12th Stop

131 12 6
                                    

A/N: This chapter is dedicated to my first partner in Simpleng Book Club. @mikaChan023

Hello sa'yo. Eto yung revision ng story ko na "what was my fault" hehe. :))

RAKEL's POV

"Where the hell are you taking me? This is insane Jasper. Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Gelo. Ano ba sinasabi mo about kay mama? Saan mo ko dadalhin? Don't tell me--- NO IAN JASPER! Once is enough!" Tuloy tuloy kong sigaw kay Jasper na ngayon ay kinakaladkad ako papunta sa kotse niya.

"WHAT? Ano ba pinagsasasabi mo diyan? I'm taking you to your mom." Napalingon ako sa kanya habang madaling madali siyang kinakabit ang seatbelt niya at pagkatapos ay ang seatbelt ko naman.

"HUH? Where? When? Why? NO! You are --- shit Jasper, don't do this to me."

"Si kuya Ram yung tumawag kanina bago kita hilain palabas sa resto. Tatawagan ko na lang si Jed at Gelo to explain everything. This is urgent so please cooperate!" He's looking on the road while saying that serious words.

"Si mama? Andito yung mama ko? HA-HA-HA! Nagjojoke ka nu? Para mag-usap kami ni Kuya? I told you, dadating din tayo diyan" Pinilit ko ngumiti at tumawa kahit sobra na akong pinagpapawisan sa mga naririnig ko.

"Shut up young lady. She's here. I will not force you to talk to your Kuya but this is different. She needs you. She really wants to see you. NOW!" Matigas niyang wika sa akin.

My mind was blank at the moment. She wants me? Now? Why? Iniwan na din ba siya ng isang pamilya niya kaya bumabalik siya sa akin. Of all the happenings in my life. Bakit ngayon?

"She's sick. You need to see her" Bigla siyang nagsalita.

"HAHAHA. Nakakatawa. Like I care Jasper. Remember, she left me when I was on my grade school. Andoon ka pa nga nung nagkagulo kami sa bahay nun." I was holding back my tears. Lahat ng nangyari sa amin nung gabing 'yun bumabalik sa alaala ko. Konti pa . kaya mo pa yan, huwag kang bibigay. He is just testing you. Pero bakit naman niya, nila gagawin 'yun?

Flashback

"Mama!! Please, don't leave me. I can be anything you want, just please wag mo kami iwan, wag mo ako iwan" Iyak lang ako ng iyak that time. Yung buhay na alam kong meron ako, maglalaho na lang sa isang iglap.

Tinulak ako ni mama "I'm sorry anak, pero hindi na ako masaya dito, hindi na ako masaya sa inyo, lalo na sayo, please let me go. Mas Kailangan ako nila Jordan, you know him? He needs me, he's sick." Nakatalikod siya sa akin, pero alam kong malungkot siya. Hinabol ko pa rin siya hanggang makasakay siya sa kotse niya.

Umuulan nung mga oras na yun. Pero wala akong pakialam, ang nasa isip ko lang, pigilan si mama na umalis.

Kinatok ko ng kinatok yung window niya, tapos nagbaba siya ng window. Nabuhayan ako ng loob, baka sakaling nagbago na isip ni mama pero iba yung nakita ko sa mata niya. "nahihirapan na akong alagaan ka, masyado ka ng pabigat sa buhay ko. So Let me go Rakel, let me go" Nagmamakaawa siya sa akin na pakawalan ko na daw siya. Nakaramdam ako ng kakaibang sakit sa puso ko.

Hindi ko namalayan, nakaalis na pala si mama, naiwan ako dun umiiyak lang habang sinisigaw yung "MAMA! MAMA! MAMA!"

Pinuntahan ako ni Kuya, binuhat niya ako tapos umakap lang ako sakanya. "Kuya anong kasalanan ko, bakit tayo iniwan ni mama? may mali ba sa akin? Kuya, si mama, babalik pa siya diba? May surprise lang siya sa akin kaya iniwan niya ako. Hindi naman ako pabigat sa kanya. Sabihin mo sa kanya Kuya magpapakabait na ako. Sabihin mo hindi na ako magpapaturo sa kanya magluto, Sabihin mo hindi ko na siya pakakantahin bago matulog. Please Kuya!"

Si Jordan? Siya yung anak ni mama sa ibang lalaki. Mas pinili niya yun kesa sa amin. Nung una, wala lang naman sa akin 'yun eh. Kasi umuuwi naman si mama at ramdam ko pa rin na mahal niya kami.

May sakit daw yung anak niya? Ako din naman ah! Heto nga at hinihika na naman ako. Ano ba mali sa akin? Matalino din naman ako katulad ni Jordan, mas mabait naman ako at mas inaalagaan ko si mama.

Magkasing edad lang halos kami, pero hindi siya nakatira dito.Nasa England sila at sa palagay ko ay susunod na si mama dun. Pinagyayabang ko pa naman sa mga kaklase ko na wala silang maipipintas sa buhay ko.

Katawa-tawa ako ngayon, walang nanay. Nakakahiya, sinama ko pa naman si Jasper dito sa bahay para makipaglaro kay mama, eto pa madadatnan namin.

Tinawag ni Kuya si yaya, tapos inayos ako. Pagod na ako, at basing basa pa, hinayaan ko na lang sila na asikasuhin ako. Next thing I know, nasa kama na ako, nasa tabi ko si papa tska si Kuya.

"Anak. Andito kami ng Kuya mo, kung ano man ang kailangan mo magsabi ka lang. I love you Rakel" Tska niya ako hinalikan sa pisngi at tumayo na palabas ng kwrto ko.

"Diba gusto mo katabi si kuya? Tabi tayo ngayon, kakantahan kita katulad ng ginagawa ni Mama. You sleep na baby ko ah? Andito lang si Kuya. Aakapin kita magdamag. Ayos ba sayo yun?" Tumango lang ako. Then He kissed me on my forehead and hug me tight.

"Rakel? Hey! Are you still with me?" Nilingon niya ako habang naka-stop kami.

"Shit! Why are you crying?" Ha? Umiiyak na ba ako? All the memories came back in one shot. Ayoko makita si mama.

The last time I saw her is when I found out that she was leaving the country and staying at England for good. I was begging her to stay or isama na lang niya ako. But she pushed me away. SHE PUSHED ME AWAY!!!

It hurts so much. I thought I was gonna die back then because of my asthma but she didn't care. She didn't look back even once.

"Please take me back to Angelo." Habang pinapahid ni Jasper ang mga luha ko. Andito na pala kami sa ospital nila hindi ko man lang napansin.

"I'm sorry, but I can't. She still your mother."

"WALA AKONG PAKIALAM KUNG MAMAMATAY NA SIYA! NAINTINDIHAN MO? AYOKO SIYANG MAKITA!" Nagulat naman si Jasper sa pagsigaw na ginawa ko. Pero ngumiti lang siya at huminga ng malalim.

Bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ako. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

I'm here in front of my mother's room. RACHELLE DIAZ.

"Deep Breathe. Andito lang ako sa labas" Binuksan niya ang pinto at dahan-dahan akong itinulak. Naninigas na ako sa kinatatayuan ko pero wala akong magawa. Gusto ko tumakbo na lang pero sobra akong nanghihina sa mga nangyayari.

As soon as I stepped in the room, I know my life will change. I am disgust to the thought that I will be talking to my mom and my brother in a minute. My heart was crampled into pieces. I can't breathe.

"Rakel!!!" The woman said as soon as nakita niya ako. There are many contraptions connecting to her body. Bigla siyang tumayo na ikinagulat ko naman dahil muntik na niyang mibuwal yung swero niya.

Doon ko napansin na nasa tabi niya si Kuya."MA! Huwag mo pilitin yung sarili mo."

Nanatili ako sa kinatatayuan ko. She smiled at me and said "Anak ko." Yeah that breaks my heart. Ang sarap sa tenga na marinig mong tawaging anak ng nanay mo. Pero ang hapdi, at nararamdaman kong may unti-unting humihiwa sa puso ko.

----

Yaiks! Medyo bitin! hehe. Maguupdate pa ako ng two chapters this night. (04/03/14)

Comment and Vote na din po :))

8 chapters =Epilogue = END!

Malapit na :)

Next Stop: Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon