Chapter 1

449 11 12
                                    

Chapter 1

First day

Nandito na kami ni coleen sa school. Si Coleen ang bestfriend ko. Sabi kasi ni coleen 'First day' daw, kaya bawal ma-late, arte talaga nito! Haha! Papunta kami sa cafetetia, bibili ng juice.

Ang init kasi nakaka-uhaw kaya.. Eto namang si coleen daldal ng daldal, ang ingay hindi ko nalang pinapakinggan. Hanggang sa nakarating na kami sa cafeteria.

"Abbi ano sa'yo?" tanong ni coleen. Sabay lahad ng kamay niya. Kelan ba ako nilibre nito?! Kuripot!

"Uhm, apple juice nalang." sabi ko. Sabay bigay ng bente pesos. Tumango naman siya at pumuntanadun sa tindihan ng juice. Ayy, hindi pa pala ako nagpapakilala sainyo, wait.

Ako nga pala si Abbigail Joyce Ferrer. 17yrsold. 4th year highschool. Bestfriend ko si Coleen Isabel Tolentino, kahit kuripot yan mahal koyan no!. HAHA! Kumakanta rin ako. Mahilig din akong mag-pinta.Yun lang. *bow*

Dumating naman agad si coleen. Inabot niyaang juice ko at ang sukli ko. Naglakad kami papuntang bench. Nakaupo kami sa bench na may katabing puno. Hinihintay namin yung ibang kaibigan namin. Sina Shayne, Bea, Andrie at Hendrix.

Magkakaibigan kami since 3nd year. Tagal na namin noh?

"Malapit na daw sila.." sabi ni coleen na hindi man lang tumitingin sakin, tutok na tutok sa cellphone nya. Taray ha?!

Aba! may katext na naman to! for sure!Hahaha! Unti-unti akong lumalapit sakanya ng hindi nya nalalaman para makita kung sino katext nya. Malapit nako! *usog usog* makikita kona! pero bago pa yun, may tumawag saamin, Ahhh! malapit na eh! Paglingon ko, nandito na pala sila. -_-"

"Huy, ano'ng ginagawa mo dyan?" Tanong ni shayne sabay upo sa tabi ko.

"Ha? Ano, wala. Tra na guys?" Tanong ko sakanila. Tumango naman sila.

Nag-uumpisa na kaming maglakad. Kinuha naman ni hendrix ang bag ko, binigay ko din naman. Hoyy! wag ambisyosa! Hindi kami. Were friends lang. Friends lang talaga kami.

Nag-chihikahan lang sila dun. Ako walang kibo. Nabuhayan lang ako ng may tumawag sakin. Lumingon ako para malaman kung sino ang tumawag sa maganda kong pangalan. Lumingon naman din sila.

"Miss Abbigail!" Tawag ng isang lalaki. Mukhang 1st year lang ah. Sabay abot nya ng isang pulang rosas. Ano'ng meron? Tinanggap ko nalang, baka mapahiya e..

"Ay, thank you." Sabi ko sabay ngiti. Mukha naman siyang mabait kaya tinanggap ko nalang. Tumakbo agad siya nung nakuha kona. Hala? ganun nalang yun? Mga bata

"Yiieee! Iba talaga kapag sikat kuya mo, sikat ka'rin. Hahaha!" Pangaasar ni coleen. Bestfriend ko ba talaga to?! Nagtawanan naman silang lahat, nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanngang sa nakarating na kami sa room.

Kung tatanungin nyo kung sikat ang mga kuya ko. Oo ang sagot ko. Ewan ko kung bakit sila naging sikat dito. Dahil gwapo at matalino sila?! Ewan ko! Pati ako nadadamay eh!

My Happy Ending - ON HOLDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora