Thank you ♥️
Finally! Kumpleto na ang pamilya ko at masayang masaya silang lahat. 'Yon lang naman ang importante sa akin.
Pinayagan na akong lumabas ng doktor. Natuwa sila Mr and Mrs Benitez na okay na ako kaya sinara nila ang buong restaurant sa araw na 'to para sa amin ng pamilya ko. Nagluto sila ng masasarap na pagkain para sa amin. Celebration party daw namin 'to dahil ligtas ang ikalawang operasyon ko.
"Victoria?" Nag-angat ako ng tingin kay Mommy Jane. Ngumiti ako sa kaniya. "May gusto sana akong ipakita sa'yo?" Aniya.
Tumango ako at ngumiti rin sa kaniya. Naging maayos na ang relasyon namin ni Mommy Jane. Nakikita ko ring kasundo niya na si Mommy't daddy. Ang mga pinsan ko naman, si kuya at ang lola ko ay ganoon din. Mas lumawak ang pamilya ko, mas masaya.
Nalu-lungkot lang ako dahil wala si Samantha at ang parents niya. Sila Jena naman at Joan kasama ang mga parents nila ay lumapit na sa akin para humingi ng tawad two days ago, noong nasa ospital pa ako.
Nagtataka rin ako dahil parang iniiwasan nilang pag-usapan si Samantha. Kapag nagtatanong kasi ako tungkol sa kaniya, parang ilag silang lahat. Iniisip ko na lamang na baka galit na galit pa siya sa akin at ang parents niya kaya hindi pa nila kayang harapin ako. Ayos lang naman sa akin. Kaya kong mag-antay. Sana lang nasa maayos silang lagay ngayon.
"Ano po ba 'yon?" Tanong ko nang hilain niya ang wheel chair ko. Naka-wheel chair pa ako, pwede naman daw akong maglakad lakad pero hindi pwedeng matagal. Bawal pa akong mapagod dahil baka mabinat daw ako. Ang sabi ng doktor pansamantala muna daw akong nakaganito.
"Pumupunta kasi ako dito noong umalis ka. Nalaman ko kasi na nandito ka palagi noon at nag-aaral magpinta." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Sobrang nagsisi ako at nalungkot noong malayo ka sa akin kaya pinuntahan ko 'tong paborito mong lugar." Naramdaman kong tumigil kami. "May pininta ako para sa'yo, anak." Ngumiti siya at tumingin sa harapan namin.
Napatingin na rin ako doon. Nagulat ako. Ito 'yong light necklace painting! Nag-init ang mga mata ko. Binibigyan ko nga pala siya ng Light necklace tuwing birthday niya. Hindi ko naisip na baka sa kaniya ang painting na 'to. Ngayong nalaman ko, sobrang saya ko.
"Ang ganda po, Mommy.." Gustong gusto ko na ang painting na 'to noong unang kita ko palang rito. Siguro kasi naaalala ko siya sa painting na 'to. Para pala ito sa akin. "Thank you po..."
"Victoria, mula ngayon hindi ko na pipigilan ang sarili ko na mahalin ka." Nagulat ako nang may isuot siya sa akin. Hinawakan ko 'yon. Isa ring Light Necklace! "Hindi ko na kailangan 'yan, anak ko. Sapat na sa akin ang liwanag mo." Emosyonal na sinabi niya bago ako niyakap mula sa likod.
Napangiti ako. Ang sabi niya sa akin. Wala na daw siyang pakialam kung iba na ang pangalan ko sa mga papel. Ang importante daw masaya ako at alam ko na mahal niya ako. Naiintindihan niya kung gusto kong manatiling anak ni Mommy Liezel. Masayang masaya talaga ako dahil natuto na si Mommy Jane na magpatawad at tanggapin ang bagong ako. Lalo na ang bagong pamilya ko.
"Thank you po, Mrs Benitez." Buong pusong pasasalamat ko sa kaniya nang lapitan niya ako. Hindi lang siya isang mentor sa akin kundi isang pamilya na rin.
"Maayos na akong makitang masaya ka, Victoria." Nilibot niya ang paningin sa mga Painting na nakasabit sa mga dingding. "Tinago ko lahat ng gawa mo para kapag dumating ang araw na 'to mas magiging proud pa sila sa 'yo." Napangiti ako. Nagulat talaga ako nang makita ang mga painting ko noon na nakasabit sa mga dingding ng Restaurant. Mula umpisa ng pagtuturo niya sa akin hanggang sa huling pininta ko ay nandito lahat.
Natuwa ang pamilya ko nang malaman nilang noon pa man ay nagpipinta na ako. Laking pasasalamat ko talaga sa mag-asawang benitez dahil sa pagmamahal nila sa akin noon, naramdaman ko na may pag-asa pang maging masaya ako ngayon.
BINABASA MO ANG
Always unwanted 💯
RomanceThe feeling of being an unwanted for everyone is sick. Nakakamatay at nakakapanghina ng kalamnan. No one will ever see your worth and no one will ever love you, because for everyone you are nothing and worthless. you are unwanted.