13th Stop

123 12 6
                                    

RAM's POV

I talked to Jasper a while ago to bring Rak here in the hospital. Tumawag sa akin si Jord kanina at andito daw sila sa Pilipinas.

Nalaman kong may sakit si mama kaya niya kami nagawang iwan noon. She wants to keep that to herself. She didn't bother to explain everything when I accidentally saw her, 2 years ago sa America.

Nagpunta ako dun for business matters. Bibisitahin ko sana si Tito Justine which happens to be the father of Jasper and uncle of Natasha. He's a doctor, and back then he is working at Grant Mount General Hospital.

He was in a meeting when I came, so I visit the surroundings. I noticed an old woman who was talking to a man, who was very familiar to me--- Jordan. My half brother.

I learned everything from that incident. I want to tell Rakel every single detail that I know, but she refused to talk to me. I never had the chance to tell her until she came back from Canada. But again, I failed.

"MA! Huwag mo pilitin yung sarili mo!" Sigaw ko kay mama nung pumasok si Rakel sa pintuan. 'Yun ang hiling niya kaya siya umuwi sa Pilipinas. Gusto niya makita ang unica hija niya.

Kahit alam niyang galit na galit ito sa kanya, ang gusto lang niya ay ang mahagkan at makasama ito kahit sa mga sandaling araw na nalalabi niya dito. Pinaalis ko muna si Jord upang hindi muna sila magkita ni Rakel.

"Anak ko!' Wika ni mama.

Nakatitig lang ang kapatid ko sa akin, at nagtatanong ang kanyang mga mata. Binibiyak ang puso kong makitang nasasaktan siya. Ang dalawa sa pinakamahalagang babae sa buhay ko ay nasa harapan ko at parehas silang nasasaktan.

"Why? Why now? What do you want?" Ibinaling niya ang pagkakatingin niya kay mama.

"Rak. Let me tell you everything. Iwan muna natin si mama, para makapagpahinga siya" Mahinahon kong sabi sa kanya.

"No! I want here. Explain everything. Ano 'to? Palabas niyo? HUH! Kuya naman, pati ba naman ikaw maniniwala diyan sa babaeng 'yan? Wala ng pakialam sa atin 'yan. Tanga ka ba?" Galit. Galit ang nakikita ko sa mga mata niya. Tumawa siya ng mahina.

"Stop! Don't say that to her! She's still our mother" Saway ko.

"Mother? Nanay? Ina? Sino? Siya? Wow! That's new kuya!" Sarkastik niyang sagot sa akin na ikinaiyak na ng tuluyan ni mama. Masakit, aamin ko, kahit ako nasaktan sa mga sinabi niya.

"Makinig ka muna, ipapaliwanag ko ang lahat"

"Ipapaliwanag? Hindi naman na ako humihingi ng paliwanag. That was ages ago. Babalikan pa ba natin 'yun? High technology na tayo. Tss!" At pinunasan niya ng mariin ang luha na pumatak sa pisngi niya.

"C'mon" Pumunta ako sa harap niya at hinawakan siya. Pero nagpumiglas siya.

"Bitiwan mo ko. Ano ba? Bakit ayaw mo sabihin dito? Tinawag mo ba ako para mag-alaga sa kanya? Nasan yung magaling niyang anak, bakit hindi siya ang andito? You both wasting my time" Sa pagkainis ko sa mga sinasabi niya at muntik ko na siya masampal. Buti na lang at napigilan ako ni Natasha.

"RAM !! Don't do that to her. Mag-usap kayo ng maayos." Sabi ni Asha at nagpaalam siyang lalabas muna.

"I'll be outside." Tinapik niya ang balikat ng kapatid ko na ngayon ay namumula na sa pag-iyak.

Naipunas ko ang kamay ko sa mukha. "I'm sorry! I'm really, really sorry"

"Sorry? Diyan ka naman magaling kuya! Ang mag-sorry."

"Hear me out first" Pagsusumamo ko sa kanya na ngayon ay palabas na ng kwarto.

"13 years. Labingtatlong taon niya ako iniwan." Humarap siya sa akin. This is how she looks like in the airport back when she was begging our mom to stay.

"Yes mama, 13 years. I was on my grade 2 when you left me." She paused. "And now, I'm 22 years old. Do you still even know me? 1 week akong nilalagnat because of what happened that night. May nag-alaga ba sa akin? Si kuya lang. Si papa? Wala naman 'yun eh. Laging lasing pag umuwi ng bahay."

Napaupo na lang ako habang nagsasalita siya.

"Every night was a disaster. I was longing for your voice. I was hoping na isang gabi, tatabi ka sa akin at kakantahan para makatulog ako."

"Until now, I was crying at night because of what?" Tuloy-tuloy ang luha niya.

"BECAUSE OF YOU!!!" Sigaw niya bigla.

"Ilang mga birthdays, Christmas, new years, recognitions, graduations, family days at tours ang napuntahan mo? Wala diba? Samantalang yung mga kaklase ko, nanay ang katabi. Ako? YAYA!!"

Gusto ko na siya akapin pero alam kong may gusto pa siyang iparating kay mama. Punong-puno ng hinanakit ang puso niya at gagaan lang ito pag nailabas na niya ang lahat.

"Ang sakit ma! Ang sakit sakit. Hindi mo alam yung feeling na walang nanay na nagpapalaki sa'yo. Samahan pa natin ng tatay na wala na din pakialam sa'yo dahil mas pinagtuunan niya ng pansin ang trabaho niya."

"And now you're back? For what? Para iwan ulit ako? I'm tired of this ma. If you want to leave me, leave me for good. Huwag ka na bumalik" Puro sorry lang ang nasabi ni mama sakanya.

Tatalikod na sana ulit si Red ng magsalita si mama. "I Love You RakeI, i love you anak!" And then, boom! Nagkagulo na sa kwarto. Dumating na ang mga Doktor at Nurses. I don't know what happened.

My sister is crying and she's beside our mother. "MA! Don't do this to me. You need to live for few more days to explain me everything. Aawayin pa kita. So please, huwag muna!!!" Iyak lang siya ng iyak habang sinasambit ang salitang mama.

Tumakbo siya sa akin at yumakap. "KUYA! SI MAMA!" I can feel her agony. I can feel her pain. My lips are closed and I don't know what to do nor to say.

Mahal na mahal ni Rakel si mama at alam kong hinihintay lang niya humingi ng tawad ito sa kanya. Matapang ang kapatid ko, pero mahina ang puso niya.

"SSSHH. Everything's gonna be allright" Habang hinahagod ko ang likod niya. Ngayon ay nasa kwarto na din si Jasper at Natasha.

"Doc" Sabi ng nurse.

"How is she? Is she fine?" Lahat kami ay nagulat sa dumating.

"Aa-angelo?" Sambit ni Rakel at napagtingin sa kanya ang Doctor.

-----

Isang chapter na lang naupdate ko. Eh inaantok na ako. Next week na lang yung 7 chapters+ epilogue.

Ano kaya mangyayari kay Rakel at sa mama niya? Magiging maganda na kaya ang pakikitungo niya dito?

Comment and Vote na po kayo! :)

Next Stop: Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon