HINDI pa kami tuluyang nakakalabas ng restaurant ng dumugin kami ng mga media. Parang mga tigre ang mga 'to na kalalabas lang ng hawla kung palibutan kami.
"Ms. Victoria! Maaari ho ba namin kayong interviehin?!"
"May mga ilang tanong lamang ho kami sa inyo!"
"Totoo po bang hindi magkasundo ang kampo ninyo at ng kampo ni governor?!"
Humigpit ang kapit ko kay cain ng marinig ko ang iyak nito sa takot. Kaagad kaming pinotrektahan ni kuya para di tuluyang malapitan ng mga nagkakagulong media.
Masyado silang marami na kahit ang mga bodyguards ni kuya zoel at mga waiter and waitress ng restaurant ay di sila kayang patigilin. They are so eager to ask question!
"We don't have time for this." Kunot ang noo at malamig na sagot sa kanila ni kuya vlane.
"May gusto lamang po kaming itanong!"
"May mga bagay kaming gustong malaman!"
Tumingin ako kay cain at niyugyog siya ng lalo siyang humagulgol sa takot. Niyakap ko siya at ibinaon ang mukha niya sa leeg ko para itago siya sa gulo.
"Its okay baby...." Bulong ko sa kaniya.
"Come on victoria..." Bulong ni kuya nang hilain niya ako palabas sa kumpol ng mga media.
Nilapitan kami nila anton at iniharang ang mga katawan sa'min ni cain para ma-protektahan kami sa pandudumog. Napangiwi ako ng mas lalo silang naging agresibo ng makita ang mga pinsan ko.
"Nasa van na silang lahat. Nag-aalala na ang mommy niyo." Rinig kong sabi ni krade.
"Sa van niyo nalang isakay sila victoria, doon tayo sa kotse ko." Sabi ni kuya vlane.
Tiningnan ko siya at tinanguan, pagpapakita na sang-ayon ako sa plano niya. "Shhh malapit na tayo kay mommy cain..." Naaawang bulong ko sa nakababatang kapatid. Rinig ko ang hirap nito sa paghinga, kanina pa kasi siya umiiyak.
"Ms. Victoria!"
Napaigik ako ng may biglang humila sa braso, ramdam ko ang tulis ng kuko non na dumaplis sa balat ko. Mabuti nalang at hawak ko si cain ng mahigpit.
Napaka-desperado nila! Ang sakit ng braso ko!
Mabilis at maingat kaming inalalayan nila kuya vlane papasok sa van kung nasan sila mommy. Hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si cain kaya nag-aalala na ako.
"Nasa kabilang van sila jethro kasama sila tita at tito. Sa mansiyon nalang tayo mag-usap. Dito muna kayo kela mommy." Sabi ni kuya nang maingat niya kaming paakyatin ni cain sa van.
"Victoria!" Mabilis akong dinaluhan ni mommy at kinuha sa'kin ang umiiyak pa rin na si cain. "Okay lang ba kayo?" Alalang tanong niya.
Tumango ako. "Opo." Sabi ko atsaka umupo sa tabi ni lola.
Sumandal ako sa upuan ko at sinilip ang kalmot sa braso. Napangiwi ako ng makitang mahaba iyon, aswang ata ang kumalmot sa'kin.
Napatingin ako kay lola ng silipin rin niya ang braso ko. Kinuha niya ang kamay ko at pinatong sa kandungan niya. "Who did this to you?!" Inis niyang wika.
Kinuha niya ang panyong puti para punasan ang dugo sa gilid ng sugat ko. Naririnig ko pa ang iyak ni cain kaya hindi ko maiwasan ang hindi sila silipin. Dalawa na sila mommy at daddy ang nagpapatahan sa kaniya pero mukhang takot pa rin siya hanggang ngayon.
Damn!
"Ipahanap mo lahat ng mga media sa labas at anthony!" Galit na sabi ni lola kay daddy. Patuloy pa rin niyang pinupunasan ang sugat ko. "Sinaktan nila ang mga apo ko. Gawin mo lahat para mawalan sila ng trabaho!" Muntik na akong mapatalon sa talim at diin ng boses niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/125537791-288-k556089.jpg)
BINABASA MO ANG
Always unwanted 💯
RomanceThe feeling of being an unwanted for everyone is sick. Nakakamatay at nakakapanghina ng kalamnan. No one will ever see your worth and no one will ever love you, because for everyone you are nothing and worthless. you are unwanted.