CHAPTER 31

6.9K 141 6
                                    


JANE

"H-How is she?" Tanong ko sa doctor nang matapos nitong i-check ang vitals ni Aria. Ang sabi niya, siya daw ang doctor ng anak ko at ang Mommy niya ang nag-opera noon kay aria.

"Her vitals are okay. Medyo hirap pa siyang huminga. Her test results will be release tomorrow. But, she'll be under observation for 24 hrs. I suggest you let her rest and please, don't stress her." Sabi niya pagkatapos ay bumuntong hininga. Inabot niya muna ang papel na hawak sa kasamang nurse bago ito sinenyasan na lumabas. Pagkatapos no'n ay binalingan niya ako. "You're her biological mother, right?" Tanong niya.

Tumango ako. "Yes. I'm her mother." And she's my daughter. My poor baby....hindi ko man lang napansin na bukod sa akin ay may sakit pa pala siyang tinitiis na nagpapahirap sa kaniya ng husto. Ngayon ko lang natanto na napaka-makasarili ko pala at sarili ko lamang ang iniisip ko. Ang tanging nasa isip ko lamang noon ay ang tuluyang pagkasira ng buhay ko, ni hindi ko man lang napagtuunan ng pansin ang kaawa-awa kong anak. Siguro kung hindi ako nagpakain ng galit noon, baka iba ang buhay ngayon ni Aria. Kung inalagaan ko lang sana ang sarili ko noong pinagbu-buntis ko siya, baka hindi siya nahihirapan ngayon. Hindi ko man lang naalagaan ang anak ko. This is all my fault.

"When I conduct her test results before for my thesis, lumalabas na ang dahilan ng heart failure niya ay ang mga pinagbabawal na gamot para sa mga buntis at alak. Maswerte lang siguro na malakas ang kapit ni victoria sa'yo noon kaya hindi mo siya napatay. But, all actions has its consequences, ma'am....and your consequence is this. She is your karma and I pity victoria for that. Naghihirap siya ngayon dahil sa mga bagay na hindi niya kontrolado." Sabi niya na lalong nagpa-bigat sa puso ko. May ideya na ako kung bakit may ganitong sakit si aria, alam ko na, pero masakit pa rin palang marinig 'yon mula sa ibang tao. Masakit palang marinig na ako sumira sa buhay ng anak ko. "Sana naisip mo ang mangyayari sa kaniya bago mo patuloy na iniinom ang mga pampalaglag na gamot na 'yon. Ilang buwan mo bang tinigil ang pagti-take ng gamot? Five months? Seven? Noong nagsawa kana, sumuko ka nalang hindi ba? You never think of her. Your selfishness leads her here, ma'am." Malamig niya pang sabi. Hindi na ako nangatwiran pa at sumagot dahil totoo naman lahat ng sinabi niya. Lahat ng ito ay kasalanan ko. "I am not talking here as her doctor but one of her family. Sinasabi ko ito sa'yo para maging aware ka at hindi mo na magawa ulit ang mga ginawa mo noon. Victoria is kind, charming and smart, she don't deserve to be hurt."

Napalunok ako at yumuko. Hiyang hiya ako sa sarili ko. "I know. Nagsisisi na ako sa lahat ng nagawa ko sa kaniya. Kung maibabalik ko lang sana ang mga oras. Magiging mabuting Ina ako sa kaniya. Hinding hindi ko siya sasaktan." Alam kong malaki ang mga kasalanan ko at sising sisi na talaga ako. Alam kong hindi lahat nadadaan sa sorry pero gusto ko pa ring subukan. Gusto kong itama lahat ng mali ko. Gusto kong maramdaman at makita ng anak ko na mahal na mahal ko siya.

"Good. Hindi pa huli para makabawi ka. May pagkakataon ka pa and this time, huwag mo na ulit iyong sasayangin." Malungkot siyang bumaling kay aria. "She needs you, now. She needed all the love of the people who matter to her. She need it to be motivated and to stay alive."

Lumapit ako kay aria at hinawakan ang kamay niya. Buong puso ko siyang tinitigan. Hindi ko na pakakawalan ang pagkakataong ito na makasama siya. This time, I'll do it right. Mamahalin ko siya at aalagaan. "I'll stay with her. Babawi ako. She will never feel unwanted anymore. And I will do anything for her, whatever it cost." Determinadong sambit ko.

"Very well." Ngumiti siya. Masaya sa nagiging sagot ko. "Her family will be here in a minute." Nanigas ako sa kinatatayuan ko at kinabahan. Ngumisi sa akin ang doctor at lumapit para gawaran ako ng tapik sa braso. "Kung talagang bumabawi ka. Forgive who ruined you, and accept her other family. Tanggapin mo na rin ang katotohanang hindi nalang ikaw ang tinuturing niyang Ina. Be a good mother this time, ma'am. This is your last chance."

Always unwanted 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon