19th Stop

134 11 6
                                    

RAKEL's POV

3 years. 3 amazing years na akong nandito sa Canada. There are times na bumibisita sila Kuya dito at nagbabakasyon. I'm now 25 years old, sexy, free and single--- mother. Yes I am now a mother.

Maraming beses kong binabalikan ang mga nangyari sa akin simula nung bata ako. Kung paano ako tinuruan ni mama magbake nung grade 1 ako. Kung paano makipaglaro ng basketball si papa at kuya sa akin. Kung paano ako kantahan ni Kuya pag gabi. Lahat ng 'yun namimiss ko.

Sabi nga ni Gelo dati, Love is sacrifice. Ako? I need to sacrifice my own happiness for the sake of happiness of others. I broke up with Gelo that day, nung narinig kong naguusap sila. Pinagtapat ko din sa kanya na buntis ako with Jasper's baby. Nakiusap na lang ako na huwag niya sabihin kay Jasper.

At first, parehas kaming galit sa isa't isa. I slapped him many times. Tama ba kasing gawin akong mistress? Hindi ko pinangarap 'yun ha! But as time goes by, natutunan namin na baka nga pinipilit na lang naming ibalik yung dating kami kahit hindi naman na puwede.

We are good friends now. Ang alam ko nagkabalikan na sila ni Misty. Good to hear that, right?

Well, anyway, andito ako sa Ottawa Ontario Canada. I am a chef in a Filipino Restaurant for 3 years. So far, nabubuhay ko naman ang sarili ko araw-araw, lalo na kung may kasama kang makulit at napakagwapong bata.

Si Jassiyan Tan. 3 years old. Oo, sinunod ko halos sa pangalan at apilido ni Jasper. Hindi ko alam kung alam na niya ito. Pero sa palagay ko ay hindi pa. Nawala na lang kasi ako bigla pagkatapos kong ayusin ang relayson namin ni Gelo.

Ayokong guluhin sila ni Jed lalo na't alam kong ikakasal na pala sila. Wala din akong balita sa kanila. Si Ate Asha naman kasi, hindi nagkukwento sa akin pag bumibisita sila dito.

"Mommiii!!" Naku. Andiyan na ang anak ko.

"Hay nako Rakel. Ang takaw ng anak mo! Nakatatlo ng ice cream 'yan!" Sabi naman ni Kuya Cyrus. He's with us nga pala. Dito kami sa bahay niya nakatira.

"Eh mommi kasi, ancharap kasi. Hihihih" Ang cute magsalita ng baby ko. Hay kung alam lang ni Jasper na may anak siyang ganito kagwapo.

"Masisira ang teeth mo baby, pag lagi kang kumakain ng ice cream. Wag always baby ha?" Sabi ko sakanya habang pinupupog ng halik.

Biglang nag ring ang telepono ko.

"Rak! OMG you'll not gonna believe this. Natanggap ako sa isang recording company." Si Camsy itong kausap ko. She's a frustrated singer at sa wakas may nakapansin na ng talent niya.

"Really? That's cool. Let's celebrate some other time." Wika ko sa kanya.

"Hey Raky, Lala wants to talk to you" Si Lala naman ay isa rin sa friendship ko, isa siyang fashion designer.

"What's up bato? Nakita ko si Gelo last month dito sa boutique namin, magpapagawa ata ng gown ni Misty. Balita ko, ikakasal ulit sila eh." Ah! Kaya pala gusto ako makausap nito.

"Talaga? So kumusta naman sila? Nakita ka niya?"

"Uh? Yeah, actually, kinumusta ka niya." I heard different laughs on the other line. Talaga 'tong mga 'to.

"Ciao, ciao na. Need to take care my baby. Kumusta mo na lang ako kay Artemis." Then I hung up the phone. Baka kung saan pa mapunta ang usapan namin eh.

Sa tatlong taon kong pagstay dito, naging mas maayos ang pamumuhay ko. Natuto akong mamuhay na hindi inuuna ang sarili ko. Siyempre, andiyan na si Jassi. Siya ang lagi kong inuuna.

"Rise and Shine carebear!" Bungad sa akin ni Kuya Cyrus.

"Let's go shopping?" Sunday ngayon at rest day namin lahat. Mahilig talaga mag-aya si Kuya Cyrus na lumabas pag Sunday. Family day daw kasi.

Gumayak ako at inayusan din si Jassi. 10:30am nakaready na kami umalis. Almost 15 minutes lang namin narating yung mall dahil malapit lang naman kami dito.

Mahilig maglaro sa arcade si Jassi just like his father. Sa kanya din nakuha ni Jassi ang pagiging mahilig sa ice cream.

Nakakapagod man ang maglakad ng maglakad, maligaya naman ang puso ko na makita ang anak ko na masaya sa mga nangyayari sa kanya.

Inaya ko sila sa grocery department para makabili na din ng mga pagkain para sa bahay.

"No junkfoods Jassi!" Sigaw ko dito, habang karga naman ni Kuya Cyrus. Mahilig kasi magturo 'yung batang 'yun eh.

"Ouch!" May bumangga sa likod ko na cart.

"I'm sorry Miss. I---" Humarap ako sa lalaking nagsalita at napatigil ang lahat ng cells sa katawan ko.

"Jasper"

"Rakel?" Sabay namin banggit sa mga pangalan namin.

"Andito ka?" Sabi ko sa kanya habang hawak hawak ang isang gatas ng baby. Sumisikip ang dibdib ko sa nakikita ko. Ang gwapo pa rin niya. Hindi halatang may asawa na siya.

"Ah yeah! Business trip. So dito ka pala nagtatago huh?" He wiggled his eyebrows and then widely smiled.

"HA-HA! Hindi naman ako nagtago." Okay. Ang awkward nang ganire.

"Mommmiii!" Sigaw ng batang maliit.

"Who is he?" Tanong naman niya sa akin habang ibinababa ni Kuya Cyrus.

"Jasper. Long time no see" At inakap ni Kuya Cyrus ito.

"Kuya Cyrus. Wow! You're here also?" Tapos tumingin siya sa aming dalawa at nadako ang mata niya kay Jassi. OMG! Ano gagawin ko?

"Are you together?" Nagtataka niyang tanong.

"Daddi!!!" Pangungulit ni Jassi. Patay diyan, Baka mapagkamalan niyang anak namin ni Kuya Cyrus ito. Bad!

"Anak niyo?" Walang salitang lumalabas sa bibig ko. Good thing, nagsalita si Kuya.

"Oh! No!" Sakto naman, may tumawag kay Jasper.

Nagbabye na din kami sa kanya dahil magbabayad na kami. To my surprised, hinabol niya ako.

"Raks?" Hingal na hingal siya.

"Jas, why? Is there anything you want to say?" Kahit nanginginig na ako sa kinatatayuan ko, pinilit kong huwag magpahalata. Nauna na si Jassi at Kuya Cyrus sa sasakyan.

"Ano kasi. Can I take you out? Tomorrow evening?" Naguguluhan ako. Hindi puwede. Baka malaman ni Jed ito. Ayoko na makasira ng relasyon. Pero I need to tell him the truth. We need to settle this down.

"Sure. Here's my digit." Binigay ko sa kanya ang number ko at sabi ko itext na lang niya ako kung saan kami magkikita. Before I finally left him, may sinigaw siya.

"I miss you Pimples!"

Next Stop: Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon