Chapter 16 (Part one)

106 2 2
                                    

Chapter 16

Friendly date

Friday na ngayon. Eto ang libreng araw para sa mga studyante ngayon dahil sa magandang ginawang program nung isang araw.

Dahil nagustuhan daw ng bisita ng campus, nung isang araw.

Kasama ko ngayon si coleen. Bumili kasi kami ng ice cream, sa labas. Napag-pasyahan naming maupo sa bench ng campus.

Tinignan ko ang paligid ang daming studyante na naka-dress o nakaporma. May pupuntahan ata.

"Abbi, mamaya aalis kami ni andrie. Sabi niya mag-dadate daw kami! Ikaw ba?" Nilingon ko siya, tignan mo nga naman parang parang baliw to nakangiti na abot hanggang tenga habang sinisimot ang ice cream niya. Tsk tsk.

"Sus. Baka uuwi nalang ako o kaya kakain nalang ako mag-isa sa labas. Nagugutom pa ako eh." Sabay hawak ko sa tiyan ko. Tumawa naman siya sa naging reaksyon ko, anong problema 'dun?

"Ang emo mo! Haha! Sorry kasi hindi kita masasamahan sa kabaliwan--" Nilingon ko siya dahil sa paghinto niya. Nagulat ako ng may magsalita sa harap ko.

"Abbi.." Sabay nilang sabi. Sina cyriel at kean? Bakit? Ano kailngan nila saakin? Nagkatinginan naman silang dalawa. Nagulat ako ng magsalita ulit si kean.

"Sige na, ikaw nalang." Mas nagulat ako ng tumalikod na siya at umalis. Tinignan ko si cyriel naka-ngisi lang siya sa kakaalis lang na si kean. Problema nila?

Hinihintay ko siyang magsalita. "Abbi, ano kasi.. P-pwede ba t-tayong lumabas? Tayong dalawa lang?" Kaming dalawa lang? Tinignan ko siya pero umiwas siya ng tingin.

Binigyan ko ng masamang tingin ang binulong ni coleen saakin. "Uyy! Date daw kayo! Haha! Sqbi na nga ba eh.." Humagikgik padin si coleen.

Tinignan ko ulit si cyriel. "Sige. Pwede uwi muna ako? Magpapalit ako ng damit?" Tumayo na ako ng hindi siya tinitignan. Nag-paalam na ako kay coleen at tinignan si cyriel at nakita ko na umaliwalas ang mukha niya.

Napangiti nalang ako at naglakad na kami papunta sa parking lot.

Nang malapit na kami sa kotse ni cyriel ay may naramdaman akong may nakatingin saamin. Lumingon ako sa likod, kumnot ang noo ko dahil wala namang tao.

Naprapraning na naman ako.

Pinagbuksan ako ng pinto ni cyriel. Nginitian ko siya bilang pasasalamat. Umikot na siya sa driver's seat at pinaandar na niya ang kotse.

*****

Nasa bahay na ako at nandito sa kwarto ko.

Para akong baliw dahil paikot-ikot lang ako sa walk-in closet ko. Hindi ko kasi alam kung anong susuotin ko, first time ko kasing makipag'friendly date' eh.

Sa paglilibot ko sa closet ko ay may nasuot nadin akong matino. Isang black cat dress.

Inayos ko ang buhok ko, naka-lugay lang ang mga ito at kinulot ko sa bandang dulo ng buhok.

Nagpapabango na ako ng bigalang nag-ring ang phone ko.

*Calling: CyrielJohn*

Kinuha ko muna ang ang bag ko at saka lumabas sa kwarto at sinagot ko nadin ang tawag ni cyriel.

"Hellooo?"

"Nandito na ako sa labas ng bahay niyo.."

"Ah. sige sige. Palabas na ako.." Then binaba kuna sayang ang load eh.

Nagpaalam na ako kay manang, buti hindi mahaba ang sinabi niya saakin ngayon.. Buti nalang.

Nang makalabas na ako ng gate namin ay tumambad agad saakin si cyriel sa nakangiti saakin. Ang cute niya naman ngayon kahit naka black na v-neck lang siya, nadadala niya.

Lumapit ako sakanya para makaalis na agad kami. "You're so beautiful.." Pagpupuri niya saakin. Nginitian ko lang siya bilang pasasalamat. At pinagbuksan na niya ako ng pinto. Umikot naman siya papunta sa driver seat, at pinaandar na niya ang kotse niya.

Habang nagdri-drive siya ako naman ay tumitingin sa bintana. 'San kaya kami pupunta o kakain?' tanong ko sa isipan ko. Nadaanan na namin lahat ng may magagandang restuarant pero patuloy padin siya sa pagdri-drive..

Hindi kami nagkibuan sa buong byahe. Ewan ko pero nahihiya ako. Nagulat ako ng huminto siya sa..

..Isang park? May mga bata, may mga teenagers o matatanda rin. Dito kami? 

Nagulat ako sa pagbukas niya ng pinto nakangiti padin siya. Hindi ba siya nagagawit manlang? 

Naglalakad kami papunta sa isang bench ng park. Umupo kami duon. Napatingin ulit ako sa damit ko. Parang hindi bagay dito, baka sabihi nila ang arte ko dahil nag-dress pa ako diba? Sana naman nainform ako..

Bumalik ako sa reyalidad ng mag-salita si cyriel. "Sandali lang ha? May bibilhin lang ako." Magsasalita sana ako ng bigla na siyang tumayo at pumunta sa isang tindahan ng mga fishball bayun? Tumayo nadin ako at sinundan siya. Nagulat siya sa pagusnod ko saknaya pero hindi katagalan ay ngumiti na naman siya saakin. Napangiti nalang din ako.

Tinitignan ko yung niluluto ng vendor. Hinid ko naman first time na kumain dito nakakin nako dito dati kasama si coleen pero matagal-tagal nadin yun..

Ilang minuto ay naluto nadin ito. Natawa ako ng ang dami palang binili nito'ng si cyriel. Tag-sampu ng kwek-kwek. Tag-lima namang fishball at kikiam. Tagdalawa kaming plastic cups.

"Nakakain kana ba nito? Ito yung kwek-kwek, masrap yan itlog pugo yan na binabaran ng harina. Tapos ito fishball at kikiam." Turo niya sa mga plastic cups niya. Alam ko naman yan, pero nakakatuwa kasi siyang tignan parang bata..

"Nakakain na ako niyan, pero matagal na kasama ko nun si coleen." Tinanguan niya lang ako at nginitian. Sumubo ako ng kwek-kwek. Ang sarap nga lalo na yung sauce medyo maanghang.

Kain lang kami ng kain. Bumili ri siya ng mineral water. Minsan nagkwekwentuhan kami, tumatawa na para bang walang taong nakapaligid saamin.

Nang matapos na kaming kumain ng street foods. Ay niyaya niya ako sa bandang sulok ng park. Nagulat ako ng biglang niyang tinakpan ang mga mata ko, bigla lumakas ang tibok ng puso ko. Ang bango niya..

"Uh, cyriel saan tayo pupunta?" Tanong ko sakanya. Nakatakip padin ang mga mata ko gamit ang kamay niya. Hindi siya sumasagot sa tanong ko.

Nang huminto siya ay huminto din ako at tinanggal na niya ang pagkakatakip sa mga mata ko. Mas lumakas ang tibok ng puso ko ng makita ang nasa harapan ko.

May table at upuan at may nakatakip sa mga plato duon, may juices pero walang wine? Hehe. May mga nakasabit na palamuti at lantern na nagsisilbing munting ilaw. Biglang akong napangiti sa ginawa niyang ito. 

Mas nagulat ako ng bigyan niya ako ng isang boquet ng red roses. Nginitian ko lang siya at mas lalong siyang napangiti.

Pinaupo niya ako sa isang upuan duon. At umupo naman siya sa tapat ko. Tinignan ko ulit ang mga ginawa niya. ang ganda.

"Nagustuhan mo ba?" Nilingon ko siya. Hindi padin umaalis ang mga ngiti niya sakanyang labi. Tinanguan ko lang siya at binigyan ng isang magandang ngiti. 

Nagsimula na kaming kumain. Natuwa ako ng isang baby backribs ang nasa plato ko. Alam niyang paborito ko ito?

"Nalaman ko'ng paborito mo yan kaya pinalito ko, ayos ba?" Nakangiti padin siya.

"Pinaghandaan mo talaga 'to no? Haha. Paano kung Hindi ako pumunta? Edi sayang 'to." Natatawa kong saabi sakanya.

"Hindi ito magiging sayang dahil alam ko namanng pupunta ka. Alam ko 'yun." Nagulat ako sa pagiging seryeso niya sa sinabi ko. Sigurado talaga siya ha? Haha.

Nagsimula na kaming kumain. Buti hindi kami banda duon sa madaning tao. Nakakahiya yun siguro..

Pero ang saya-saya ko ngayon..

My Happy Ending - ON HOLDWhere stories live. Discover now