NATAPOS ang usapan namin ng mommy ni kuya zoel nang dumating na sila mommy. Masaya ang mga ito ng pumasok sa loob ng restaurant pero agad ding nalukot ang mukha ng makita ang mga hindi inaasahang bisita.
Nag-aalalang tiningnan nila ako. Lumapit ako sa kanila at ngumiti. "Isinama sila ni kuya rito." Sabi ko kay daddy at mommy.
Nagkatinginan lang silang dalawa at hindi na umimik. Bumaling naman ako kay lola nang abutin niya ang kamay ko. "Okay ka lang ba?" Tanong niya.
"Oo naman po." Ngumisi ako.
Tipid lang siyang ngumiti atsaka tiningala si krade na nasa likod niya. "Dalhin mo nga ako sa kanila apo at ng mabati natin sila." Sabi ni lola.
"Opo la," Sabi ni krade.
Tinanguan ko ito ng tingnan niya ako. Sumunod sila tito at tita kay lola samantalang nanatili naman sila mommy at daddy sa tabi ko. Ramdam ko ang tensyong sa pagitan nilang dalawa kaya kinabahan ako. Ayokong mag-away sila ng dahil dito.
Tiningnan ko ang mga pinsan ko na tahimik lang rin at pangisi-ngisi sa isa't isa. Sinamaan ko sila ng tingin at kinuha kay anton si cain. Baka may matutunang kabalastugan ang bata sa kanila.
"Wala pa ba sila jethro?" Tanong ni Gab.
"Wala pa eh." Sabi ko atsaka tiningnan si mike at anton. "Tawagan niyo kaya?"
"Wag na." Busangot ni anton. "Baka may kalandian si anton kaya natagalan." Aniya sabay tawa.
"Ulol!" Nakitawa na rin si mike sa kaniya.
Bumusangot nalang ako at bumuntong hininga. Ito na naman ang kaingayan nila.
Binalingan ko nalang sila mommy at daddy atsaka niyaya nang umupo. Kanina ay hiniling ko kay mrs. Benitez na pag-isahin nalang ang tables at pagdikitin para hindi na kami hiwa-hiwalay.
Nakaupo na lahat sa kaniya kaniya nilang upuan kaya umupo na rin kami tinabi ko sa gitna namin ni kuya vlane si cain. 'Yong bakanteng upuan naman sa tabi ko ay ni-reserve ko para kay jethro.
"Did you receive my invitation for party for a cost?" Rinig kong tanong ni lola sa dalawang bisita.
"Yes. Thank you for that." Ngisi ng matandang de guzman.
Tiningnan ko si kuya zoel na nasa tabi ng mommy niya. "Where is your family kuya?" Tukoy ko sa asawa at anak nito.
"Oh! Papunta na sila dito hinihintay lang ang mga pinsan mo." Sabat ng mommy niya.
Kumunot ang noo ko. "Is this some kind of reunion then?" Sarkastikong sabat ni mommy habang nakatingin sa'kin.
"Bakit? May masama ba don?" Mataray na tanong pabalik ng mommy ni kuya zoel.
"Oo! Bakit ba nandito ka? You are not welcome here!" Galit na wika ni mommy.
Sinubukan naman siyang awatin ni dad. Pipigilan ko sana ang namumuong away sa pagitan nila ng dumating ang iba pang de guzman. Kasama doon ang daddy at mag-ina ni kuya zoel, kasunod doon ang mga mag-pinsan at sa likod nilang lahat ay si samantha at si.............skyrile.
Napasinghap ako. Pati ba naman siya? Napatingin ako kay kuya zoel pero pati ito ay mukhang walang alam. Is this some kind of joke?
"Bakit nandito ang villafontia na iyan?!" Singhal ni kuya vlane.
Napatayo na ang mga pinsan ko at maangas na hinarap sila skyrile. Naaamoy ko na ang away na paparating at gustuhin ko mang umawat ay tila nanigas ako sa upuan.
I can't believe this!
"This is too much!" Galit na wika ni mommy atsaka na rin tumayo. "Umuwi nalang tayo!" Aniya.
BINABASA MO ANG
Always unwanted 💯
RomanceThe feeling of being an unwanted for everyone is sick. Nakakamatay at nakakapanghina ng kalamnan. No one will ever see your worth and no one will ever love you, because for everyone you are nothing and worthless. you are unwanted.