Student Council President

25 2 0
                                    

Your dream is my dream. Charot!

Nagulat ako sa babaeng pulubi na fullpack ang make up.

Kumunot ang noo ko, paanong nakapagayos siya?? Eh di may nag aalaga sa kanya?

Habang nagtataka ako at balak ko na kausapin ang pulubi, may bigla bumangga sakin nang pagkalakas lakas.

Muntik ko na malaglag ang bag ko sa sobrang lakas.

“WOAH!!!!” gulat na gulat ko naman na tinignan ang taong nambangga, isa itong lalake na parang napuyat nang 1 week at kasama niya si Hilda.

“Pres…”

“UYYYY HILDAAAAA!!!” masaya akong makita ang kaibigan ko at kumaway kaway pa ako sa kanya. Nag ismid naman siya sakin.

“Huuuuh?? Sino ang abnormal na to babe?”

Wow!!! Grabe naman siya manlait sakin?! Sino kaya yung mas mukhang abnormal saming dalawa?!

“Wala. Schoolmate ko lang. “ sabi ni Hilda. Mapungay din ang mata niya at may naamoy ako sa kanya na di kaaya aya.

“Ugh! San ka ba galing Hilda? Nag inom ka? Tapos umagang umaga? Di ka na naman ba papasok?”

“Hoy bubuwit! Pwede ba inaantok na ako, napakadami mong daldal, may pupuntahan pa kami ni Hilda! Kung papasok ka , pumasok ka na, OK?!” badtrip naman sabi nang lalake.

Shet!!! Highblood agad?! Akala niya ba , hindi nakaka highblood ang hitsura niya ngayon?!

“Sige pres., mauna na kami.”

“Aish, bago mong boyfriend? Ano---”
“Later Dace, pwede?” pinutol niya ang tanong ko at Sinamaan ako nang tingin . Ngumuso na lang ako at hinayaan na sila na pagewang gewang na naglalakad.

Haay yuck. Mga lasenggero.

Okay! Back to you, beggar girl!

Kakausapin ko na sana ang babae pero laking gulat ko na makita si Mod!!!

OH my ghad, artista wahahhaha. Chos.

“YOOOOO MOD! WAZZZUP HERE!”

Lumingon siya sakin at ako naman ay lumapit sa kanya.

Nanlaki ang mata niya. “D-Dace?”

“Yeah!!! Anong ginagawa mo dito? Bandang dito ka na ba nakatira?”

“Haa? Uhm, m-may b-binista lang ako d-dito..”

“Ah ganun ba? Kilala mo ba si Hilda?”

“Haaa???” gulat na gulat naman siya nung tinanong ko yun.

Bingo.

“Ah kasi kakaalis lang niya ehhh, kasama yung jowaers niya, so, magkasama ba kayo?”

“H-hindi!! Papanong—kasama niya diba jowa niya. Uhm di niya ako kilala.”

“Ah ganun ba, hmmm. Ok ka lang ba?”

“A-ako?”

Hindi, yung puno siguro Mod.

“Uhm. Ok lang naman.”

“Ahhhh, namumutla ka kasi, may nangyari ba?”

“W-wala, ano bang sinasabi mo, sige una na ako haa.”

“Okay! Ingat!”

Nakalayo na siya at nakalimutan ko pang magpa autograph. Haaays.

Nagpamulsa ako at ngumiti.

Nawalan na ako nang interes sa buhay nang pulubi.

AT inisip kung anong ginagawa ni Mod sa lugar na to na liblib…

My Psychotic CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon