Habang ginigiya niya ako palabas ng kwarto niya ay halos hindi naman na matanggal ang mga mata ko sa malaking picture ko na nakita ko kanina.
"Ikaw ba ang kumuha niyan?" Tanong ko habang nakaturo pa sa malaking picture frame.
Namula naman siya at nag-iwas ng tingin. "Y-Yeah," Nag-iwas siya ng tingin. "C-Come on...labas na t-tayo.." hila niya sa'kin palabas.
Ngumuso ako at sumunod nalang sa kaniya. "Kailan mo 'yan kinuha? Paano?" Nakagat ko ang ibabang labi. "M-May sinabi pala si Tita Carol sa'kin kanina uhm totoo bang sinusundan mo na ako since highschool? Akala ko ba noong college mo lang ako napapansin?" Tanong ko.
"H-Huh?" Nautal siya. "A-Ano bang s-sinasabi mo diyan?! H-Huwag ka ngang naniniwala kay Mommy!" Pulang pula na ang mukha niya at leeg habang todo iwas ng tingin sa'kin. Bumungisngis ako. Ngayon pa talaga siya mahihiya sa'kin?
"Asus! Si Skyrile ngayon pa talaga mahihiyang umamin sa'kin. Crush mo na pala ako highschool pa lang, 'no? Huwag mo nang ideny kasi pruweba ko 'yong malaking litrato ko sa kwarto mo." Tukso ko pa sa kaniya.
Umiling siya at inakbayan ako. "Stop teasing me, baby. Hiyang hiya na nga ako dito kasi nalaman mo na ang sikreto ko." Ngumuso siya at umaktong nagtatampo. Ngumisi ako. Nagtatampo pero nakaakbay pa rin sa'kin. Ang rupok mo, babe.
"Paano ka ba nagka-crush sa'kin no'ng highschool? Ni hindi nga tayo nagkikita o nagpapansinan noon."
He tsked. "Ikaw lang namann ang hindi tumitingin at pumapansin sa'kin. Kahit ilang ulit nga akong dumaan sa harap mo, hindi mo naman ako tinitingnan. Ni sulyap nga ata pinagdadamot mo pa sa'kin." Kumunot ang noo ko. Hindi ko ata alam 'yang pag-daan daan niya sa harapan ko para magpapansin? "Noong college mo lang naman talaga ako napapansin kasi sumali ako ng varsity at talagang nagpapa-sikat dahil umaasa ako na baka makilala mo rin ako. Effective naman 'di ba?" Siya naman ngayon ang ngumisi. "Nakuha kasi kita..."
I gigled. Yumakap ako sa baywang niya nang makababa na kami ng hagdan. "I like your style. Nakuha mo nga ako..." Lambing ko.
Dumiretso kami sa Dining Area nila at doon namin naabutan sila Kuya Zoel. Nakangiti ang Mommy't Daddy ni Skyrile habang nakamasid sa'ming dalawa. Si Kuya naman ay malamig lang ang tingin sa'min pero alam kong masaya rin siya dahil nakikita niyang masaya ako kay Skyrile.
Pinag-usog naman ako ng upuan ni Skyrile sa tabi ni Kuya. At nang makaupo na ay 'tsaka naman siya umupo sa tabi ko. Nakangisi akong nagpa-salamat sa kaniya.
"Mabuti naman at lumabas ka na ng kwarto mo, Iho." Bungad ni Tito Federick.
"Syempre at nandito na si Aria!" Ngumiti si Tita Carol. "Nakita mo na ba ang malaking litrato mo sa kwarto niya, Iha?" Tanong niya sa'kin.
Tumango naman ako at nilingon si Skyrile. "Opo, Tita. Maganda nga po, eh." Ngisi ko.
Natawa silang dalawa ni Tito Federick. "Naku, iha! Marami pang nakatago 'yang si Skyrile!" Natatawang tugon ni Tito.
"Talaga po?"
Ngumiwi naman si Skyrile. "Mom, Dad! Stop it!" Reklamo niya.
Natawa ako at 'di na napigilang tusukin ng daliri ang namumulang pisngi niya. "May mga nakatago, huh?" Tawa ko.
Sumimangot lang siya at hinuli ang kamay ko. Pinagsiklop niya ang mga daliri namin. "You're bullying me again, baby."
BINABASA MO ANG
Always unwanted 💯
RomanceThe feeling of being an unwanted for everyone is sick. Nakakamatay at nakakapanghina ng kalamnan. No one will ever see your worth and no one will ever love you, because for everyone you are nothing and worthless. you are unwanted.