Chapter 3

193 3 5
                                        

[AN: Dedicate ko ito saaking kaibigan nasi P! Hahaha! Kelangan daw itago ang Identity, charing! Haha! *peace* Enjoy reading P! Salamat sa paglagay ng story ko sa RL mo, yun lang pows! ^-^ Mga mga stories din po siya! Follow nyo lang po siya for more info! Thanks!]

--

Chapter 3

 New friend's

Tatlong linggo na ang nakalipas nung hinatid ako ni hendrix. Busy nadin kami sa school kaya, minsan nalang kami magka-kasamang mag-kakaibigan.

Parati kong kasama si coleen kahit ang daldal niya, misan pinakikinggan ko nalang kawawa naman eh. Haha!

Nandito kami ngayon sa bench na dati naming inupuan nung first day. Well, heto kami ngayon may kanya kanyang mundo, si coleen ata may katext dahil tahimik, himila!

Ako? Eto nagso-sounds lang, sa phone ko. Boring eh.

Nagulat ako ng nag-vibrate ang phone ko, himila! Pero wala naman akong katext ah? Tinignan ko kung sino ang nag-text..

*1 message received*

From: ShayneKulet

Hoyy! Dismissal na namin, san kayo? Puntahan namin kayo. Oh nga pala may papakilala ako sainyo. Hihi.

--

Friends? At kelan pa sila naging-friendly?! Aber?

Tinext ko nalang kung saan kami naroon ni coleen, sinabi ko kay coleen ang tinext ni shayne. Tumango nalang siya, habang nakatingin sa phone niya. So, ganun nalang yun? Ha?!

Hinayaan ko nalang siya at bumalik nalang ako sa ginagawa ko. Ilang minuto rin kaming ganun. Hindi naba ako mahal ng bestfriend ko? May iba na siya? Pinagpalit nya na ba ako-

Nasira ang moment ko ng may mganakatayo na sa harap namin ni coleen. Dahan dahan kong tinaas ang ulo ko na kanina ay nakayuko. Ay, nadito na pala sila-, teka? Sila yung friends nina shayne?

Kung itatanong nyo kung sino, secret! Haha, charing lang. Yung tinutukoy ko ay yung tatlong lalaki na pinagtitilian nung first day. Yung gabriel, yael at K-kean bayun? Ewan ko.

Tinignan ko si shayne, ang lapad ng ngiti nitong babae naito, kinikilig-kinikilig? Binuka nadin niya ang kanyang bibig, akala ko magtiti-tigan lang kami dito eh.

"Guys, sila yung sinasabi ko sainyo. Sina Gab, Yael, and kean!" Naglahad naman sila ng kamay at nagpakilala, ngumiti nalang ako. Baka sabihin nila mataray ako, hindi po!

"Kumain naba ka'yo? Tara, libre namin! Pramis!" Sabi ni Yael with taas pa ng kamay, nakakahiya naman kung tatanggihan namin kaya umo-oo nalang kami. Tsaka sabi niya libre daw! Haha! Mahilig ako sa libre eh. Hehe.

Hindi namin kasama sina hendrix at andrie, may tatapusin daw kasi sila. Sayang nga eh, para naman makapag-bonding narin kami.

Napag-desisyon na nila nasa starbucks nalang. Aba! Mayaman. Haha! Pumupunta din ako dito minsan eh haha! Nag-order na kami.

Nagkwekwentuhan lang kami. Ang dami din namin napagkwentuhan, puro nakakatawa! Pasimuno si yael, haha! Mabait naman pala sila eh.

"Abbi, ikaw pala yung kapatid ni Luke anthony?" Biglang tanong ni yael.

"Uhm-oo, bakit?" Sagot ko.

"Kaya pala ang ganada mo.." Sabi nya na nakangiti sakin. Feeling ko namumula ako! Erase! Erase!

"Tama na'yan. Tara na guys?" Yaya ni kean. Wahh! Buti nalang nag-salita siya kundi aasarin nila ako kay yael. Ayaw ko nga!

Pumunta na kami sa parking lot, para bumalik ulit sa school. Nakisabay ako kay Gab, gab daw for short. Nang nakarating na kami, humunti kami sa may hallway.

"Thank you guys, sa pag-libre!" Sabi ni shayne.

"Salamat din sa time niyo! Bukas ulit?" Tanong ni Gab.

Sumang-ayon naman kami, humiwalay na sila samin dahil sa kabilang building yung next class nila. Umakyat na kami para sa klase namin.

Kaklase pala namin sina andrie at hendrix, kaya nagkita-kita rin kaming magkakaibigan sa wakas! Haha! Kinamusta nila yung pinakilala saamin ni shayne, sinabi rin namin na sina Gab, Yael, at Kean iyon. 

Dumating agad ang prof namin kaya pumunta kami sa kanya-kanyang upuan namin. Nako, baka magalit saamin at tanungin kung bakit nakatayo kami. Masungit pa naman yung prof namin.

[AN: Short Updateee. Haha! Sarrey bawi sa next chap. See you guys!]

My Happy Ending - ON HOLDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora