Kimberly Faustino

39 1 0
                                    

Nakatayo at nakatingin pa din ako sa pinto kung saan pinaalis ko ang isang kaibigan.

Bestfriends ko sila nung high school kami.

Nagkaaminan kami nang feelings ni Lawrence, niligawan niya ako at sinagot ko naman siya after 3 months.

Ganun pa rin naman ang turingan naming tatlo pero pagtungtong namin nang 3rd year high school.

Nagiging madalas ang pag absent ni Lawrence.
Nagtataka na kami ni Des kung bakit ilang araw nawawala sa klase si Lawrence pero sinasabi niya lang na may sakit siya at may family matter.

Habang nagkakaganun naman si Lawrence, gipit ang pamilya ni Des sa pera hanggang sa dumating sa point na pinalayas sila sa pinag rerentahan nilang bahay.

Uwian na nun, at nakita ko si Des na naghihintay sa tapat nang gate kaya agad ko siyang nilapitan.

Ang laki nang eyebags niya at mukha siyang pagod.
At nangangayayat pa siya.

“K-kamusta Des? Nakahanap na ba kayo nang mama mo nang tutuluyan?”

“Oo Kim, nangatulong kami, pinatuloy kami sa may *****subdivision, mukhang mabait naman ang mga amo namin..” sabi niya lang na may ngiti.

Nginitian ko lang din siya. Masakit malaman na nahihirapan si Des ngayon financially, nakakainis na wala man lang ako na maitulong sa kanila.

Kahit parents ko ayaw nila na kaibigan ko sila.

But they are the people that made me feel that I can trust..

“Si Rence, pumasok na ba siya?”

NApahigpit ako sa strap nang bag ko, at umiling sa kanya.

“Wala siyang text o tawag. Nag aalala na ako sa kanya Des..”

Sinubukan namin puntahan siya sa kanyang bahay. Pero sabi nang mga katulong nila, pumunta daw ito sa probinsya, may emergency lang daw ang pamilya, babalik naman daw kaagad.

NAlungkot naman ako dun dahil di man lang siya nagpaalam.

“Alam mo Kim, malakas ang kutob ko na may problema si Lawrence sa family niya. Nagpapaalam yun kapag di siya makakapasok. Aabangan ko siya sa bahay nila.”

Napatingala ako sa kanya. “s-sasama ako sayo Des.”

“Hindi ka papayagan nang parents mo saka delikado, baka gabihin tayo. “
“Sure ka ba dyan? Eh kung hintayin na lang natin pumasok si Rence..”

Pero pinilit pa rin niya.
Hindi ako makatulog nang maayos nung gabing yun. Wala ring balita mula kay Des kung nagkita ba sila o ano.

Kinabukasan pumasok na si Lawrence na lubos kong ikinatuwa. Sinabi lang sakin ni Des na talagang galing siya sa probinsya at may inasikaso.

Nag date kami nun para daw makabawi siya sa mga araw na wala ako.

“Rence, bakit naman nagkapasa ka sa braso mo? Sabi ko sayo maging maingat ka dahil ang clumsy mo pa naman.”

NGumiti naman siya at hinawi ang buhok ko at inipit sa aking tenga. “Opo, sorry na po baby.”

Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit. Tinignan ko lamang siya at hinangaan ang maganda niyang ngiti at ang maiitim niyang mata at buhok.
Niyakap ko naman siya sa baywang at hinilig ang ulo ko sa kanyang dibdib. “Namiss kita nang sobra, akala ko di ka na magpapakita. Ang daya mo naman kasi, wala ka man lang text o tawag. Pakiramdam ko nakalimutan mo na ako.”

Hinaplos niya ang ulo ko at ginantihan ang yakap ko. “Ikaw lagi ang nasa isip ko dahil kailangan….”

“Hmm?”
“Di ko kaya mawala ka..”
“Me too.” Masaya ko lang na sabi sa kanya.

My Psychotic CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon