How to Save a Lunatic

46 1 4
                                    

MOD POV


“Hanggang ngayon di pa rin malaman kung sino yung tao na yun na pagala gala sa sub ni Ranmaru at ang pagsunod niya sakin sa bahay.”

Kasama ko si Annie sa benches nang makita ko siya at vacant time pa niya. Maraming napapalingon sa side namin ngunit agad na iiwas dahil sa babaeng kaharap ko.

Sikat daw siya sa pagiging siga.

Just wow, ang sweet kaya niya tignan. Talagang di pa din nagbabago ang isang to, mambububogbog siya pag kailangan.

Kaya nagulat ako dahil halos mahimatay daw siya nang makita ang lalakeng naka hoodie.

Takot daw kasi siya pag horror. Meh…


“Hmm, bakit ka ba curios Mod? “

Binuksan niya ang burger na kanina niya pa hawak.

Hindi niya alam kung tama bang paghinalaan niyang ang lalakeng yun ay si Lawrence.. alam niya kasi na noon palang may mali na sa tao na yun, noong matalik pa silang magkaibigan.

“Wala mema lang..” sabay kagat sa burger niya.

Halos mabuga niya ang kinagat nang sipain siya sa binti ni Annie. Naka heels pa man din to.

“ANNIE!!! ARGH, ANAK NANG---”
“Anak nang ano ha? ANO?”

Tngina. Hinawakan ko ang part kung saan niya sinipa. Baliw to!! Magkakapasa to, alam niyang model ako. Tapos?!

“Ano ka ba?! Why so violent! Nakakainis ka naman, ang sakit sakit Gah!!!” inis na inis ko na sabi.

“Ehhh, kita mo nang muntik na ako mapahamak?! Pagkatapos, trip mo lang na itanong yun? Alam mo, lumayas ka sa harapan ko!” nag cross arms siya.

Napangiwi ako sa attitude ni Annie.

“Bwisit. Pagbabayaran mo kapag naging pasa yan!” padabog kung kinagat ang burger ko.

“Alis Modesto! Alis!”

Dinedma ko lang siya at sinipsip ang coke na natunaw na ata ang yelo dahil medyo tumabang na.

“Ano bang gusto mo? Sabihin ko na ingat ka, or nag aaalala lang naman ako sayo ehh. Ganun? Nakakapanindig balahibo Annie..”

HInampas niya ang kamay niya sa lamesa. Nanlaki ang mga mata ko sa kanya . Natakot ako bigla.

Feeling ko mamamatay ako pag nagtagal dito.

Pilit akong ngumiti at umaktong paalis na. “ha. Ha. Si Annie naman, hindi mabiro hehehe.”
“I hate you so much! Minsan ka na nga lang makausap, naninira ka pa nang araw!”

Nawala na ang panic ko, mukhang di na siya mananapak.

Ang oa din neto minsan ehh.

“Sorry---”

Nang may humampas na naman ule nang mesa.
Magkakasakit ako sa puso sa magkapatid na to.
Bakit ba ako nag end up na maging kaibigan ang dalawang abnormal na to.

“INAABALA MO NA NAMAN BA SI ANNIE HA?? MO.DES. TO?”

“GAAAAHHHH!!! I SAID STOP CALLING ME THAT!!!”

“Hahaha no Eren, wala namang ginagawa si Mod, nagkwekwentuhan lang kami.” Sweet na ngiti ni Annie. Wao. Bipolar lang teh


“Aish, ewan ko sa inyo..”

Tumabi naman si Eren sa kapatid niya. “Oh wala kang shooting or what ngayon ha?”

Bago pa ako makasagot , nag ring ang phone ni Annie. “u-uhm, m-mauna na muna ako sa inyo ha, may pupuntahan ako.”

“Saan?” pag uusisa nang kapatid.
“Kay Ranmaru..”
“RANMARU?!!ANAK NANG TINAPA NAMAN ANNIE? NAG DADATE NA BA KAYO NUN?”

NAnahimik lang ako, at kinakain ang pagkain ko. Sinong Ranmaru ba yan.

“Kuya, wala ngang namamagitan samin! Hindi ko siya type! Saka wala kang pake sa lovelife ko!” sabi niya at agad kaming iniwan.

“AY SHEET , ANNIE!! DI PA AKO TAPOS KAUSAPIN KA! KAKAINIS.” Sigaw pa ni Eren.

“Ayy anong meron.” Kunwari kong pang uusisa. Pero sa iba lumilipad ang utak ko.

“Ang hayup na Ranmaru, nagstay si Annie dun hanggang madaling araw! Pagkatapos biglang may stalker siya na sinundan siya hanggang bahay. “

NAkuha naman nito ang atensyon ko.

“Anong sinundan sa bahay?”

“Yun yung kinuwento ko sayo na kahina hinalang lalake tapos nakita kitang nag jojogging, na akala ko ikaw kasi naka hoodie ka din. Hindi ba sayo nasabi ni Annie?”

Masama na ang kutob ko talaga dyan sa sinasabi nila Eren na lalakeng naka hoodie.

“Eh sino pala yung Ranmaru?”

“Tch, isang snobber! Basta kumukulo dugo ko sa kanya, kaibigan siya ni Cassandra.”

“Ah boyfriend,, kaya pala..” tamang hinala ko lang na sabi sabay higop sa coke na walang lasa.

“Hindi niya pa boyfriend!!! Kaibigan lang ! Kaibigan!”
“Fine.” Type na type niya kasi yung Cassandra. Follower pa ang mokong.

“Gusto ko nga sya kausapin dahil sabi ni Annie, galing daw sa sub ni Ranmaru ang tao na yun. Fck those stalkers na talagang mananakot nang ganun!”

“tara kausapin natin. “wala ko sa sarili na sabi. Bakit ganito ang kutob ko. Kailangan ko makausap si Kimberly. Sa tingin ko may alam siya.


“Ano?! For what? Wag ka nga tsismoso!”
“Di ako tsismoso! Concern lang ako kay Annie, sa inyo nuh. Mamaya kriminal pala yun..” o baka si Lawrence yun..

“Whatever… oh speaking of the devil! Kasama niya si Ranmaru talaga?!”

Napatingin samin si Annie, pero nagsenyas lang siya kay Eren na wag na lumapit. Pero tumayo pa din si Eren.

“Cut it out Eren, hayaan mo magka jowa ang kapatid mo, ayaw mo nun, masosolo mo na si Cassandra, diba sabi mo lagi magkadikit sila nang lalake na yan.”

“No way! Ayaw ko para sa kanya ang Ranmaru na yan!”
Tinignan ko sila Annie pero laking gulat ko sa nakita.
Tuluyan na ata ako magkakasakit sa puso sa nangyayari.


NApatayo ako nang wala sa oras ng makita ko ang lalake na sumusunod sa kina Annie.

Hindi to maaari..

Hindi ako makapaniwala…


Paanong..

“Mod? Napano ka dyan? “ Tanong ni Eren sakin pero parang nabato ako sa kinatatayuan ko.

Nilingon siya nung Ran at sumabay naman si Lawrence sa dalawa.

Kilala ni Lawrence sila Annie?!

“S-s-sino y-yun Eren?”

“Anong sino? Ahh, yung lalakeng kasama nila? Pinsan yan ni Cassa..”

“Pinsan?” di ako makapaniwalang napatingin kay Eren. Na pinagtaka naman niya.

“O-oo. B-bakit ka ganyan? Ok ka lang ba?”

Hindi Eren, mababaliw na ako pre.

“T-tumawag ang manager ko, m-may shooting pala kami. S-sige..”

“Paanong tumawag? Eh wala namang tumatawag sayo sa phone?!HOY!!” di ko na pinatapos ang sinasabi ni Eren, dahil hindi ko na alam ang gagawin.

Di ko akalain na kilala niya ang magkapatid na Lancelot.
Di ako makakapayag na madamay sila sa nakaraan namin muli.

Humigpit ang hawak ko sa strap nang bag ko.

ANg pamilyang Lancelot ang tumulong samin at nagligtas sa impyernong kinalalagyan namin.

Dahil isa akong prostitute at preso nang underground…


“What the h*ll ?” pagbukas niya nang pinto, gulat lang ang reaksyon niya at balak na sana niya ako pagsarhan.

“Please Kimberly, please, i-ikaw lang ang mapagsasabihan ko neto..”

“Come in.”

NAkahinga ako nang maluwag at pumasok sa bahay ni Kim. Inalam ko sa principal kung saan siya nakatira.

Sinabi ko na kaibigan ko siya para ibigay nila ang info na gusto ko. At may tiwala naman sakin ang school since malapit ako sa Lancelot.

“Des.. alam mong hindi ko na kaya. Nakikiusap naman ako..” kitang kita ko ang pangingilid nang luha ni Kim.

“Alam ko naman yun, pero hindi mo to pwede takbuhan habangbuhay. Naging boyfriend mo si Lawrence at alam mo ang nangyari samin. At wala ---”

“Bakit di na lang natin isumbong to sa mga pulis?! You know, Des, I can’t take this anymore! Kung alam ko lang na ang pamilya ni Lawrence ay mga taga underground, hindi ko na sana….”

“Di mo na sana ginawa na magkaroon nang relasyon sa kanya? Parang ang unfair naman nun Kim? Hindi niya naman kasalanan na mga kriminal ang pamilya niya!”

TUluyan nang tumulo ang mga luha ni Kim. Na guitly at naawa ako sa babaenh minsang minahal ni Lawrence at minsan namin naging matalik na kaibigan na ngayon ay muhing muhi at ..

DIring diri samin...

“Pero Des, mahal ko kayo! Alam nyo yun! Mahal na mahal ko si Lawrence! Pero di ko kaya na tanggapin ang background niya lalo na nung… nagbago siya.. bigla..” kitang kita ko ang paghigpit nang hawak niya sa bestida niya. Nanginginig ito pati ang boses niya.

“Mahal? Mahal ba yung parang pakiramdam ko , diring diri ka lumapit samin? Pakiramdam ko ang baboy baboy ko? “

“Pero yun ang totoo Modesto! Hindi ko nakita ang nangyayari sa inyo doon sa underground but one thing is for sure, gumagawa kayo nang masama! Gumagawa kayo nang kahalayan! And I can’t accept na ganun ang boyfriend ko! “

ALam kong yun na ang matagal na iniisip samin ni Kimberly simula nung malaman niya ang meron samin.

Gusto ko maiyak dahil hindi kami kaya tanggapin nang isang tao na tinuring naming kaibigan pero sino nga ba naman ang tatanggap sa pagkatao namin?

PInipigilan ko ang luha na gusto na tumakas sa mga mata ko.
Hirap na hirap ako itago ang sakit na nararamdaman ko sa mga sinabi ni Kim.
Hindi ko akalain na mas masakit pala marinig yun mula sa bibig niya..

Bigla akong na blanko, ano nga ba ang ginagawa ko dito? Tama bang humingi ako nang tulong sa taong to? Na buong buhay niya ata puro pandidiri ang iniisip niya samin..

Hindi niya ba naisip na.. hindi naman namin kagustuhan ang nangyari samin..

Nainis ako nang may tumulo na luha sa mga mata ko.

“I-I -I shouldn’t be here.. I-I -I .. I’m sorry . “ nanginginig ako na tumayo. Muli akong naawa sa sarili ko. Muli akong nanliit.

“Des..”
“Haha, sorry, gusto ko lang kasi tulungan si Lawrence, hindi ko kaya na pabayaan siya.. mamaya ano gawin nang loko . Uhm ahh , s-sige , k-kailangan ko na pala umalis, t-tumawag yung manager ko. “

Hindi ko na pinansin pa kung tinatawag niya ba ako or what baka kase bumigay ako at ngumawa sa harapan niya.
May pride pa rin naman na natitira sakin.

MAdali akong lumabas at lumayo sa bahay na yun. Ang sikip sikip namg dibdib ko. Ang bigat.

Agad ako na pumasok sa aking kotse at doon na nagsituluan ang aking mga luha.

Tinanggal ko ang salamin ko at pinunasan ito.

Kanina pa nagvivibrate ang phone ko.

MAlamang yung manager ko.

NApabuntong hininga ako.

KAilangan ko nang alak..






My Psychotic CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon