MALAWAK ang ngiti sa labi ko nang bumaba na ako para makapag-almusal. Masaya kasi akong nakatulog kagabi dahil sa pagpayag ni kuya na um-attend sa birthday party ni mommy kasama ang daddy niya. Natitiyak ko kasi na matutuwa si mommy kapag nakita niya silang dalawa.
"Goodmorning!" Napangiti ako kay linda nang batiin niya ako habang inaayos ang pagkain sa mesa. Siya pala iyong apo ni manang na pinasok niya rito last week. Sa tuwing nakikita ko siya ay parang gusto kong tanungin kung bakit ko siya naabutang umiiyak noon kasama si manang sa kusina, naku-curious kasi ako. Hindi ko nga lang talaga siya makausap kasi parati siyang nakadikit kay manang.
"Morning linda," bati ko pabalik. "Bumaba na ba si mommy?" Tanong ko.
"Hindi pa po." Sagot niya.
Tumango lang ako at tahimik na kumuha ng hot cake atsaka ito nilagyan ng chocolate syrup. "Ahm...may pandesal bang binigay si mang seth sa'yo?" Tanong ko sa kaniya.
"Ah, opo. Gusto mo bang kunin ko?"
Nahihiyang tumango lang ako. Bukod kasi sa hot cake ay pandesal lang ang pwede kong almusalin. May allergy kasi ako sa bacon, itlog at ibang niluto ni manang. Mabuti nalang at parati kong napapakiusapan si mang seth na ibili ako ng pandesal araw araw.
"Thank you linda." Nakangiting sabi ko sa kaniya ng ibigay niya sa'kin ang supot ng pandesal.
"May kailangan pa po kayo?"
Umiling lang ako. "Wala na. Salamat."
Mayamaya lang din ay dumulog na rin si mommy sa hapag. Hindi ito naka-corporate attire ngayon kaya alam kong hindi sa office ang punta niya. Gayunpaman, kahit gusto kong magtanong ay nanatili na lamang akong tahimik, baka masira ko lang ang araw niya.
Sanay na rin ako na ganito ang takbo tuwing nasa hapag kami, tahimik at tila walang pakealam sa isa't isa. She wanted it that way kaya nananahimik na lang ako.
"Manang, paki-pasok nalang po ang maleta ko sa kotse."
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "San po kayo pupunta?" Tanong ko.
Saglit lang ako nitong sinulyapan bago yumuko at pinagpatuloy ang pagkain. "Sa mansiyon, doon muna ako habang pina-plano namin ang party." Bored niyang sabi.
Napalunok na lamang ako at nanahimik. Maiiwan na naman pala ako rito. Tss...ano bang bago? Parati naman akong mag-isa.
IT WAS lunch time nang maisipan kong dumaan ng gym. May try-out ngayon sa basketball at ang grupo ni skyrile ang magdedesisiyon kung may tatanggapin ba sila o wala.
Papasok na sana ako ng gym nang may bumangga sa'kin. Nagulat pa ako dahil muntik na akong matumba dahil don. "Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Singhal nito.
Kumunot lang ang noo ko. Bakit siya nagagalit? It was his fault for the first place! Siya bumangga sa'kin at alam kong sinadya niya 'yon. Napailing nalang ako at nilampasan siya. Mukhang mainit ang ulo ng lalaking 'yon.
Tumuloy nalang ako sa paglalakad at hinanap si skyrile. May mga taong napapatingin sa gawi ko at napapaismid pero hindi ko na 'yon pinagtuunan pa ng pansin, hindi naman kasi sila ang pinunta ko rito.
Nakita ko siyang nakaupo sa bleachers habang matamang pinapanuod ang mga naglalaro. Kalaban pala ng mga nagta-try out ang ibang basketball players na.
Mukhang wrong timing pa ang pagpunta ko. Napanguso nalang ako. Aayain ko pa naman sana siyang kumain.
Napabuntong hininga nalang ako atsaka tumalikod. Next time ko nalang siya aayain.
Hindi pa ako nakakalayo sa gym nang biglang may umakbay sa'kin. Nanlalaki ang mga mata sa gulat ko itong binalingan. Amoy palang niya alam ko na kung sino siya. Nakakagulat lang ang biglang pagsulpot niya.
BINABASA MO ANG
Always unwanted 💯
RomanceThe feeling of being an unwanted for everyone is sick. Nakakamatay at nakakapanghina ng kalamnan. No one will ever see your worth and no one will ever love you, because for everyone you are nothing and worthless. you are unwanted.