KASALUKUYAN AKONG ginagamot ni kuya nang pumasok si mommy kasama si lola, si tita michelle kasama ang asawa niya na si tito ronald, at si tito joey kasama ang asawang si tita divine.
"Mom!" Biglang sigaw ni kuya nang lapitan ako ni mommy at biglang sinampal.
"Pinahiya kami ng babaeng 'yan at pinaiyak niya si samantha!" Sigaw ni mommy.
Umawang ang labi ko nang may mga luha na namang tumulo galing sa mga mata ko pero ngayon, wala na akong nararamdamang sakit. Siguro dahil nasanay na ako at naging manhid.
"Sinaktan rin nila si aria!"
"Tumigil ka zoel! Wag mong sigawan ang mommy mo nang dahil lang sa babaeng 'yan!" Rinig kong sigaw ni lola habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa 'kin.
"Akala ko ba inayos niyo na ang papeles niyan? Bakit nandito pa rin iyan?" Mapait na tanong ni tita divine.
"Baka gusto niyang tayo pa mismo ang maghatid sa kaniya sa puder ng tatay niyang demonyo." Nanunuyang sabat naman ni tita michelle.
"Hindi demonyo ang daddy ko!" Iling ko.
"Aba't sumasabat ka pang babae ka!" Singhal ni lola. Akmang susugurin niya rin ako nang harangan ako ni kuya.
"Stop it!" Madiin at ma-otoridad niyang sigaw na ikinatigil nilang lahat. "Kinakahiya kong naging parte ako ng pamilyang ito! Kung tutuusin mas demonyo pa ang mga ugali ninyo kesa sa sinasabi niyong tatay ni aria!" Sigaw niya.
Nanlaki ang mga mata ko. "Kuya!" Hindi niya dapat pinagsasalitaan ang mga pamilya niya ng ganiyan. Baka mapasama lang siya...
"Anak..." Rinig ko ang pagka-basag sa boses ni mommy.
"Iyan ba ang natutunan mo sa babaeng iyan zoey?!"
"Tama na!" Sigaw niyang muli atsaka ako hinarap at tinayo sa upuan. "Aalis na kami...." malamig niyang wika.
"Kuya..." Tiningnan ko ito. Hindi dapat siya umalis ako lang dapat.
"Zoey! Anak...wag kang umalis. Iiwan mo na naman ba ako?" Rinig kong hikbi ni mommy.
Parang tinusok ang puso ko. Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil rin si kuya. Inis niya akong binalingan ng tingin. "Stop it aria. I mean what i say." Nagtatagis bagang niyang sinabi.
"Kawawa si mommy kuya..." Mahinang sabi ko.
Hindi makapaniwalang umiling lang ito.
Tiningnan nito si mommy atsaka bumuntong hininga. "Alam mo ba kung bakit kami umalis ni daddy? Hindi 'yon dahil sa nangyari sa'yo mom at hindi rin dahil kay aria...dahil sa'yo mismo! Natatakot si daddy na baka mawala ang pagmamahal niya sa'yo kapag patuloy pa rin niyang nakikita kung paano mo unti unting pinapatay si aria kaya kami na ang lumayo. Akala namin magbabago ka kapag iniwan namin siya sa'yo...pero hindi. Nakaka-dissapoint kayo mommy." Mapait niyang wika atsaka na ako hinila ulit palayo.Pero hindi pa man kami tuluyang mapalayo sa kanila mommy nang mapahinto ulit ako. Umawang ang labi ko at nasapo ang dibdib. Habol ang hiningang kumapit ako sa braso ni kuya para kumuha ng suporta.
"Aria anong...." Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng muntik na akong bumagsak.
"K-Kuya...ang s-sakit...." Nahihirapang kong sabi.
"Damn!" Mabilis niya akong binuhat at tinakbo papunta sa kotse niya.
Narinig ko pang sumunod sa'min sila mommy bago ako nawalan ng ulirat.
NANGHIHINA at nahihirapan akong huminga nang magising ako. Tumutok ang mga mata ko sa puting kisame at pilit inaalala kung nasaan ako. Hindi kulay puti ang kisame ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Always unwanted 💯
RomanceThe feeling of being an unwanted for everyone is sick. Nakakamatay at nakakapanghina ng kalamnan. No one will ever see your worth and no one will ever love you, because for everyone you are nothing and worthless. you are unwanted.