15th Stop

132 12 6
                                    

NATASHA's POV

"Hindi totoo 'yan! Oo, inaamin kong mali ako nung oras na 'yun. Hindi kita inisip pero hindi dahil kay Asha kaya lumayo ang loob natin sa isa't isa." Wika ni Ram.

"Dahil kanino? Dahil sa akin? Bakit? Dahil Selfish ako? Alam ko na 'yan kuya. Baguhin mo naman!"

"OO! Can't you see Rakel? Makasarili ka, alam mo ba kung bakit ayaw ipaalam sa atin ni mama yung sakit niya? Kasi imbis na alalahanin mo siya, alam niyang mas aalalahanin mo 'yung sarili mo! Natatandaan mo ba nung hindi makahinga si mama? Ang sabi mo, hindi ka din makahinga, na hinihika ka din kaya dapat gumaling na siya para alagaan ka. Puro ikaw!" Pasigaw na sabi ng asawa ko.

"Si Gelo, kaya ka iniwan kasi gusto mo sayo lahat! Hindi mo pag mamay-ari lahat ng tao dito sa mundo. Palibhasa, ang liit ng tingin mo sa sarili mo kaya gusto mo na sa'yo na lahat!!"

Nanatiling nakatingin lang si Rakel sa kuya niya habang pinupunasan nila parehas ang kanilang mga luha.

"Sarili mo lang iniisip mo, mula pagkabata natin, lahat ng atensyon ko, namin, nasa iyo. Isa lang ang hiniling ko sa'yo. I can't chose you that time, because I'm not just your kuya. I am also a man, a soon-to-be husband back then."

"Hon, I better leave the two of you" Mahina kong wika.

"NO! STAY HERE!" kahit hindi siya tumingin sa akin, alam kong 'yun talaga ang gusto niyang mangyari, ang manatili ako sa tabi niya.

Ngayon ko lang nakita ulit si Ram na ganito. Fierced eyes. Shouting. Crying. Sinunod ko ang gusto niya at hindi ako umalis.

"Rakel , I've said a million sorry to you about what happened ages ago. I thought you've forgiven me. Walang kasalanan ang ate Natasha mo, so don't blame her. Asawa ko siya, kaya nasasaktan ako kapag may sinasabi kang hindi maganda sa kanya."

She is sobbing hardly. Nakita ko na medyo kumalma naman na si Ram. Nilapitan ko ang asawa ko at sinabing tama na. She needs him, I know that. I can feel that. He follow what I said.

"Baby, you are loved by everyone. You just need to open your heart, mind and eyes to feel that. Don't focus on the past. There is a reason for everything. If I came with you that time, you'll not be able to stand in your own. At least now, I can tell with confidence that I can leave you with the one you love. At least now, you are depending on yourself not to me, not to anyone but yourself alone. You learned how to be strong." Inakap niya ang kanyang kapatid habang sinasabi niya ito.Alam ko kung gaano niya kamahal si Rakel. Walang araw o gabi na hindi niya ito nababanggit sa akin. Minsan naaabutan ko pa siya sa office niya na tinitignan ang picture nilang dalawang magkapatid at nahuhuli ko pang umiiyak ito.

Bilang asawa ni Ram, gusto ko makita na din siyang masayang masaya at mangyayari lang 'yun kung magkakaayos na sila ni Rakel. Gusto ko na rin na makita niya ang pamangkin niyang si Zeke.

"Kuya. I'm sorry. Natatakot lang ako mag-isa. Ayokong mag-isa. Ayokong maiwan. I need you right now. I need my mom." Sagot naman ni Rakel habang hinahagod ni Ram ang likod nito.

"I'm here. I will always be here." Lumapit ako sa kanila at nagsalita. "I'm also here for you baby. Hindi ka namin iiwan ng Kuya mo. Magiging okay din si mama. We just need to pray for her."

She tighthened her hug. My husban flashed a smile. Yun ang unang ngiti ni Ram simula ng ikasal kami na alam kong puno ng kasiyahan. Abot hanggang mata ang mga ngiti nito.

"Thank you Kuya" Tapos kumawala na siya sa pagkakaakap at bumaling sa akin. Ako naman ang inakap niya. "Thank you ate! Salamat! Salamat talaga!"

Biglang dumating si Angelo. Napagalaman naming lahat na si Angelo Lim, ang kasintahan ni Rak --- ang Doctor ni tita Rachelle. Matagal na akong walang balita sa kanya. Sa pagkakaalam ko, siya ang matagal na nakasama ni Rakel nung sila ay highschool pa lang at siya din ang dahilan kung bakit umalis din siya ng Pilipinas.

Kilala ko siya dahil kasosyo ng pamilya namin ang pamilya ng Lim. Isang siyang oncologist o doctor para sa mga may cancer.

Kasabay niyang naglalakad si Jasper---pinsan ko na kasama si Jed pero parang may kakaiba. Meron talaga! Hindi ko lang maipaliwanag kung ano ito. Nagulat na lang kaming lahat ng biglang yumakap si Rakel kay Jasper. Hindi ba't dapat kay Gelo?

-----

oh oh! baka naman namali lang ng akap si Rakel? buahaha! XD

Pa-add po ito sa RL niyo :))

AN; Dinededicate ko po itong chapter na ituu sa partner ko na si @MsTacosauce. Read her story MAGE ACADEMY. :) Gondo! :D

Next Stop: Happiness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon