The Psychopath

495 11 3
                                    

Halos matapilok ako, sa 4 inches ba naman na takong ko eh, dahil naabutan kong papasok sa gate ang isang lalake.




Napakaitim nang buhok niya na umaabot sa kanyang kilay pakanan. Ganoon rin ang ang mga mata niyang animo'y bored na bored sa mundong to.



Nakahawak siya sa strap nang shoulder bag niya at nasa tagiliran lang ang isa niya pang braso. Halatang matamlay ang mga balikat niya.



Napalunok pa ko nung gumalaw ang ilang hibla nang buhok niya dahil sa ihip nang hangin.



At nakalimutan ko yatang huminga dahil para bang naglalakad siya patungo sa direksyon ko.



Ang puti puti niya lalo dahil sa suot niyang kulay itim na v-cut at faded na jeans.



Mukha siyang manika dahil wala man lang kaemo-emosyon ang mukha niya at isabay mo pa ang manipis niyang labi na medyo nakaawang.



Oh Lawrence Val Falcon, bakit ganyan ka?! Walang ganyan!!!!!!!




Di ko akalain ang sunod niyang ginawa.




Mukhang tumigil ang mundo or nagslow motion lang ata nung magtama ang aming mga mata.




Inang yan, bakit siya tumingin sakin?!



Nagpatuloy lang siya sa paglalakad, na feeling niya eh hindi tumatakbo ang oras.



"Miss Elaine."




Nanlaki ang mga mata ko sa pagkakabanggit niya nang pangalan ko. Nagtatatalon naman ang puso ko sa kilig. Waaaah Miss Elaine daw?!!! Woooah my gaaaaaaash.



"Hey."



"H-ha?! Ah wha-yes?"



"I said your handkerchief."



Naguluhan naman ako. Nawala na sa wisyo ang lola niyo. The heck! Si crush kinakausap ako!!!



"M-my what?"



Napansin ko ang pinapoker pa niya lalong mata.



"You dropped your handkerchief."




"E-eh? Panyo ko? Ha uhh.. S-saan?" Natataranta ko namang tanong. Kaya ikinabuntong hininga niya to.



"Here." Napatingin ako sa kamay niya na mukhang kanina pa inaabot sakin. T*ngina?! N-nakakahiya ituuuuuuuu!!!



"O-oh! Sorry!" Kinuha ko agad ang panyo ko na medyo may hiya. Pakshets this. "Thanks Law!"



"It's alright. Would you mind?"



"T-the what?!" Anong would you mind?! P*cha bakit inglesero ang bebe ko! Kingina, baka kanina pa niya ako inaayang makipagdate?! Tinanong niya siguro ako if I would mind dating him? Shets! Oo naman op kors baby! Sa ganda ko ba namang to ano?!




"I said you're blocking the hallway. So will you please excuse me now?"



"B-blocking?" Tinignan ko ang paligid. Nasaan ba ako? Nandito ako sa makitid na hallway. P*cha nakaharang ako! Ilang beses pa akong mapapahiya sa harap niya hah Elaine?! "Ha uh.. Yes! My gad, yes of course. I'm sorry hehe!" Mabilis akong tumabi para makadaan ang aking mahal na prinsipe.



"It's okay. Bye, see you around." After niya sabihin yun, nilagpasan niya lang ako at sinundan ko lang siya nang tingin.




Para akong tangang nakanganga sa palayo niyang pigura.



P*takteng yan.




See you around daw!!! See. You. Around! Magkita daw tayo! MAGKITA DAW KAMI!



T*ngina naman talaga waaaaaah!!!



Halos kainin ko na ang panyo ko sa sobrang kilig. At hindi ako makapagpigil, nagtatatalon ako at doon na ako natapilok.



"T*ngina!"



Haaaay.




Pero di ko yun alintana. Bakit ba.



Haaay Elaine Joy Nungay.



My Psychotic CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon