Prologue

389 23 20
                                    

Bakit hindi na lang natin ipunin ang lahat ng mga mahal natin sa buhay at ilagay sa iisang lalagyan at bitbitin araw-araw? I guess that WON'T work. Someone will eventually leave, someone always leaves. Then we have to say goodbye, we have to accept the fact that someone will not stay in our lives.

Saan ba ako nagkamali para lahat sila iwan ako? Hindi naman sa lahat talaga, pero bakit yung mga taong gusto mo, ayaw sayo? Ako na lang lagi ang naiiwan. Hindi ba puwedeng lahat ng mamahalin ko, mamahalin din ako?

Kaya lang ang hirap naman pag pinilit mo silang manatili sa buhay mo. Para silang tae na pag di mo napigilan, maiipot ka na lang, kusa na lang silang lalabas at hindi mo na mapipigilan. Nakakatawa noh? Pero totoo. Kapag hindi mo na sila kayang icontrol, unti-unti na silang magpupumiglas at mentras pinipigilan mo, mas gusto nilang kumawala. At pag ito ay sumabog, MABAHO! Nakakamatay. Nakakasuka.

Sa buhay natin hindi naman maiiwasan ang magkamali. Tao lang tayo eh. Sige subukan mo magpapako sa krus at tignan natin kung hindi silang lahat mahalin ka.

Eh ako? Ano bang nagawa ko sa kanila? Minahal ko lang naman sila ng sobra, higit pa sa sarili ko. Pero anong kapalit? Ang sakit eh, lahat sila naglaho ng parang bula. Hindi man lang nagpasabi. Hindi man lang ako inabisuhan. Ang hirap kaya, wala kang makapitan. Wala kang makaramay.

Pero sabi nga nila "Your past will just hinder you to look forward on what lies ahead, So let go of your past. Let go of your pain and regrets. Forgive and forget, change and do better."

Kaya ano ba dapat gawin ko? Magmukmok? Umiyak magdamag? Ubusin ang pagod at lakas para magmakaawa sa kanila na balikan ako? Sabi ko nga, pag pinilit mo sila at nagpumiglas, lalabas na mabaho. Kaya ako? i-push natin ang maging okay. Maging happy sa buhay. Pilitin mong huminga mag-isa. Masakit man ang nakaraan, mahirap man ito kalimutan, pero kailangan mo magpatuloy at umasang may magmamahal at may magmamahal pa rin sayo sa tamang oras, tamang pagkakataon at tamang dahilan.

---

Hello sa mga partners ko diyan :) Request lang po. Pa-rate nga po ako ng prologue ko.

1. pwede na

2. good

3. okay na okay

Simply choose between the three :) Puhlease! Thank you ~

Credits to @jesmc19. Dedicated na sa'yo 'to! Salamat sis sa magandang cover! :D

Next Stop: Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon