dito sa mundo ay hiram lang, panandalian at hindi permanente.

Sa pagkakakilala ko sa asawa ko, sobrang malapit ang loob niya sa nag-iisang babaeng kapatid. Halos siya na ang nag-aruga at nagpalaki sa batang ito. Ngunit naglaho ang lahat ng ito dahil sa akin, dahil sa pagmamahalan namin ni Ezra.

"Aa-angelo?" Sambit ni Red.

My tinusok siya sa swero ni tita at 'yun naman ang nagpakalma sa kanya. Lumapit ako kay Ezra na ngayon ay salo-salo si Red.

"She's fine now. Kailangan lang muna niya magpahinga. We'll run some tests tomorrow morning. You can now all relax." Kalmadong wika niya sa aming lahat.

Naglakad siya papunta sa pwesto ng magkapatid habang ako at si Jasper ay umupo muna sa isang tabi,

"Lung cancer. She has Stage 4 Lung Cancer. This is common cancer na nakukuha ng mga tao. Lalo na kung may history sila ng smoking. Yung nangyari kanina is due to Pain in the chest from excessive crying and coughing. But she's now good. Napagod lang ng bahagya. She needs to rest for now." Sabi ni Angelo at maglalakad na sana papalayo ng biglang humarang si Red sa harapan niya.

"Why didn't you tell me? Huh? Kaya ba lagi ka nasa duty ay dahil sa mama ko?"

"She's one of the reason baby. I honestly don't know na mama mo siya. Nagulat na lang ako nung tumawag sa akin ang nurse ko na may ganitong nangyayari kay Mrs. Diaz. Remember nung nakwento kong may bago kaming pasyente na kailangan imonitor, siya 'yun." She burst into tears until the door opens.

Napahinto siya ng nakita ang pumasok sa pintuan. A young man came rushing to tita Rachelle's side. He is panthing and at the same time---crying. "Mi. Mi. Wake up!" Habang inaalog niya yung kama.

"Theo?" bulong ni Red. "You're also here?"

Napalingon naman sa kanya ang lalaki at ngumiti ng matipid. "Of course."

Lumabas si Red at inihatid si Gelo sa labas. Nagbilin muna siya sa dalawang magkapatid na lalaki ng mga dapat at hindi dapat gawin kay tita pag nagising na siya.

Nagpaalam na din si Jasper at pupuntahan daw muna niya si Jed na iniwan niya sa date nilang apat dahil sa mga pangyayari.

Sinundan ko si Red upang makapag-usap muna si Ezra at Theo sa loob. Nakita kong nagpunta siya sa chapel. Ito na din ang oras para makausap ko siya sa haba ng panahon na hindi kami nagkaintindihan.

"Hi. Can I seat here?" Turo ko sa upuang katabi niya.

"Ate?" That sounds good to me.

"Sarap naman na tawagin mo ulit akong ate. Ilang taon ko na din hinintay na tawagin mo akong ganun." She just smiled

" I missed you Red. We missed you, kami ng kuya mo tska si Zeke---yung pamangkin mo."

"Thank you! And I'm sorry" Sabi niya.

"For what? I didn't do anything for you and you didn't do anything to us."

"For loving and taking care of my brother and" She paused for a second. Nakalimutan ata niya yung susunod na sasabihin niya. "Zeke? Ezekiel right?"

"Yeah! No prob. That's my responsibility." Silence covers us for a while.

"Sorry for being a brat.' I chuckled. Yes. She is.

"Okay ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"I guess."

"Bakit kaya ganon 'nu? Nagmamahal lang naman tayo ng sobra pero bakit tayo nasasaktan?" She clenched her jaw. Alam kong may pinaghuhugutan siya at kailangan niya ng kausap.

"Nalate kami ng tapos ng praktis sa cheering nung 2nd year highschool ako. May usapan kami ni Kuya non na susunduin niya ako kasi ayaw niyang mag-isa akong umuuwi." Pagsasalita niya. Lungkot yung sumampal sa akin sa naririnig ko.

"Tinawagan ko siya 'nun, sabi ko, Kuya sunduin mo ako ng 8pm ha? Tapos kain tayo sa mcdo, treat mo 'ko. Panigurado kasi gutom ako after practice. Tumawa siya at sinabi niyang, Sige baby, basta imamassage mo yung ulo ni Kuya bago matulog." I saw her Kuya standing behind her back. 'Di nga lang napansin ni Red yun dahil nakayuko siya. Nagsign pa siya na wag daw ako maingay at makinig lang ako.

"15 minutes bago matapos yung practice namin, nagtext na 'ko. Kaya lang walang reply. Hindi naman nalelate at nakakalimot 'yun pagdating sa akin, kaya hinayaan ko na lang. Baka kasi my ginagawa." Hinawakan ko yung kamay niya na ngayon ay nanginginig na.

"Aba, 8:30 na ate, wala pa siya. Naguuwian na lahat ng kaibigan ko, pero ako andun pa rin. Hinintay ko pa rin siya, kahit bumuhos na ang malakas na ulan, alam ko darating siya." May napansin akong basa na tumulo sa kamay ko, luha. Napatingin ako kay Ezra na ngayon ay nakayuko.

"Awang-awa ako sa sarili ko, gusto ko na umuwi, gusto ko na umiyak. Wala akong payong, wala akong jacket, wala akong KA-SA-MA. I tried to call him, pero out of coverage. Tumawag ako sa bahay, andun na daw si Kuya." Binitiwan niya ang kamay ko at itinakip sa mukha.

"Andun na siya, kumakain, kasama ka." Pumatak na ang luha ko at sa narinig kong mga salita. Yun yung time na nag-away kami ni Ezra at inayos namin hanggang gabi na nakalimutan na niyang sunduin si Red.

"Buti na lang andiyan si Gelo. Sinundo ako." Huminga siya ng malalim at nakita kong umiiyak si Ezra sa gilid.

"Sorry ate. Hindi ko talaga makalimutan 'yun. Nagkasakit ako pagkatapos nun pero inalagaan niya ba ako? Saglit lang, kasi, haha, may sakit ka din daw."

"Lumayo ng lumayo ang loob sa akin ni Kuya dahil sa'yo. DAHIL SA'YO ATE!!!" Tumayo siya at biglang sumalubong sa kanya ang asawa ko. Napatayo na lang din ako.

"Ezra" Sabi ko.

Next Stop: Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon