Chapter 13
Remembering
Ang sarap ng hangin, ang sarap pakinggan ng pagkanta ng mga ibon. Ang paglubog ng araw..
Nakaupo ako sa isang malaking bato. Nanonood ng mga tao'ng naglalakad, mga bata'ng naglalaro, mag-kakaibigan na tumatawa..
Ang sarap nilang tignan..
Tinignan ko ulit ang mga batang naglalaro. Ang saya saya nilang tignan. Naghahabulan sila, nagtatawan na parang walang promblema.
Nagulat ako ng biglang nadapa yung batang babae, pupuntahan ko na sana siya kaso natigilan ako ng biglang may lumapit sakanyang batang lalaki.
Parang may naalala ako sakanila..
*Flashback*
Naglalaro kami sa playground kasama sina ella at si coleen. Nagtatakbuhan kami sa may playground, kasama ang mga ibang bata.
Takbo dito. Takbo doon. Ang saya saya namin, ngatatawan na parang walang bukas.
Sa kakatakbo ko, hindi ko namalayan na may maliit na bato pala akong natakbuhan, kaya bigla akong napaupo sa damuhan. Bigla akong nadapa.
Tinignan ko ang tuhod ko kung may sugat, at oo may sugat nga. Unti unti akong tumayo..
Nagulat ako ng may humawak sa wrist ko para alalayan ako. Nilingon ko kung sino ang tumulong saakin. Siya, siya pala. Siya yung nagligtas saakin.
Pinaupo niya ako sa malapit na bench para magamot ang sugat ko.
Pinunasan niya ito ng panyo niya, nakaramdam ako ng kaonting sakit sa tuhod ko.
Pagkatapos noon ay nilagyan niya ito ng isang band-aid.
Puro yellow na stars at ang paligid nito ay kulay violet. (Parang yung damit sa enchanted kingdom. Basta ganun, meron talaga'ng ganun. Hehe.)
"Ang ganda naman niyan." Yun ang unang sinabi ko sakanya. Sa totoo lang ang ganda talaga.
Ngitian nya lang ako. Isang magandang ngiti.
Tumayo na'ko at yinakap siya, alm ko'ng nagulat siya doon.
"Thank you.." Bulong ko sakanya.
Kumawala na ako sa pagyakap ko sakanya.
" Welcome." Kahit simple lang ang pagkakasabi niya noon. Masarap padin pakinggan.
Pagkatapos noon ay tumakbo na ako palayo sakanya. Hindi ko alam kung bakit ako tumatakbo.. Tila parang may sarili utak ang mga paa ko..
Kahit bata pa kami noo, ang gaan na ng loob ko sakanya..
*End of flashback*
Hindi ko alam na napangiti nalang ako.. Ang sarap lang siguro balikan ang nakaraan.
Minsan iniisip ko, nasaan kaya siya? Mag-kikita kaya kami? Ano kaya pangalan niya? Ano na kaya itsura niya ngayon?
Hayy, syempre hindi na siya babalik. Syempre nasa amerika siya..
Tumingin ako sa langit, palubog na ang araw ang ganda tingnan!
"Wow.." Bulong ko sa sarili ko. Kulay red orange na ang araw bilog na bilog ito at unti unting lumulubog..
Nagulat ako ng may katabi na ako. Lumingon ako sa katabi ko at laking gulat ko ng si cyriel. Nakangti lang siya saakin, Lumipat ang tingin niya sa langit kaya ako din ay napatingin.
"Ang ganda 'no?" Tanong ko sakanya. Natangin padin ako sa langit.
"Mas maganda dito.." Lumingon ako para makita ang tinutukoy niya, pero nakatingin lang siya saakin. Ano daw? Saan?
"Ha? Saan?" Tanon ko sakanya.
"Hay, buti nalang ang slow mo.." Pabulong na sabi niya. Lalo'ng napakunot ang noo ko, Bakit napasok dito na ang slow ko? Ang gulo talaga nito.
Magsasalita palang ulit ako ng bigla siyang nagsalita.
"Kumain kana? Tara, libre ko. Ano gusto mo?" Tumayo na siya sa pagkakaupo, habang hinihintay ang sagot ko. Alam niya naman, tinatanong pa niya..
Tinigan ko muna ang phone ko.. Wala namang nag-text kaya gora! Hehe.Tinext ko muna si coleen para sabihing wag na niya ako hintayin, tutal nakalabas na siya ng hospital nung isang linggo pa.
Tumayo nadin ako, pinagpaggan ko muna ang pants ko at Nagsimula ng maglakad, nilagpasan kulang si cyriel. Nang narinig ko siyang tinawag ako ay sinigawan ko din siya.
"Ice cream Parlor! Hahaha!" Humarap ako sakanya at tumawa ng malakas, parati namang yun ang nillibre niya saakin kaya sanay na siya. Humarap ulit ako sa daan at nagsimulang tumakbo.
lumingon ako saglit, at nakita ko siyang hinahabol din ako! Wahh! Hahaha! Ang sarap tumakbo, nararamadaman mo ang malamig na hangin.
Huminto nako sa pagtakbo at ngayon ay nakatayo lang ako sa harap ng isang paborito kong ice cream parlor! Malapit lang ito sa campus kaya tumakbo lang kami.
Liningon ko siya at mukhang hinihingal siya, nginitian ko lang siya at pumasok na kami sa loob. Dumiresto na siya counter, alam niya naman ang palagi kong ino-order dito eh.
Tumingin muna ako sa labas. Ilang minuto ay bumalik nadin siya dala ang order koo! Yey!
Isang rocky road at double dutch.. Hahahaha! Nilapag niya na ng mga oder namain at nagsimula ng kumain.
"Baka sumakit yang tiyan mo, sige ka!" Sabi niya saakin at sumubo ulit ng order niya.
"Who care's? Eh ang sarap kaya!" Sabi ko sakanya na childish tone. tinawanan niya lang ako. Totoo naman wala akong pake! Sarap kumain eh!
Kain lang kami ng kain, at nagtatawanan. Pagkatapos nun ay hinatid na niya ko sa bahay..
"Sige! Kita nalang tayo bukas!" Sabi ko sakanya ta kumaway kaway. Bukas na nga pala ang event namin, wala naman kamingmsyadong gagawin. Kakain lang, tapos may kakanta na mga student at sasayaw, at iba pa! Basta mukhang msaya!
"Sige! Alis nako! Babye!" Nagsimula ng umandar ang kotse niya. HAy, nabusog talaga ako duon! Hahaha!
YOU ARE READING
My Happy Ending - ON HOLD
Teen Fiction"Fairytales are just a fake Happy Ending so little kid's won't be scared to fall inlove"