PROLOGO

28.4K 302 15
                                    

LOVE is a feeling that everyone must feel. Wala dapat itong pinipili, because it is for everyone. Hindi dapat ito pinagdadamot, because God give it to us.

God.

My only God. Siya nalang ata ang nagmamahal sa'kin. Siya nalang ang nagpapahalaga at nagtitiis na pakinggan lahat ng problema ko. No one dare to touch my heart and accept my all of me except him, our God.

I know God has a better plan for me. But, sometimes i can't help myself to asked  him...Why everyone in this world hated me? Hindi ko naman kasalanan na mali ang mabuhay ako. Hindi ko naman kasalanan na nandito ako at humihinga. At hindi ko rin naman kasalanan na maraming buhay akong nasira dahil lamang naisilang ako. So, why everyone put all the blame on me?

Napapitlag na lamang ako nang muli akong makarinig ng nabasag na wine glass. "Saan ka galing?" Galit na tanong ni mommy atsaka padabog na kumuha ng isa pang baso at nilagyan ng wine.

Sandali akong nagbaba ng tingin sa mga basag na gamit sa sahig atsaka muling nag-angat ng tingin sa kaniya. "S-Sa school po..." Mahina kong sabi.

Marahas niya akong hinarap. "Sinungaling!" Singhal niya. "Wag mo 'kong gawing tanga Aria!" Sigaw niya pa atsaka marahas na hinagis muli ang basong hawak, dahilan para mas lalo akong manginig sa takot.

"M-Mommy...." Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang gigil niya akong hinawakan sa magkabilang braso. "Wala kana talagang ibinigay sa'kin kundi sakit sa ulo at perwisyo!" Nanggagaliiti sa galit niyang sabi.

Nangilid na lamang ang luha sa mga mata ko. Lahat naman ng gawin ko mali sa kaniya. Sakit sa ulo lang naman ako sa kaniya. She never love me. She always makes me feel unwanted and worthless.

"N-Nasasaktan po a-ako..." Nanginginig ang boses kong sabi.

"T-Talagang masasaktan ka!" Marahas niyang aniya atsaka ako patulak na binitiwan. Kung hindi ko pa na-balanse ang katawan ko, marahil ay magkaka-sugat na naman ako kapag bumagsak ako sa mga binasag niyang kasangkapan at wine glass. "Puny*ta ka talaga! Bakit kasi nabuhay ka pa!" Galit niya pang sabi bago ako tinalikuran. Kumuha ulit siya ng panibagong baso at sinalinan ng wine.

Sinundan ko lamang siya ng tingin nang umupo siya sa sofa ng hindi man lang ako tinitingnan. She disgust me. Halata naman sigurong ayaw niya sa'kin. Sinisisi niya ako sa lahat ng nangyari sa kaniya. Mula sa pagkasira ng kaniyang buhay hanggang sa pagkawala ng lahat ng meron siya noon. Ako daw ang may kasalanan ng lahat. Ang existence ko daw ang may kasalanan.

"Ano pang tinatayo-tayo mo diyan?! Umalis kana sa harapan ko bago pa tuluyang mandilim ang paningin ko at ano pang magawa ko sa'yong dep*ta ka!" Malamig niyang singhal.

Mabilis naman akong tumalima at nanginginig na tumakbo paakyat sa kwarto ko. Gusto ko mang hintayin hanggang sa makatulog siya sa kalasingan, tulad ng ginagawa ko noon ay mukhang hindi 'yon magandang ideya ngayon. Dati kasi ay hindi naman niya ako dinadapuan ng kamay pero ngayon kulang nalang ay sampalin at sakalin niya ako sa galit. Siguro'y sisilip-silipin ko nalang siya hanggang sa makatulog siya sa kalasingan.

Napasandal nalang ako sa pinto at sinapo ang puso ko. Doon unti unting bumuhos ang mga luha sa pisngi ko. Napahagulgol ako at dahan dahang napaupo. This is so painful.

NAGISING ako na kinakapos ang hininga. Madalas itong nangyayari sa'kin kaya sanay na ako. Tumayo ako at inabot ang inhaler sa side table sa tabi ng kama ko. Napapikit ako at kinalma ang tibok ng aking puso. I need to be fine. I am fine. You are fine aria, panloloko ko sa aking sarili. Alam kong hindi ako okay. I will never be fine.

Sumulyap ako sa oras at napabuntong hininga. Its 11:25 pm, siguro naman tulog na si mommy sa oras na 'to. Itinabi ko na ulit ang inhaler ko atsaka nag-ayos ng sarili. Naka-uniporme pa pala ako. Hindi na ako nakapag-bihis, sa sahig pa nga ako naka-tulog sa kakaiyak kanina.

Tahimik akong bumaba at sinilip si mommy sa sala. Napahinga ako ng malalim nang makitang tulog na siya. Hawak pa nito ang wine glass na may kalahating laman. Nandon pa ang mga binasag niya sa sahig.

Mabilis kong nilapitan si mommy at kinuha sa kaniya ang hawak na wine glass. Umungol siya kaya bahagya akong natigilan. Akala ko nagising siya. Muli kong itinuloy ang ginagawa ko.

Inihiga ko siya nang maayos sa sofa atsaka hinubad ang sandals niya. Malaki naman ang sofa atsaka hindi malikot matulog si mommy, kampante akong hindi siya mahuhulog kasi ilang taon ko na rin itong ginagawa.

"Aria?"

Napatayo ako ng tuwid atsaka nilingon si manang na halatang galing sa tulog. Napapailing nalang ito nang makita ang itsura ni mommy at nang buong sala. Si manang ang naging yaya ni mommy noon kaya hindi na ako nagtaka na pati siya ay galit sa'kin dahil sinira ko ang buhay ng mahal niyang alaga. Although, hindi niya 'yon lantarang ipinapakita, alam ko pa ring ayaw niya sa'kin. Nararamdaman ko 'yon minsan.

"M-Magandang gabi po." Nakayukong sabi ko.

"Ako na ang bahala sa mommy mo, umakyat ka nalang sa kwarto mo." Malamig niyang aniya.

Napakagat labi ako. "A-Ako na po ang maglilinis ng mga nabasag ni mommy."

"Bahala ka." Kibit balikat niyang aniya bago nilapitan si mommy.

Tipid na lamang akong tumango at nakayukong tinungo ang walis at dustpan. Sinulyapan ko si manang na tahimik na ngayong pinupunasan si mommy. Mapait akong napangiti. I wish i could change the time. Sana noong sinubukan akong ipalaglag ni mommy noon, sana hindi nalang ako kumapit ng mahigpit sa kaniya. Siguro hindi siya magkaka-ganito ngayon. Baka maayos pa ang buhay niya ngayon.

"Jane, ano bang nangyayari sa'yo?" Rinig kong tanong ni manang sa kaniya.

Napayuko na lamang ako at pinag-patuloy ang ginagawang paglilinis. Kasalanan ko kung bakit siya ganiyan. Ako ang may hawa niyan sa kaniya. My existence did.

I'm sorry mommy. I'm sorry for all the pain, i cause you.

****
Okay.

Always unwanted 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon