3rd Stop

188 20 18
                                    

RAKEL's POV

Kailan nga ba ako huling nakipag-usap sa isang tao ng sobrang komportable? Kanina na lang ata ulit. Masyado akong overwhelmed kasi kahit alam kong nakakatakot ang ganitong feeling, okay lang.

Sanay naman na ako na masaya tapos bigla na lang magbabago ang lahat. Ganon na ang buhay ko.

Andito ako sa kama ko at nakatingala sa kisame. Lahat na ata ng posisyon dito, nagawa ko na. Isang buong araw akong ngumiti at tumawa. Ang sarap sa pakiramdam, tagos hanggang buto,

Pero iniisip ko parin kung magpapakita na ba ako sa magaling kong Kuya. If I know, alam na nun, sadyang wala lang siya pakialam. Bahala nga yun, diyan naman sila magaling ng pamilya ko.

Naririnig ko pa rin ang pintig ng puso ko sa pagkikita namin sa wakas ni Jasper. Isa ito sa tinuturing na kaibigan kong totoo. Walang arte-arte. Magkaibigan kami hindi dahil sa pangalan ko. Kung hindi dahil yun ang turing niya talaga sa akin.

Si Jasper yung bestfriend ko simula grade one kami hanggang grade six. Siya ang lagi kong kasama. Ayaw kasi ako kaibiganin ng iba. Maarte daw kasi ako. Spoiled brat kung tawagin nila. Hindi ko naman kasi kasalanan na maging mayaman at maganda.

At hindi totoo na spoiled ako nu, sadyang pag humiling ako sa mama ko noon, binibigay niya. Bayad niya siguro sa kasalanan niya. Marami din naiinis sa akin na kaklase ko dahil inaagaw ko daw si Jasper sa kanila.

Paano ba naman hindi sila mainggit sa akin? Si Ian Jasper Tan, matalik na kaibigan ko. Bata palang pero iba na ang aura niya. Pag nirerecall ko, siya ay isang nilalang na aakalain mo talagang artista. Hot, gwapo, matangkad, mayaman, sobrang talented sa lahat ng bagay. Kung iimaginin ko siya ngayon, halos kamukha na niya yung bias ko sa 2pm. Si Ok Taecyeon. Gosh.

 Ay ano ba itong isip na ‘to, naglalaway pa ata ako, nakakahiya. ERASE!

Pero mabalik tayo,lagi ako pinagtatanggol niyan bukod kay Kuya Ram. Ayaw daw niya akong umiiyak at laging malungkot. Kasama ko siya sa lahat ng kalokohan. Napagkakamalan na nga akong t-boom at siya ang lagi kong kasama.

Mabait kasi, may pagkabully lang talaga. Mahilig mang-asar dahil yun daw ang pinakagusto niyang ginagawa pag kasama ako, kahit atakihin pa ako ng hika dahil sa pang-aasar niya, hala, sige, tuloy pa rin.

Nung mag araw na lagi akong umiiyak dahil sa mama ko, nasa tabi ko lang siya. Kahit kailan hindi ko naramdaman na mag-isa ako. Bibilan pa ako ng mango shake niyan para huminto lang ako sa pag-iyak ko.

Hindi ko maiwasan na mangisay sa kilig pag naaalala ko yun. Hindi naman sa may gusto ako doon sa utot na yun, pero kasi iba pa rin diba yung may taong concern sayo.

Mahilig din kami kumain ng chocolate ice cream. Iiyakan pa niya ang driver namin para lang makapunta kami sa mall. Maglalaro sa arcade ng basketball. Sasayaw sa dance revolution at magvivideoke. Nakakamiss din isipin na may isang taong hindi ka pinabayaan sa mga oras na kailangan mo ng karamay.

Hindi naman talaga niya ako iniwan kasi naintindihan ko siya na kailangan niyang sumama sa magulang niya. Sa Australia siya nag-aral ng highschool at wala na akong naging balita. After so many years, ngayon na lang ulit kami nagkita pero walang pinagbago ang kakulitan namin.

Masyado lang ako nagtampo sa kanya nung hindi man lang siya umuwi sa libing ni papa. Dalawa sana sila ni kuya na maiiyakan ko, pero iuntog ko man ang sarili ko, kung hindi talaga siya makakauwi, wala naman ako magagawa.

Mabuti na lang at dumating na din sa buhay ko si Gelo nun. Aray! Nauntog ko tuloy yung sarili ko sa bakal ng kama ko. Kasi naman, iniisip pa yun eh. Ibaon na sa lupa yun. HAHA.

I found out din that he has a girlfriend already at halata naman na habang kinukwento niya ay may kasama pa na kilig factor. Parang naiihi pa nga habang kinukwento at di mapoknat ang ngiti. Nainggit tuloy ako ng kaunti.

Naalala ko si Gelo. Kumusta na kaya yung mokong na yun. Wala na rin kasi ako naging komunikasyon sa kanya. Pinutol ko na. Ayoko naman kasi magmukhang kawawa na naghahabol. Besides, hindi naman ako mukhang aso. Sa ganda kong ito?

Ano na nga pangalan nung GF ni Jasper? Jedin? Jedayn? Ah! Jedaine? Matignan nga ang facebook at makilatis ang pagmumukha.

Habang binobrowse ko ang timeline niya, nangingiti na lang ako. Hindi ko akalain na yung utot na yun, may taste din pala sa babae. Matangkad, maliit ang mukha, maputi, in short maganda. Hindi na rin ako magtataka kung bakit nainlove siya dito.

 1 friend request : Ian Jasper Tan

 Uy nagfriend request ang mokong. Sige nga iaccept ko.

 You are now friends with Ian Jasper Tan.

(Hi pimp) Jusko, kung puwede lang pumasok sa laptop, nabatukan ko na ito. Huwag ko na nga lang replyan.

(Ganda! Chat tayo? Boring dito) Wala pala siya magawa kaya ako inaasar.

“Sure pogi, pag ganyan ka, magkakasundo tayo”

Kung ano-ano lang din napagusapan namin. Asaran to the max, to the highest level. Binanggit ko sa kanya na hinahanap ko yung girlfriend niya.

Ano daw ang masasabi ko? Ayoko naman maging rude, kaya sinabi kong maganda siya. Maganda naman talaga, mas maganda lang talaga ako. Seryoso ako ha. Walang halong biro.

Maaga pa lang nagising na ako. Ngayon kasi kami maguusap ni Jasper about sa NICORED Restaurant. Ayoko naman maleyt at baka sabihin unprofessional ako.

Nagsuot ako ng jeans,t-shirt, doll shoes, konting make-up at ipinusod ang buhok ko. Dadaan na lang ako sa coffee shop para deretso na din ako sa resto.

Naglalakad lang ako sa kainitan ng araw. Malapit naman ang condo ko kaya nilakad ko na lang. Maaga pa pero tirik na ang araw. Hay! Napagkainit naman talaga sa Pilipinas, walang pinagbago. Kainis at nakalimutan ko pa magbaon ng panyo.  

Naalala ko tuloy si Kuya Ram, pag ganitong mainit, may dala laging payong o kaya mabilis na tatakbo para hindi umitim.

“Watch where you going!!!” Napasigaw ako sa bumangga sa akin. Nahulog naman kasi yung bag ko. Kaagang bad vibes.

“Im sorry miss. Nagmamadali kasi ako, hindi ko na napansin” bulag ba at hindi ako nakita? Ni hindi man lang ako tulungan pulutin yung bag ko. Ang gentleman niya infairness.

Pinulot ko ang bag ko at hinarap siya. “Ganoon ba ako kaliit para hindi mo maki---ta?” tila huminto lahat ng tao sa paligid ko. Nagslow motion ang hangin pati ang lalaking nasa harapan ko.Ano to, nasa movie ba kami?

----

Comment and Vote na din po mga friends :))

Next Stop: Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon