MAAGA palang nang umalis kami ni kuya ng mansiyon at tinungo ang art restaurant. Balak kasi naming ipa-reserve ang buong lugar para sa lunch. Ayaw kasi nila daddy na may mga ibang tao sa paligid dahil siguradong pagkakaguluhan lang kami ng mga paparazzi.
Mas lalong kailangan pa naming gawing pribado ang lunch ng tumawag si jethro para ipaalam na nasa pilipinas na siya ngayon. Balak niya daw na dito na rin mag-settle at asikasuhin ang kaniyang carreer sa mundo ng musika.
Jethro, is my heart donors brother. Mula nang makuha ko ang puso ng kapatid niyang babae ay napalapit na ito sa 'kin at sa pamilya ko. Naging sobrang buti din ng pamilya niya sa'min kaya naging family friend na din namin ang isa't isa.
He is a superstar. Sikat na sikat siya ngayon at sobrang dami niyang fans sa iba't ibang parte ng mga bansa. May mga kanta siyang isinulat na pumatok sa masa at talagang kinagiliwan ng fans niya. He's a real talent.
Lahat ng achievements niya ngayon ay deserve niya dahil bukod sa napaka-buti niyang tao ay napaka-humble pa. Isa rin siya sa mga taong naging dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban sa tindi ng kalungkutan ko noon sa states. Never niya akong iniwan kahit minsan ay hindi ko siya napapansin.
He's so patient to me.
"Anong oras daw ang dating ni jethro?" Tanong ni kuya sa gitna ng pagmamaneho niya. Gamit namin ngayon ang kotseng binili ni dad sa kaniya. Latest ito at sobrang mahal kaya talagang umangal ako ng malamang hindi ako naisipang bilhan ni daddy. Hanggang ngayon kasi ay baby pa rin ang tingin niya sa'kin na hindi marunong mag-maneho. "Baka dumugin iyon sa airport ng mga fans niya!" Sabi pa ni kuya.
Huminga ako ng malalim. "Hindi ko alam kung anong oras ang dating niya but he made sure na nasa restaurant na siya before lunch. Susunduin siya nila kleo at Aj sa airport, and don't worry kuya he's with his P.A and bodyguards." Sabi ko.
"Seryoso ba siyang dito na talaga siya sa pilipinas?" Tanong pa niya.
Tumango ako. "Yup. Pumayag naman daw ang parents niya atsaka mas marami daw siyang oppurtunities dito." Kibit balikat kong sabi.
"Damn his reason! If i know...sinusundan ka lang talaga niya dito."
"Kuya naman," Sumimangot ako. "Kaibigan ko lang iyong tao. Wag na nating bigyang ng kahulugan ang mga desisyon niya."
"Yeah. Whatever." Ismid niya.
Napailing nalang ako sa inaasal niya. He's so childish talaga minsan.
It was exactly 9:00 am nang makarating kami sa art restaurant. Close pa ang restau pero may mga tao na sa loob ang naglilinis at naghahanda para sa pagbubukas nila. Hindi ko makita si mrs. Benitez, baka nasa opisina ito o sa kusina kung nasan ang asawa.
"Tumawag na ako rito kanina. Ine-expect na nila na darating tayo para magpa-reserba." Sabi ni kuya nang igiya niya ako papasok sa loob.
Tumango ako atsaka malapad na ngumiti sa mga waiter at waitress na bumati sa amin. They are so welcoming. Natutuwa ako na napapanatili ni mrs. Benitez ang ganda at aura ng restaurant niya.
Tiningnan ko ang iba't ibang paintings na nakasabi sa mga dingding. Napangiti ako nang makitang lahat ng obra ko ay nananatili pa rin sa dati nitong pwesto. Totoo nga ang sinabi niya na wala siyang tinanggal o pinabayaan sa mga paintings ko. Lahat ay mukha pa ring bago.
"Where is the owner?" Tanong ni kuya nang makapalapit kami sa counter.
Ngumiti naman ang babaeng nakatayo roon. "Palabas na po si Mr. And Mrs. Benitez ng kusina ma'am, sir..." magalang nitong wika.
Tumango ako rito at ngumiti. "Okay." Bored na sabi naman ni kuya.
Nag-angat ako ng tingin kay kuya. "Titingnan ko muna ang mga paintings dito kuya..." Paalam ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Always unwanted 💯
RomansaThe feeling of being an unwanted for everyone is sick. Nakakamatay at nakakapanghina ng kalamnan. No one will ever see your worth and no one will ever love you, because for everyone you are nothing and worthless. you are unwanted.