Doom

39 3 2
                                    

"T-they can't be cured?" Napansin ko ang panginginig nang boses ko nung tanungin ko si Ran.

"Yes. PERO, I doubt, legit na psychopath si Law, iba ang mentally illed sa personality disorder. Di natin malalaman talaga kung di siya dadalhin sa doctor, Elaine." Paliwanag niya.

Nandito kami ngayon sa oval. Hapon na at wala na gaanong tao.

Malawak naman ang space dito. Nakatambay kami sa isa sa mga waiting shade na may cement table. Pinili namin ay ang pinaka sulok.

"Psychopaths are not crazy, they are.. monsters.."

Papaanong monsters? Sa mukha niyang yun, monster siya?

"So ano? Pababayaan natin siya ganun ba?!"

"Wait, wag ka nga muna mag jump to conclusions."
"Eh kasi naman kinakabahan ako sa sinasabi mo!!"

"Ang psychopaths ay biological."

What?? Pota, namamana pa yun?! Oh shit, magiging psycho mga anak namin ni Law pala pag nagkataon ?! Oh my ghad , di ko kinakaya.

"My ghaaaad Ranmaru, my brains can't take what you're telling me"

"Obviously, wala ka naman kasing brains."

"WHAAAAAT!!!"

"Ok back to Lawrence, their psychopatic natures can be triggered depende sa environment kung saan sila galing."

"Ano? What you mean is, may activation na nagaganap sa kanilang mga sarili?"

Napa face palm nang wala sa oras si Ranmaru.

WHY?! ANONG MALI SA SINASABI KO?
EH yun yung pagkakaintindi ko eh!

"Pwede ba Elaine, stop being stupid!"

"Seriously! Ranmaru, saan mo ba napupulot yan?"
"Duh. Wag mo nang itanong pwede? Google?"

Feeling ko si Ranmaru ang tunay na psychopath sa pagiging hard at walang konsensya sa pagiging sarcastic nya lage.

"Google?! Napaka cheap mo naman, wala ka ba man lang dyan na kilalang psychologist?"

"Shut up Elaine! Naiirita na ako as in! Like what I'm saying, not all psycho is criminals or murderers. Marami sa america because of their violence towards people, para bang nahawa sila sa mga ganung bagay. Masyadong expose sa brutal na mundo at internet. They adapt it."

What in the world?

"so you mean para siyang batang walang muwang at naiimpluwensyahan kung sino ang mauna? What the fck? I'm going to have a headache!"

"Baliw ka ba? Bakit kasi ini stress mo yung sarili mo? Di pa naman tayo sure, and I'm his friend, psycho don't love or care, maaaring fake ang pakikisama niya sakin. Or hindi talaga sya psychopath, mentally-ill-ed lang siya at pwede natin dalhin sa mga pyschiatrist."

"What if, he's a psycho and he is using you?"

Mga ilang seconds na napahinto si Ranmaru at nakatingin lamang sakin.

Halata sa mukha niya na natatakot din siya. At maging ako rin. Hindi namin alam kung anong gagawin , kung saan lalapit at anong pwedeng mangyari sa mga susunod na araw.

KUlay kahel na ang langit dahil sa papalubog na araw. Kasing lungkot nang kulay ang nararamdaman namin.

Psycho man si Law o baliw, it's a one thing na hindi siya okay.
May mali sa kanya.
Lalo na nung ginawa niya nang gabing yun.

It really hurts me so much, na kaya niyang pumatay, given na may knife na siyang dala.

Di ko napansin ang tumulong luha sa aking mga mata.

My Psychotic CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon