Commitment

81 3 3
                                    

What have I done?!

Napapikit ako nang madiin, pagkatapos nang nangyari. Pagkatapos ako iwan ni Cassa dito at pumunta na sa kwarto.

What the f*ck?

“F*ck!” Halos mapatalon ako nang paglingon ko ay nandito na si Elaine at umiinom nang tubig. “What the h*ll?! Kanina ka pa dyan?”

“Wag ka mag alala. Kanina pa ako nandito.”

“What?!!”

“Medyo nag enjoy ako sa napanood ko ha.”

“Are you kidding me?!”

Natawa naman siya sa bulalas ko. What the eff?!

“Fine. Sorry, malay ko na naglalaplapan kayo dito diba. Iinom lang sana ako nang tubig eh.” Patawa tawa niya pang explain.

“What the h*ll.” Sabi ko na lang. Giving up on this f*cking b*tch. Nag cross arms na lang ako at tumingin sa maliit na bintana nang kusina.

“So… I’m curious Mr. Loverboy..” sabi niya with her silky voice. Nakakadiri.

“Wag kang chismosa” nagkaka migraine ako lalo dito sa babaeng to. Dumagdag pa sa problema ko.

Tumawa na naman siya at medyo tumabi sakin. Tngina.

“Ano ka ba. Di naman ako maingay sa mga GANYANG BAGAY. Except kung madamot sa kwento?”

Tinignan ko siya nang masama at siya naman nakangisi lang habang hawak ang baso.

“Wala akong pake kung ipagkalat mo , okay.”

“Oh no my dear! Hindi ako ganung klse nang nilalang!”

Inirapan ko siya, tuwang tuwa siya sa nangyayari. Tuwang tuwa siya na may nakita at nalaman samin.

“Alam mo nakakainis ka pala na klase nang nilalang.” Sabi ko at binalak pumunta sa salas. Tumawa lang siya nang mahina sa sinabi ko.

Naupo ako sa sofa at hindi ko tinitignan ang mapang asar niyang mukha, bakit ko ba pinatuloy ang babaeng yan dito.
“One thing Ranmaru, bakit ka isang malaking jerk?”

Napataas ang isang kilay ko dun.

“Eh bakit mas magaling ka pa sakin ?”

Natawa na naman siya nang mahina, at nakadekwatro siya sa kabilang sofa.

Wao, parang hindi dis oras na prenteng naguusap kami ngayon sa walang sense na topic. Busit na babae to.
“Haaay di naman sa nagingialam ako ah pero si Ranmaru Black na pinag kakaguluhan nang babae sa campus kasama na ang kanyang bestfriend na isa niya ring pinapaasa.”
Parang feeling ko may puputok na ugat sa noo ko sa mga pinagsasabi niya.

“Wala akong pinapaasa. You f*cking judgemental b*tch.”

“WAO!! HAHAHA--- oops sorry. Baka marinig ako ni gorg Cassa.”

“What do you want?” diin kong tanong sa kanya. Namumuro na to. Bibigwasan ko na ang isang to talaga.

“Wala naman, nagtataka lang ako bakit may kissing portion, di naman kayo magjowa? Sabi nga nila, not bf not gf, why kiss?”

Napangiwi ako sa sinabi niya. Juskopo, fan din ba siya nung nerd na student council namin ngayon na si Dace? Dace baliw.

“Oh wait! Di ako fan ni Dace ha! My loyalty is to Law only, okay!” Malapad niya lang na ngiti.

Enjoy na enjoy ang gaga sa pang iintriga sakin. Leche.

“Parang feeling ko mas makakatulong si Dace sa problema mo kay Law ano? Since nasa student council ka rin naman, mababang posisiyon nga lang, staff ka ba right? Ano nga uli?” pang aasar ko na tanong sa kanya.

AT finally, bumusangot na ang mukha niya. Nawala din yung pangisi ngisi niyang hitsura.

“I’m not, you stupid jerk! Isa akong journalist, I’m in media idiot! At fyi, kung close ko si Dace, matagal na akong lumapit sa kanya at hindi sayo! “

“Therefore, low ranking ka. Pinahaba mo pa MISS ELAINE.”

“Nakakainis ka.” Ngumuso siya at nag cross arm na lang.

And natapos din ang asaran naming parang tanga lang.

“But you are right, pwede tayo humingi nang tulong sa student council, sa pagkakakilala ko kay Dace, maaasahan talaga siya. Pero wala sa hitsura lang, palagi siyang nagbibiro sa lahat nang bagay.”

Naging komportable na ang pagkakaupo ko dito sa sofa dahil naiba na din ang topic , sa wakas.

Natapos din ang hot seat kuno nang busit na babae na to.

At paano bang napunta kina Dace ang usapan?

“Ang gagawin nila, alam mo? Huhulihin nila si Law at dadalhin sa mental, after niyang mag stalk sakin, kay Annie.”

“Ano?”

Doon na sumeryoso ang mukha ni Elaine.

Naikwento ko na sa kanya kung bakit pumunta dito sa bahay si Annie pero ang tungkol sa stalker na weird ay di ko pa nasasabi.

Ang kutob ko ay si Lawrence yun. Di ko alam pero parang siya .

Sa tindig niya. Tangkad.

Siyang siya yun.
“Annie saw a man outside looking intently on her.”

“What? Ano ang hitsura niya?”

Tanga.

“What do you think? Sa tingin mo tatayo siya dun para makilala ni Annie?”

“F*ck you. I mean, nakamaskara ba siya or what?”

“Nakahood siya. The guard also notice him wandering around.”

“Bakit hindi pa hinuli nang guard?”

“Walang ginagawa ang tao bakit mo huhulihin?”

“Kahit na, that’s suspicious already!”

“I know, sinabihan ko na yung guard dyan.”

May sinabi si Elaine at di ko naintindihan dahil may narinig akong pintuan na bumukas.

Tumayo naman ako agad at tinignan ang kwarto kung nasaan si Cassa.

Pero wala namang lumabas na kahit sino.

Hanggang sa may maaninag akong tao. Si yaya…


“Oh boy…”

Bigla ako bumalik sa ulirat, at napalingon kaagad kay Elaine.

Paranf nagingit ang tainga ko.

“Calm your *sses down. Matitira mo din si Cassa someday. Kapag JOWA mo na siya.”

Parang lahat nang dugo ko pumunta sa pagmumukha dahil sa sinabi nang babaeng to.

“W-w-what are you talking about?! Y-y-you are so--- that’s not it!!! Bastos”

“Uyyy, pa innocent type siya oh. Wag nga ako Ranma hahahhaha”

Nag aaalala lang naman ako baka may nakapasok samin. Nakapasok yung stalker or weirdong psychpath na nakaharap nila kanina.
Siguro kailangan ko magbantay hanggang mag umaga…

“O kaya naman tabihan mo na lang ano? Since di ka na makapagsalita?”

Oh shit. Nawala na naman sa isip ko si Elaine. Napangiwi ako at hinarap siya.

“Sa school na tayo mag usap. Kailangan na natin matulog , magpahinga sa mga kaweirduhang to.”


Yes. Sinira niya ang peaceful mind ko especially yung ginawa namin ni Cassa.

Paulit ulit siya sa utak ko.

Panay rewind.

Sirang plaka.

Pero gusto ko naman na palagi naiisip.

Ptngina !! Come back to your senses, f*cking idiot Ran.
“Alright. Ngayong paranoid ka dahil di mo naikama si Cas---”

“Hey stop you’re dirty f*cking mouth!”

Tumawa lang siya. At tumayo sa kinauupuan niya. Pinabayaan yung baso sa mesa.

“Advice lang Ranmaru, hindi yan healthy. Napaka toxic niyan!”

“Advice ba yan ha o warning? Itulog mo na yan, nawala na totally ang brains mo.” Pokerface ko na lang na sabi sa kanya.

“Toxic like a drugs. Nakakamatay pag nasobrahan dude. Kung ako sayo, gawan mo na yan nang tuldok hmm.”

“Oo gaya mo, nakakamatay ang kakulitan. F*cking night to you.”

“Good night din loverboy. Sayang hindi mo na f*ck , di mo kasi jowa hahahha.”

Kinuha ko yung unan sa sofa at tumakbo naman siya agad palayo sakin kaya di ko na natuloy yung pagbato nito sa kanya. Wengya.

Tinignan ko muli ang kwarto ko.

Nakaramdam na din ako sa wakas nang antok.

What a night.

DI ko kaya tuldukan Elaine…

Binuksan ko ang pinto nang kwarto ko at nakita si Cassa na natutulog na.

Ngumiti ako sa mukha niyang maamo kapag tulog pero pag gising akala mo lagi mananapak o makikipag cat fight.

Ngumiti ako nang mapait.

Hindi niya lang alam na mas takot ako sa kanya.

Mas takot ako sa kaya niyang gawin..

AT ayokong masira ang lahat. Ayokong maguho ako. Ayokong mawasak ako at di ko kayanin.

SA pamilya ko pa lang halos di ko na makaya.

Paano pa kung si Cassa pa?

How selfish, right?

So selfish.

And like a jerk, I still choose myself.

Ngumiti ako nang mapait.

Hindi pwede maging akin siya…









My Psychotic CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon