Lancelot

16 3 2
                                    

Mod
(Flashback)

Lumaki akong walang tatay. Iniwan kami nung pinanganak ako.
May kaya naman kami, napag aaral ako ni mama, nakakayanan niya ang pagiging single mom.

Mahal na mahal ko siya.
Kami na lang naman ang nagtutulungan at magkasama sa buhay.

Pero ang pinakamahirap na nangyari samin ay ang pagsasara nang kumpanya na pinagtratrabahuhan ni mama.

Hindi kaagad nakahanap nang trabaho si mama at binalaan na kami nang landlady na palayasin sa nirerentahan namin.

“Des, ok ka lang?” Bumalik ako sa sarili ko nang marinig ko ang boses ni Kim.
“Ha?”
“panay tulala ka , ano problema ?” nagaaalala na sabi niya sakin.
“Ahh..”hinawi ko ang buhok ko, iniisip kung sasabihin ko ba sa kanya.

WAla ngayon si Lawrence, ilang linggo na, sa twing pupunta naman kami sa mansyon nila, lagi sinasabi na wala siya, o kung may appointment kami. Wengya.

“Wala. Medyo gipit lang kami, nawalan nang work si mama ehh.”
“Wehh? Shucks. So saan kayo naghahanap ngayon nang pang araw araw?”
“Nag parttime naman ako.. may kaunting ipon naman si mama habang wala pa.. di ko na nga rin alam Kim..”

PAubos na ang savings ni mama.
Since overage na si mama, nahihirapan na siya makahanap nang pag applyan, hindi naman siya nasa managerial o supervisor na level kaya wala siyang makita na pupwede sa kanya na rank in file.

“HANGGANG LINGGO NA LANG KAYO DITO, HANGGANG WALA KAYONG NAIBABAYAD, PASENSYA NA , “ sigaw samin nang landlady. Nagmakaawa pa si mama na bigyan pa kami nang isang buwan na palugit pero masyado na daw mahaba ang binigay niya para samin.


Bininilang ni mama ang pera na meron kami. At sa kakapiranggot na naibibigay ko, hindi na din ako pumasok para wala nang gastos pa.

Hindi kami umalis kahit pinapalayas na kami nang landlady. Uma umaga ata ay puro sigaw at mura na ang natatanggap namin.

PIlit akong naghanap na dagdag na parttime para mabigyan lang kalahating bayad ang nirerentahan namin, kaya nakahirit pa kami nang ekstensyon na mamalagi pero hindi maaaring ganito…

Gusto ko nang maiyak at sumigaw sa kaawa awa naming sitwasyon.
Tinanggal na nang mama ko ang hiya at humingi naang tulong sa mga magulang niya at mga kamag anak.
Pero di pa din sapat ang pindala para sa renta at pang araw araw.


“We are looking for maids .. “ rinig ko na sabi nang lalakeng mistiso pagkatapos ko ilagay ang mga orders nila.
“O ang dami dami naman dyang pwede makuha ah?” sagot naman nang kaibigan niya.
“Eh trauma na nga si mommy kasi ninakawan siya nang mga alahas at tinakasan nang katulong, naninigurado na siya sa kukuhain niya, masyado na nga siyang choosy kuno. Actually.. tambak na ang gawaing bahay…”  reklamo naman niya.

“Diba , titira naman sa inyo yung katulong?”
“Malamang bro? We really need it, since lagi wala si mommy , walang naghuhugas nang plato at labahan. Napilitan na nga ako maghugas nang plato ehhh..”

“Really?! Hahahaaha.”

Iniwan ko na sila at nagkainteres sa sinasabi niya.
Mukhang ok naman yung lalake, mayaman talaga.

Kaya nung makalabas ang lalake sa resto na pinagtratrabahuhan ko, hinabol ko siya para itanong yun.

“Uhm.. you serious?” pag aalinlangan nang lalake.
“Ah opo.. p-paano po ba?”nahihiya kong tanong sa kanya.

“Sige. Here.”binigyan niya ako nang calling card. “dala kayo nang govt docs., saka resume na lang tomorrow. Just tell them you have an appointment with me. My name is Eren Lancelot.” At nginitian niya ako.
“O-ok, t-thank you po.”

“Sige.” Paalam niya at sumakay na sa dala niyang sasakyan.


Humanga kami ni mama sa laki nang bahay nang nakausap ko. Hindi biro ang pamilya na to.

Ayaw pa ni mama talaga, baka daw imaltrato kami or what. Pero no choice kami, at wag naman sana mangyari ang ganun..
Sa ngayon, nakikita kong mabait yung lalake, at hindi mayabang o ano pa man.
Dinasal ko na sana maging ok ang lahat. At makapagsimula kami..

Kahit napakasakit sa pride na mangatulong kaysa tumira kami sa kalsada at wala nang makain.. mas ok na din to.. titiiisin namin, makakaya din namin makabangon..

Ininterview kami ni Mrs. Lancelot. Napakaelegante niyang babae, napakaganda. Kahanga hanga kausap.

Nung una, marami silang mga babala at banta na kesyo gawin namin to o kesyo yan. Tinitiyak nilang makukulong kami.
Natakot kami sa mga sinabi niya, pero nag oo na lang kami.

Hindi naman kami ganung klase nang tao para manloko at magnakaw.
Gusto lang namin ay may matuluyan dahil di na namin makayanan ang landlady na yun na laging kutya ang naririnig namin..


Nanatili na nga kami at hindi inasahang mababait nga sila at napakasayang pamilya.
Kahit wala palagi ang mag asawang Lancelot, hindi nila hinahayaan na mapabayaan ang dalawa nilang anak na hindi magkadugo.

SInabi na rin samin na anak nila ang mga ito sa dating karelasyon nila. Pero pangarap pa din naman nila na magkaroon nang anak nila na sila ang nanay at tatay biologically.

MAganda at medyi boyish si Annie Lancelot kaya nakakasundo namin siya ni Eren.
Naging close ko naman ang amo ko na si Eren dahil di niya naman ako tinuring na katulong. Tinuring niya ako na kaedaran niya lang at tinuring niya si mama na nanay niya.

DAhil wala palagi si Mrs. Lancelot, nahanap nila ang pagiging temporary na nanay kay mama.

Para ko silang naging kapatid.

“Pupuntahan ko lang po sa bahay nila sila Lawrence, mama.”
“pero gabi naman na masyado nak? Bakit ganitong oras ka pupunta?”
“Sabi kasi nang mga bantay , ganitong oras daw available si Lawrence, umuwi daw sya nang province at umuuwi paminsan minsan sa bahay nila..”
“Ano? Ilang araw na ba absent ang bata na yan?”

“Mag isang buwan na po mama ehh. “ malungkot ko lang na sabi. Namimiss ko na nga ang mokong na yun. At mababaliw na sa pagaaalala ang girlfriend niya. Nakakapagtaka pa din na hindi siya nagpaalam.
“Ganun ba. O sige, magtext ka pag uuwi ka na ha. Ingat ka sa daan.”
“Opo ma.”

AT doon na nagulo ang tahimik kong buhay..

My Psychotic CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon