16th Stop

122 12 3
                                    

JEDAINE's POV

"Shut up Ian! You've been taking me for granted these past few months. Minsan na nga lang tayo magdidinner na sabay, iiwan mo pa ako. I've agreed to your request na magdouble date tayo with your so-called BESTFRIEND slash FIRSTCRUSH, pero ano? Nilayasan niyo kami ni Angelo. Kung hindi pa ako sinama nung doktor na 'yun dito, hindi ko pa malalaman na dito pala kayo nagpunta" Sigaw ko kay Ian na ngayon ay nakatayo lang sa harap ko, habang hinihintay namin si Gelo na matapos sa pakikipagusap doon sa isang anak daw ng mama nila Rakel.

I was mad. No! I am still mad. Ilang buwan na kaming ganito ni Ian, cold sa isa't isa. We are both busy sa work kaya accepted 'yun pero lately napapansin ko na mas pinagtutuunan niya ng pansin yung relationship ni Angelo at ni Rakel.

What am I supposed to feel? Everytime we see each other, wala siyang bukang bibig kundi nagpunta si Gelo sa resto, hinatid si Rak, sinundo si Rak, kumain sila sa labas ni Rak, masaya si Rak, Rak, Rak, Rak! Ano ba? Puro siya na lang.

Hindi na nga siya nagkukwento about sa sarili niya eh. Kung magkukwento man siya laging nakasingit 'yung pangalan nung babaeng 'yun. First time ko pa lang siya makita, mainit na dugo ko. Siyempre di ko pinapahalata. Alam mo na, bestfriend nga daw ni Ian 'yun, so I should be nice to her.

Pero nakakainis na! I placed my two hands on my temple and massaged it. Masisiraan na ata ako ng bait sa lalaking ito. Maraming beses ko ng tinanong sa kanya kung may nararamdaman ba siya para kay Red, not just as a friend, but more than as a friend. He says no. But I've had this girl instinct na may nangyayari sa kanilang dalawa.

"Tell me Ian. Do you still love me?" Kumunot ang noo niya sa tanong ko.

"The hell Jed? Yes. Of course!" Napaupo siya sa isang upuan at inilagay niya sa yung isang kamay niya sa noo niya. Tumabi ako sa kanya at umakap.

"Babe, I love you. We can still work this out, you know!" I gathered all my sweetness in that statement. Humarap siya sa akin, then he covered my face with his two hands. He kissed my forehead down to my cheek, down to my ---

"I'm done. Where's My girlfriend?" Nagulat naman kami sa nagsalita kaya napatayo na lang kami. Andiyan na pala si Angelo. Good timing naman 'tong lalaki na ito.

Nasa 5th floor kasi ang room ni Mrs. Diaz so we headed down to chapel. Doon daw nakita ni Ian na papunta siya.

Just as we arrived at the chapel, nakita namin na magkaakap si Kuya Ram at Rakel. It's nice to see them if they are good now. But as we walked to them, tumakbo papalapit yung babae na yun sa amin and I was literally shocked. Ang buong akala ko, si Gelo ang aakapin niya pero hindi pala dahil si Ian ang inakap niya.

"Jasper" sabi niya habang nakaakap siya. I frozed. We frozed at the moment. But Ian broke the silence.

"Hey. You okay? Stop crying. Huh? I'm here." As soon as his words sink in to me, lumabas na ako ng chapel, mahirap na baka kung ano masabi ko.

"I got this pare" narinig kong sabi ni Gelo. Bumalik naman sa katinuan si Red kaya bumitaw siya sa pagkakaakap niya kay Ian.

Hindi ko na alam kung ano ang commotion doon at ayoko na rin alamin. Bahala na muna sila. I fished my phone out of my bag. I need to call her.

"I hate her! She's getting on my nerves Javi!" I heard a chuckle on the other line. Well, Javi is my bestfriend. "C'mon girl, patience is a virtue. Pasasaan ba at makukuha mo din ng tuluyan si Ian. You need to wait."

"Wait? I've waited him for 4 years. We've been together for 5 years, and then what? Makukuha lang siya sa akin nung bwisit na babae na 'yun. You gotta be kidding me." I sighed. Kumukulo na talaga yung dugo ko, anytime sasabog na 'to!

"Kalma ka girl, all you have to do, is confront the girl. Tell her to leave Ian alone. Hindi naman siguro siya madaldal para sabihin kay Ian na pinapalayo mo siya sa kanya."

Well, she has a point. I'm just afraid na magalit sa akin si Ian pag nalaman niya 'yun, pero kailangan ko gawin ito, for the sake of our relationship. Besides, may Angelo naman na siya ah!

"Okay! As you said so. I'll try. O siya sige na, naistorbo pa ata kita. Sabihin mo dyan sa boyfriend mo, hinay-hinay aba, rinig na rinig ko yung pagiingay mo dito ah!" Mga loko, may ginagawa kasing kababalaghan.

"Hahaha. Shut up Jedaine! Inggit ka lang! Babush!" She ended the call. I just remained there standing, thinking and waiting for Ian to appear behind me back.

"Jed" oh diba? Ayan na siya. I faced him. Crossed my arms against my chest then rolled my eyes.

"I'm sorry" he bit his lips. He walked towards me. "Tara uwi na tayo, hatid na kita sa inyo." He grabbed my hands and started to walked. Hindi na ako nakapagsalita, kaya sumunod na lang ako sa kanya.

"Goodnight babe." He pulled me and kissed my lips. Andito na pala ako sa tapat ng bahay namin. Hindi kasi kami nagkikibuan simula nung sumakay ako sa kotse niya. Hindi naman kami ganito dati, nagsimula lang na maging ganito nung bumalik na yung babae ba 'yun dito sa Pilipinas.

Lumabas na ako ng kotse niya pero nanatili muna akong nakatayo doon. He opened the window kaya ibinaba ko naman yung tingin ko. "May sasabihin ka?"

"I love you Jed." Then he smiled and leave. He smiled but I saw his eyes with sadness and full of hesitations, not like the other iloveyous he told me with sincerity and pure of love.

What exactly is happening to us? I can feel my heart is terribly racing right now.

----

Oh men! 4 chapters na lang :) Yieeehi! Malapit na matapos., Kahit ako, di ko alam ang ending! mwahahahah! XD

Comment and Vote na din po kayo! :)

Next Stop: Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon