"Masyado kang masikreto. Paano naging kayo ni sir?" kilig na tanong ni Terry kay Cara pagkaupo nila sa canteen. Naginit ang mukha ni Cara. Iyon ang araw na nag-report na sila sa trabaho at halatadong kalat na agad ang balita na siya ang sinundan ni Judah sa Singapore. Hindi na magtataka pa si Cara dahil alam niyang galing ang balitang iyon kina Allen.
Dahil araw ng Sabado sila bumalik sa Pilipinas, hindi sila nakapasok. Hanggang Biyernes lang kasi ang pasok nila sa opisina. Dahil doon ay inubos niya ang oras kasama ang pamilya. Tuwang-tuwa ang mga kapatid ni Cara sa mga pasalubong. Wala na talagang mahihiling pa si Cara. Makita lang niyang masaya at kuntento ang pamilya, masaya na rin siya.
Pero aminadong pagdating ng gabi ay kakaibang lungkot ang nararamdaman ni Cara. Madalas siyang tawagan ni Judah at nauuwi ulit iyon sa sex on phone nila o cam to cam pero pakiramdam niya ay kulang pa rin. She missed his presence and warmth. Sanay na talaga siyang kasama ito at naninibago tuloy siyang natutulog ngayon magisa sa kuwarto.
At sa tuwing ganoon ang pakiramdam niya ay iniisip na lang niya ang masasayang alaala nila ni Judah sa Singapore. Kahit paano ay nawawala ang lungkot niya.
"Ano na? Nakangiti ka na lang d'yan." kinikilig na untag ni Terry.
Natawa si Cara at napailing sa sarili. Maisip lang niya ang mga masasayang sandali nila ni Judah sa Singapore ay napangiti na lang siya. "Simple lang naman, Terry. Nagusap kami at nagkaliwanagan ng feelings. Ganoon..." simpleng paliwanag niya at sana, huwag na itong mangulit. Censored na ang ibang detalye at hindi na niya iyon puwedeng ikwento!
Mananatiling sikreto nila iyon ni Judah. Ang mga maiinit na sandali nila ni Judah ay isang napakaganda at sagradong alaala sa kanya. Hindi niya iyon puwedeng i-share sa iba...
"Pinakilala ka na niya sa parents niya?" kilig nitong kulit.
"Hindi pa. Busy kasi kaming pareho nito kaya siguro wala pa sa plano niya iyon. Pero nasisiguro ko, kapag okay na ang lahat ay mago-open si Judah tungkol doon." positibo niyang sagot saka mahinang siniko ang kaibigan. "Kumain ka na nga. Pagkatapos nating kumain ay may ibibigay ako sa'yo." aniya at kinindatan ito. Mukhang na-excite naman si Terry at hindi na inusisa ang relasyon nila ni Judah. Salamat naman dahil nahihirapan din siyang magpalusot.
Tinapos na rin nila ang lunch. Pagkatapos ay nagpunta sila sa maliit niyang office. Agad na niyang ibinigay ang pasalubong. Hindi nga lang sila nito nakapagkwentuhan dahil tinawagan na siya ni Shella at pinapupunta sa office ni Judah.
"Miss ka na agad ni sir!" kinikilig na tudyo ni Terry sabay sundot sa tagiliran.
Napaigtad tuloy si Cara na ikinatawa nito. Pati siya ay nahawa na. At ang kilig na iyon ay nahaluan din ng matinding pananabik. She wanted to see him so bad! Halos takbuhan na niya ang kaibigan para puntahan si Judah.
"S-Sige. Pupuntahan ko muna si sir." pigil hiningang paalam niya.
"Go!" kilig na bulalas nito.
Agad nang umalis si Cara. Panay ang hagod niya sa buhok habang sakay ng elevator. Hindi siya mapakali. Her heart felt uneasy. Pati sikmura niya ay tila umiikot na sa sobrang antisipasyon. Gusto na talaga niyang makita si Judah at makasama kaya ganoon na lang katindi ang nararamdaman niyang pananabik.
"Pasok ka na lang daw sabi ni sir." nakangiting saad ni Shella at hinarap na ang trabaho.
Huminga ng malalim si Cara bago binuksan ang pinto. Halos sumabog na ang puso niya sa sobrang pananabik habang binubuksan iyon hanggang sa bumungad sa kanya si Judah. Nakaupo ito sa likuran ng glass table. Nang makita siya nito ay agad itong tumayo at sinalubong siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/124116552-288-k367510.jpg)
BINABASA MO ANG
JUDAH'S DAMSEL
General FictionTHIS STORY IS PUBLISH UNDER LIB BARE UNDER "SYBIL FOX" PEN NAME. ❤️HIGHEST RANK: #1 IN GENERAL FICTION❤️ WARNING! THIS STORY CONTAINS GRAPHIC SEXUAL CONTENT. DO NOT READ IF YOU ARE UNDER 18. READ. COMMENT. VOTE. FOLLOW. ENJOY READIN...