Nagising akong tahimik ang buong silid. Sinubukan kong gumalaw pero tila naninigas ang buong katawan ko. Namamanhid ang mga kamay ko. Normal lamang ang paghinga ko pero parang may nakapasak na namang tubo sa bibig ko. Kabisado ko na ang pakiramdam na 'to.Napapikit ako at hindi naiwasang maluha sa nagiging kalagayan ngayon. Naririnig ko ang tunog ng mga makina sa paligid. Mas mabuti na siguro 'to kaysa marinig ang mga hikbi ng mga mahal ko. Mas kakayanin ko 'to.
Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto. Maya maya lang rin ay nakita ko na si daddy at si.....mommy jane?
"Mabuti naman at gising kana, anak." Hinaplos ni mommy jane ang noo ko pataas. "M–Marami ang gusto kang m–makita...nasa labas lamang s-sila. L–Limitado lamang kasi a-ang pwedeng p-pumasok rito sa I–ICU.." Nanginig ang boses niya.
Pinilit kong ngumiti. Nasa kritikal man akong kalagayan ngayon, masaya pa rin akong nandito siya kasama ang daddy. Ito siguro ang paraan nila para ipaalam sa akin na maayos na ang lahat. Masaya akong malaman na nagsisimula na silang magpatawad.
Mawala man ako ngayon, siguradong iiwan ko silang dinadamayan ang isa't isa.
"V-Victoria...." Bumaling naman ako kay daddy. Ngumiti siya kahit hirap na siyang pigilin ang mga luha sa gilid ng mga mata niya. "N-Naghahanap na kami ng b-bagong donor m-mo....A-Ahm siguro b-bukas may balita na k-kami...." Paliwanag niya. Pinilit kong tumango.
Thank you, daddy.
Napapikit ako. Nang subukan kong imulat ang mga mata ko ay hindi ko na magawa. Tuluyan na akong inangking ng kadiliman. Muli na naman akong dinala sa isang panaginip na mahirap takasan.
Sa panaginip na 'yon..wala si skyrile. At kahit anong takas ang gawin ko, nahihirapan na naman akong makaalis.
Skyrile
Ang hirap humakbang palayo kay Aria lalo na sa kalagayan niya ngayon. Ayoko siyang iwan dahil alam kong hahanapin niya ako...pero may mga bagay akong kailangang tapusin.
May isang tao akong nasaktan na kailangan kong makausap.
Si samantha.
"What do you want, samantha?" Malamig kong tanong sa kaniya.
"K-Kailangan niyo ng d-donor 'di ba?" Hagulgol niya sabay lagok sa bote ng alak na hawak niya. "Then, take mine." Tuloy tuloy na bumuhos ang luha niya kahit ilang beses niya pa itong punasan.
Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. "You're insane! Hindi na dapat ako nagpunta pa rito." Akmang tatalikuran ko na siya nang makarinig ako ng mga nabasag na bote.
Napatiim bagang ako.
Muli ko siyang tiningnan. "Fix yourself, samantha. Kahit anong gawin mo, hindi ko iiwan si aria." Mariing sambit ko.
"S-Skyrile.." Iyak niya. "K-Kahit ikaw na ang pinaka-selfish na lalaking kilala ko....m-minahal pa rin k-kita! H-Handa kong ibigay l-lahat para mahalin mo rin a-ako kahit na i-ibigay ko itong puso ko s-sa babaeng i-iyon! Lahat ibibigay ko k-kahit wala nang m-matira sa akin!"
Bumuntong hininga ako. "Tama na, samantha." Pagod akong tumingin sa kaniya. "Kung patuloy kang aaktong ganito, paano ka makaka-move on? Lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo. So please, stop loving me and move on."
BINABASA MO ANG
Always unwanted 💯
Storie d'amoreThe feeling of being an unwanted for everyone is sick. Nakakamatay at nakakapanghina ng kalamnan. No one will ever see your worth and no one will ever love you, because for everyone you are nothing and worthless. you are unwanted.