4th Stop

176 19 16
                                    

RAKEL's POV

“R-rakel? Rakel Dorine? Ikaw ba yan?” Literally nanlaki ang mata ko dahil sa taong nasa harapan ko. Akala ko nga luluwa na sa sobrang pagkabigla.

Okay kalma ka lang. Hindi ka pwedeng magpaapekto sa lalaking ‘yan. Limang taon na nung huli kayong nagkita at take note, he left you.

Wala naman na sa’yo lahat ng ginawa niya. Aral-aral daw sa ibang bansa, pero andito pa rin naman sa Pilipinas, nagpalit lang ng babae. Ay sus! Sakit sa bangs nire.

Yes, siya nga. He is Angelo Ven Lim. Ang pinakamamahal kong lalaki. He is close to perfect---kung si Jasper hawig kay Taecyeon, Si Gelo kamukhang kamukha ni Nichkhun.

Laglag na agad ang panty mo, ngiti pa lang ulam na, paano pa kapag tumawa na? Busog ka na panigurado. Halos na sakanya na lahat, yun nga lang mama’s boy.

 Naalala ko tuloy nung huli kaming nag-usap. Napapaface palm na lang ako sa inis.

 “You just can’t leave me Angelo. Ano yun, pagkatapos mo ako pagsawaan, gawing alalay sa mga laban mo, after saying you love me and you’re always here, you will just forget everything because of your holy mother?” Pagtungtong ko pa lang ng highschool, ayan na siya, minahal ko na.

Aba! Hindi biro ang apat na taon na pagsasama naming at mapupunta lang sa wala dahil pinag-aaral siya sa ibang bansa?

I thought I found my destiny. Pero dahil sa nanay niya na gusto siyang pag-aralin sa ibang bansa, itatapon na lang niya yung mga taon na pinagsamahan namin. Nangako pa naman siya na hanggang sa huli kami pa rin. Hanggang magtapos kami ng kolehiyo nasa tabi ko lang siya.

“What do you want me to do Red? We’re just 15 years old. Sa tingin mo ba magwowork pa ang relationship natin kung magkalayo tayo?" I was shocked? What the? Kailan ba naging mali ang LDR relationship? May batas bang ganun? AISH!!

"At nanay ko yun, siyempre siya ang susundin ko. Palibhasa wala kang nanay na sinusunod kaya libre kang gawin lahat ng gusto mo” Wow! That sounds a bit harsh. Napahawak na lang ako sa dibdib ko. Masakit eh. Double dead yun.

“Excuse me Lim, hindi ang nanay natin ang pinaguusapan dito. OUR RELATIONSHIP. Ako, Ikaw, Tayo. Hello? Akala ko ba mahal mo ako ng sobra? Bakit kailangan pa natin maghiwalay kung babalik ka din naman dito?” Tumingala ako, sabi nila pag tumingala ka, mapipigil yung pagiyak mo.

“I can wait forever, for you, don’t you realized that?” I was sitting next to him kaya hindi ko alam kung anong reaksyon ng mukha niya sa mga oras na ‘yon. I need to hold back my tears. I just can’t be weak in front of him.

Pero tinawag ko na lahat ng santo para lang huwag umiyak, kaya lang ang ending hindi pa rin ako napagbigyan.

“Well, that was a long time ago. Nung hindi ka pa ganyan. Lahat ng babae, pinagseselosan mo, even my mom for Christ sake! Wala kang pinipiling lugar,wala kang pinipiling tao, lahat na yata ng sulok dito sa eskuwelahan na ‘to, nabinyagan mo sa pagbubunganga mo." Sorry na, hindi ko naman talaga kasi mapigilan yung bibig ko eh.

"Just because of what? You’re jelous? Huh! I can’t take this anymore Red. Nakakasakal ka na, nakakasawa” Tatayo na siya pero hinila ko siya at muntik pa mabuwal.

“C’mon gelo, we can fix this. I can change for you. I can do better, you know that. Just don’t leave me.” I don’t deserve this. Lahat ba ng nilalang sa mundo fated na iwan ako? God! I’m tired of begging for someone who doesn’t want me in their lives.

Next Stop: Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon