Keep safe everyone!
sorry hindi ako nakakapag-update.Nanaginip na naman ako.
Nasa magandang garden daw ako. Ang ganda ganda ng mga bulaklak at napaka-presko ng hangin. Napaka-tahimik.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong lugar at tumigil sa pamilyar na babaeng nakatayo di kalayuan sa pwesto ko. Ngumiti ito.
"Samantha?" Nangingilalang tanong ko.
Siya ba talaga 'to? O parte lang ng panaginip ko? Kahit kailan kasi ay hindi niya pa ako nginitian ng ganito. Iyong ngiting totoo at masaya.
Nagniningning ang mga mata niya at napaka-ganda sa suot na puting bistida. Mas masaya siya rito sa panaginip ko. Pero pakiramdam ko, ibang samantha ang nakikita ko.
Lumapit ako sa kaniya. "Samantha!" Masayang bulalas ko. "Nananaginip lang ako 'di ba?" Tanong ko sa kaniya.
Tumango siya at inabot ang kamay ko. "Oo kaya gumising ka na. Inaantay ka na nila." Tiningnan ko ang kamay kong hawak niya. Parang lumalabo ito at nawawala? "Aria?" Muli akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "Mula ngayon mabuhay ka nang masaya."
"Samantha..."
"She's awake!"
Nagkakagulo ang mga tao sa paligid ko nang magmulat ako ng mga mata. Mga nurses at doctor ang bumungad sa akin. Bukod sa mga boses nila ay tanging mga makina lamang ang naririnig ko.
"Check her pulse!"
Lumapit sa akin si Dra. Sanchez at ngumiti. "Welcome back, victoria." Namumula ang mga mata niya habang nakatitig sa akin.
Napapakurap lamang ako habang nakatingin sa kaniya. "Tingnan mo sila, victoria." May kung ano siyang tiningnan sa bandang kanan na siyang sinundan ng mga mata ko. "Inaantay ka na nilang lahat...."
Ang pamilya ko, si jethro at si Skyrile nakikita ko sila sa labas. Isang malapad na salamin pala ang tinitingnan ni Dra. Sanchez kung saan nandoon ang pamilya ko.
Naluluha ko silang pinagmasdan. Umiiyak silang lahat at masayang nakatingin sa akin. Tumatango sila at proud na pinapanood akong tinitingnan ng ibang doctor na kasama ni Dra. Sanchez.
"She's safe."
Rinig kong sabi ng isang doctor na hindi ko kilala. Tumango ito sa akin at ngumiti.
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Basta nagising na lamang ako sa isang kwarto na walang mga makina at wala nang nakasaksak sa katawan ko maliban na lamang sa isang dextrose.
May kirot akong naramdaman banda sa may puso ko pero hindi naman masyadong masakit. Pakiramdam ko nga, walang operasyong nangyari.
"Victoria!"
Napangiti ako nang palibutan ako nila mommy, daddy, mommy jane, ang dalawa kong kuya, si cain at mga pinsan ko. Nandoon din ang dalawa kong lola, jethro at si skyrile.
"Ilang araw ba akong tulog at parang miss na miss ninyo ako?" Ngisi ko.
Biro lamang sana 'yon nang mukhang seryosohin nila. Nagulat ako ng mamula ang mga nila at sabay sabay na naiyak. Maliban lamang kay cain na kanina pa gustong lumapit sa akin, hindi nga lang makawala sa hawak ni kuya vlane. Inabot ko ang kamay niya at mahigpit na hinawakan. "Na-miss mo rin ba ako, Baby?" Malambing kong tanong sa kaniya.
Mabilis naman siyang tumango. "I miss you, ate." Sabi niya na bahagyang ikinamasa ng mga mata ko.
Bumaling naman ako sa kanila mommy na hanggang ngayon ay emosyonal pa rin. Na-guilty naman ako dahil umiiyak na naman sila dahil sa akin.
BINABASA MO ANG
Always unwanted 💯
RomanceThe feeling of being an unwanted for everyone is sick. Nakakamatay at nakakapanghina ng kalamnan. No one will ever see your worth and no one will ever love you, because for everyone you are nothing and worthless. you are unwanted.