CHAPTER THREE (SPG)

21.4K 377 9
                                    

"Ate! Gising na si tatay!" masayang tawag ni Egay—ang bunsong kapatid na nasa edad trese. Grade seven na ang kapatid niya at maayos naman ang grades nito. Araw ng Sabado kaya nakasama niya ang mga kapatid doon. Si Eddie naman ay tulog pa sa couch. Nakatalukbong pa rin dahil sa lamig ng aircon.

Agad napabangon si Cara. Nasa watcher's bed siya at katabi doon si Egay. Agad niyang tiningnan ang ama at naluha siya ng makitang nakamulat ito. Dali-dali niyang pinindot ang buzzer para puntahan sila ng nurse.

Kasalukuyan silang nasa private room. Tatlong araw na ang nakakalipas buhat ng maopera ang tatay niya. Wala itong malay noong ilabas at under observation. Dasal siya ng dasal para sa kaligtasan ng ama. Labis din siyang nagpapasalamat kay Judah. Bukod sa three hundred thousand ay dinagdagan pa nito ang pera. Nakapagtanong daw ito kung magkano ang ginagastos sa ganoong operasyon kaya sa huli ay kinumpleto na nito ang pera. All in all, umabot na ng five hundred thousand pesos ang naipahiram nito sa kanya.

Kung hindi siya pinahiram ni Judah, hindi magiging maalwan ang pagpapaopera ng tatay niya. Ni minsan ay hindi siya namoroblema sa mga babayarin dahil sa laki ng hawak na pera. Nabayaran din niya ang mga utang. Sa ngayon, ang emergency loan na lang at utang kay Judah ang babayaran niya.

Kumabog ang dibdib niya ng maalala ulit ang lalaki. Matapos siya nitong bigyan ng cheke ay madalas na silang magtawagan sa cellphone. Lagi nitong kinukumusta ang tatay niya at mga kapatid. Ayaw man niyang kiligin, hindi niya mapigilan. Ramdam din naman kasi niya ang concern nito. Ni minsan din ay hindi nito ipinaramdam na baon siya sa utang dito.

Walang nakakaalam sa mga nangyari. Ang alam ni Terry ay tinulungan siya ni Judah na makapag-loan sa isang kakilala. Natuwa si Terry doon. Dinalaw na rin nito ang tatay niya nang nagdaang araw.

"Dok, kumusta na ho siya?" pigil hiningang tanong ni Cara matapos suriin ng doktor ang tatay niya. Nagyakapan pa silang magkapatid habang hinihintay ang balita.

Ngumiti si Dr. Nunez—ang cardio-surgeon ng tatay niya. "He's out of danger now. Kailangan pa niyang mai-confine ng ilang araw para tuluyang makapagpagaling." nakangiti nitong sagot.

"Yehey!" tuwang bulalas ni Egay. Naiyak naman si Cara dahil sa sobrang tuwa. Naingayan tuloy si Eddie kaya nagising pero noong malaman ang status ng tatay nila ay naiyak rin ito.

"Huwag kayong maingay para hindi ma-stress ang tatay niyo. Remember, kailangan pa niyang magpahinga." nakangiting awat sa kanila ng butihing doktor.

Luhaang natawa siya at pinunasan na ang mukha. Inawat na rin niya ang mga kapatid. Doon na umalis ang doktor. Hinayaan naman nilang makapagpahinga ang tatay nila nang makatulog ulit ito.

.

.

.

.

.

.

.

Mabilis lumipas ang mga araw, tuluyang gumaling ang tatay ni Cara. Makalipas ang dalawang linggo, na-discharge na ito. Umuwi na sila at inasikaso niya ito. Tuluyan na rin niya itong pinag-resign sa trabaho para makapagpahinga. Nangako siyang itataguyod ang pamilya. Ngayon pang lisensyado na? Aba, puwede na siyang ma-promote anytime! From being apprentice into junior architect! Nasisiguro niyang sa pagbalik sa trabaho ay magiiba na rin ang posisyon niya dahil over qualified na siya sa paga-apprentice.

Kinumpleto niya ang gamot nito hanggang sa follow up checkup sa susunod na buwan. Matapos iyon ay nagpaalam siyang magre-report na sa trabaho. Tumango na ito at hinayaan na niyang magpahinga sa sariling kuwarto. Siya naman ay lumabas na at sinilip ang mga kapatid. Napangiti siya ng makitang tulog na ang mga iyon sa sariling kuwarto.

JUDAH'S DAMSELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon