CHAPTER TWENTY ONE

9.6K 225 14
                                    

Hindi naman nahirapang hanapin ni Judah ang bahay ni Cara. Makalipas ang isang oras ay nakaparada na siya sa tapat ng puting gate ng isang modernong bahay. Lihim napangiti si Judah. Tinupad ni Cara ang pangarap na magkaroon ng sariling bahay na moderno ang disenyo. Saglit na umapaw sa puso ni Judah ang alaala ng nakaraan at namasa ang mga mata niya. Kasabay noon ay bumilis din ang tibok ng puso niya at lalong nasabik na makaharap si Cara.

Bumaba na si Judah at nag-doorbell. Lumipas ang ilang minuto, walang nagbukas ng gate. Paulit-ulit siyang nag-doorbell hanggang sa mayroong pumaradang taxi at iniluwa ang isang matandang babae.

"T-Tiyang?" pigil hiningang tanong ni Judah nang makilala ang matandang babae.

Napakunot ang noo nito at nang makilala siya ay gulat ang rumehistro sa mga mata. "J-Judah!"

Huminga ng malalim si Judah. Nilakasan na niya ang loob. "I came here to talk to Cara. Puwede ko ho ba siyang makausap? Please, I need to talk to her and—"

"Judah, umalis na ulit si Cara. Wala na siya d'yan." malungkot na putol ng matanda.

"W-What?!" gulat na bulalas ni Judah. Parang nanlaki ang ulo niya sa narinig na balita. Nalito ang buo niyang sistema. Hindi iyon totoo! Hindi puwedeng umalis si Cara! Hindi pa sila nito nagkakaayos!

Hinawakan ni Judah ang matanda sa magkabilang balikat. Kulang na lang ay yugyugin niya ito para sabihin ang lahat-lahat. "T-Tell me. W-Where did she go? Susundan ko siya para—"

"Judah, pakiusap. Hayaan mo munang makapagisip ng maayos si Cara." malungkot nitong awat.

Magisip? No! Paano kung maisip nito na ayaw na talaga nito sa kanya? Ah, hindi niya iyon kaya. Mamatay na siya oras na mangyari iyon! "No, please... anuman ang mga nangyari noon ay sobra ko na hong pinagsisihan... please... don't do this... tell me where she is..." nagsusumamong pakiusap ni Judah.

Hinawakan ng matanda ang kamay niya at tumitig. Kita niya ang determinasyon sa mga mata nito. "Judah, alam ko na kaya mo siyang hanapin dahil mayroon ka namang pera pero sana, huwag mong gamitin iyon. Makikiusap din ako bilang tiyahin ni Cara. Hayaan mo muna siya. Kailangan ni Cara ng panahon. Hindi ba't mahal mo rin naman siya? Kung mahal mo siya, bibigyan mo siya ng pagkakataong hanapin ulit ang sarili niya at maghilom sa lahat. Kailangan niyang gawin ito ng magisa. Judah, hayaan mong makabangon si Cara sa lahat."

Natigilan si Judah. Bigla siyang nanghina sa reyalisasyong tama ang matanda. Wala siyang ibang puwedeng gawin kundi ang maghintay kahit gaano iyon katagal.

"Hindi lang siya dapat bumangon mula sa kahihiyan. Kailangan niyang maghilom sa lahat-lahat pati na rin sa pagpaparusang ginawa niya sa sarili sa loob ng sampung taon. Pati ang mga kapatid niya ay kailangan iyon kaya sana, makikiusap ako na huwag ka munang magpapakita sa kanila. Sana, maintindihan mo ang punto ko. Gamitin mo na rin ang pagkakataong ito para makapagisip at makapaghilom. Para kung magkita-kita kayo ay pareho-pareho niyo nang kayang harapin ang isa't isa na hindi na masasaktan pa..."

"Shit..." nanghihinang anas ni Judah at natutop ang mga mata. Hindi niya mapigilang maiyak sa katotohanang iyon. Kahit sobrang gusto na niyang makita at makasama si Cara ay alam niyang kailangan nga muna nilang hindi magkita. Kailangan nilang mag-move on sa lahat ng iyon.

Ayaw din naman ni Judah na sa tuwing nakikita siya ng mga kapatid at ni Cara ay wala silang ibang makikita kundi ang mga pangit na alaala. Kaya kahit masakit sa kalooban ni Judah ay susundin niya ang matanda.

"I-Is she okay? M-Maging maayos po ba siya sa pinuntahan niya?" lumuluhang tanong ni Judah. Hindi na niya nakuha pang itago ang luha. It was breaking his heart. It was breaking him bit by bit.

JUDAH'S DAMSELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon