"Congrats!" bati ni Terry na ikinatawa ni Cara dahil magiisang buwan na siya nitong binabati! Pagpasok kasi niya sa firm ay promoted na siya as Junior Architect. Mas tumaas pa tuloy ang posisyon niya kay Terry. Palibhasa, hindi ito board passer kaya tanging draftsman ang naging posisyon nito. Hinihikayat tuloy niya itong mag-take two sa board at pumayag naman ito. Mukhang nainggit talaga sa achievement niya. Sa susunod daw ay magbo-board na ito.
Isang linggo na buhat ng makabalik siya sa trabaho. Kasalukuyan silang nasa canteen at kumakain ng tanghalian. Sa ngayon ay nakakaraos na sila ng pamilya. Bumuti na rin ang ama niya at tinutulungan sila ng tiyahin. Ang mga kapatid niya ay nagsisipasok na rin. Natutuwa si Cara sa mga nangyayari.
Gayunman, hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkikita ni Judah. Matapos kasi ng project nito sa Qatar ay kinailangan nitong pumunta sa Dubai para tingnan ang iba pa nitong project doon. Busy man, madalas silang magtawagan. Natutuwa din siya dahil naikuwento nito na malapit na itong umuwi. Oras na masiguro nitong ayos na ang project ay puwede na nitong iwan iyon at pupuntahan na lang oras na kailangan.
Biglang naginit ang mukha ni Cara ng maalala si Judah. Hindi niya mapigilan dahil naalala din niya ang maiinit na sandali nila. Ilang beses naulit ang sex on phone nila at aminadong naliligayahan siya. Nasasabayan na rin ni Cara ang init ni Judah. Tuluyan na siyang nakapasok sa mundo na pinakikilala nito.
"Alam mo, libre mo dapat ako sa sahod." suhestyon ni Terry matapos ngumuya.
"Oo na. Ikaw talaga..." nakangiting sagot niya at napailing kuno. "Dapat, kapag pumasa ka sa board, ilibre mo rin ako." kantyaw niya.
Natawa ito. "Oo naman. Ikaw pa?" nakangiti nitong sagot at tuluyan na nilang tinapos ang pagkain.
Nag-toothbrush muna sila bago bumalik sa kani-kaniyang cubicle. Pagkaupo niya ay nag-ring ang intercom niya. Agad niya iyong sinagot.
"Miss Manalo? This is Shella. Pinagre-report ka ni Sir Judah sa office. ASAP."
"Ha?" parang nabingi siya sa narinig!
"Kadarating ni Sir. Gusto ka daw niyang makausap. Umakyat ka na lang dito, ha." ani Shella at tuluyan ng nawala sa linya.
Biglang kumabog ang dibdib ni Cara. Dumating na si Judah! Bakit hindi niya alam? Dali-dali tuloy niyang tiningnan ang cellphone pero wala itong message! Mukhang sinorpresa siya! Hindi tuloy mapakali si Cara. Hayun na. Magkakaharapan na sila. Damn. She didn't know what to do!
.
.
.
.
.
.
.
.
Kinalma ni Cara ang pusong nagwawala at nagayos ng sarili. Nagwisik din siya ng kaunting pabango bago nagpaalam sa head nila at umakyat sa office ni Judah. Agad siyang nginitian ni Shella. Tingin niya, dahil sa nangyari sa ama ay nagkaroon siya ng soft spot dito.
"No need to knock. Pumasok ka na daw." nakangiting saad ni Shella.
Umabot na yata sa ngalangala ni Cara ang puso. Halos mabingi na siya sa sariling kabog ng dibdib! Muli, kinalma niya ang sarili. Huminga muna siya ng malalim bago pumasok sa office.
Nagtaka si Cara nang hindi makitang nakaupo si Judah sa likuran ng mesa nito kaya pumasok na siya. Pagsara ng pinto at muntik na siyang mapatili nang hawakan nito sa braso saka isinandal sa pinto! Nasa likod pala ito ng pinto kaya hindi niya agad na kita. Mukhang hinihintay siyang dumating!

BINABASA MO ANG
JUDAH'S DAMSEL
Fiksyen UmumTHIS STORY IS PUBLISH UNDER LIB BARE UNDER "SYBIL FOX" PEN NAME. ❤️HIGHEST RANK: #1 IN GENERAL FICTION❤️ WARNING! THIS STORY CONTAINS GRAPHIC SEXUAL CONTENT. DO NOT READ IF YOU ARE UNDER 18. READ. COMMENT. VOTE. FOLLOW. ENJOY READIN...